章节-31

218 9 0
                                    

Nasa imperyal na hardin si Fei ngayon kasama si Mingyu at nagpipitas ng mga bulaklak upang gawing pang dekorasyon sa loob ng palasyo nito.

"Nandito ka din pala"napalingon si Fei at Mingyu noong narinig nila ang babaeng nagsalita sa likod

"Malugod na pagbati saiyo,Konsorte Yang"pagbibigay galang ni Fei at maging si Mingyu dahil mas nakakataas ang ranggo nito sa kumpara sa kanya

Naglakad ito papalapit sa parte na pinipitasan ni Fei ng bulaklak at nilagpasan si Fei habang sila ay nakatingin lamang kung saan ito pupunta.

"Ang Oleandro,maganda nga.Ngunit may itinatago palang kamandag sa loob"hinawakan niya ang isang parte ng bulaklak habang nagsasalita

"Ang sabi nila ay may lason daw ang bulaklak na iyan kaya naman delikado itong hawakan nalang ng basta-basta.."nagaalalang sambit ni Fei dahil basta-basta lamang hinawakan ni Jia ang parte nito

Ngunit nakangiti itong lumingon "Kaya ikaw,magiingat ka.Lalo na at bago ka palang dito sa palasyo,hindi mo pa alam ang mga bagay bagay rito.Malay natin,baka payagan ka ng emperador na umalis dito sa palasyo at bumalik sa dati mong trabaho at pumumuhay bilang isang babaeng taga-aliw"

Para bang ang dating nito kay Fei ay kakaiba kaya naman medyo nasaktan ito.

"Alam mo ba kung bakit hindi pumupunta sa ibang pwesto ang mga bulaklak na ito?..dahil alam nilang may iba ng nagmamay-ari ng mas magandang pwesto ito kaya hindi na nila ito tinangkang agawin pa"

"Ngunit kahit na nasa dati lamang silang pwesto ay nananaig padin ang kanilang ganda sa lahat sa mga bulaklak na naririto"sagot naman ni Fei

"Kung gayon ay mas nanaisin mo bang maging katulad nila?ang mang-agaw ng pwesto na dapat ay nakalaan sa iba?"

Nagulat si Fei at Mingyu at maging ang mga tagapagsilbi sa sinabi nito na hindi nila inaasahan.

"Pasensya na po ngunit lumalagpas na po ako sa linya upang sabihan ng mga ganyang salita ang aking binibini"pagtatanggol ni Mingyu kay Fei

"Pasensya na,hindi ko sinasadyang sambitin ang mga bagay na iyon.Hindi naman iyon para sayo"hinawakan ni Jia ang kamay ni Fei at ngumiti"May itinatago ka bang sama ng loob sakin?"

"Hindi ko po ito magagawa"sagot ni Fei

"Kung gayon ay makakahinga na ako ng maluwag"bumitaw na ito at nakangiting nagpaalam kay Fei"Mauuna na akong babalik,iimbitahan na lamang kita sa susunod sa aking palasyo upang mag tsaa at makapag-kwentuhan naman tayo"

Nagbigay galang na si Fei noong naglakad na paalis si Jia ngunit bigla nitong nahulog ang porselana na dapat ay para kay Fei.

"Konsorte Yang,ang iyong porselana"pinulot ito ni Fei at ibinigay sa kanya

Nagbago naman ang ekspresyon nito noong nakita niyang hawak-hawak ni Fei ito kaya naman bigla niya itong kinuha kaagad mula sa mga kamay nito.

"Salamat"sambit nito at tumalikod na ngunit pagkatalikod niya ay biglang nagseryoso ang mukha nito

Lumapit si Mingyu kay Fei habang tahimik nilang pinagmasdan na umalis si Jia kasama si Ningxin "Alam naman nating ikaw ang tinutukoy niya sa mga bulaklak na iyan,malamang ay bumabawi lamang siya dahil sa naparusahan si Ningxin sa ipinakalat nitong kuro-kuro tungkol sayo"mataray nitong sambit

"Hayaan mo na,mas nakakataas padin siya saakin at mas pinapaboran siya ng emperador.Ano ba namang laban ko diba?"ngumiti na lamang ito ng mapait

"Pwede mo naman siyang bigyan ng tagapagmana upang tumaas ang ranggo mo,malay mo ikaw na ang papalit sa emperatris"

"Ano?n-nahihibang ka n-na ba?"biglang namula ang mga pisngi ni Fei kaya naman naglakad na ito pabalik hanggang sa tumakbo nalang ito dahil namumula na ang pisngi nito at si Mingyu ay nakasunod lamang habang patuloy padin sa pangaasar

Tahimik lamang na bumangon si Liye at nanghihinang tumayo sa kanyang higaan upang hanapin ang personal nitong tagapagsilbi na kanina pa niya tinatawag ngunit wala ito.

Nagpunta siya sa labas ng kanyang silid noong nakita niya ang kanyang personal na tagapagsilbi habang kausap si Zian sa labas noong aksidente niya silang narinig na naguusap.

"Ang maipapayo ko lang ay huwag mo munang babanggitin sa emperatris ang tungkol sa nangyari sa ikatlong ministro dahil baka mas makaapekto ito sa kanyang kalusugan"

"Opo,ngunit sana ay makadalaw rito mamayang gabi ang kamahalan upang dalawin man lang ang emperatris,isang buwan na siyang hindi dumadalaw dito"

"Dadalaw rito ang kamahalan mamayang gabi,ihanda mo na lamang ang mga gamit na gagamitin ng emperador"

"Opo,maraming salamat"nagbigay galang na ito kay Zian noong umalis na ito

Pagkalingon nito ay nagulat siya dahil bigla niyang nakita si Liye sa kanyang likod na nanghihina kaya naman kaagad niya itong inalalayan.

"A-anong nangyari kay ama?"mahinang tanong nito habang umuubo at sobrang putla niya

"Kamahalan,nais niyo bang mag tsaa?teyka lang at ---"

"Sagutin mo ako,anong nangyari kay ama?"

Sa pagkakataong ito ay bigla nalang itong napaluha at lumuhod sa harapan ni Liye."Patawarin niyo po ako kamahalan dahil hindi ko po ito sinabi kaagad sa inyo"

"Nasaan si ama?anong ginawa niya?anong n-nangyari?"

"Ikinulong po siya dahil nahuli ng emperador at ng prinsipe na gumagamit siya ng mga tauhan upang dagdagan ang mga suhol nila sa mga nagtitinda upang may makupit silang halaga ng pera at dahil ang pera na dapat ay pambili ng mga kakailanganin sa labanan ng mga hukbo ay k-kinukupit po n-nila...at..at inutusan din po ng emperador na huwag silang pakainin ng tatlong araw kasama ng mga iba pang ministro na nasa kulungan din"

"Hindi.."

Kahit na hinang hina ay pinilit padin ni Liye na lumabas kahit na pilit siyang pinipigilan ng tagapagsilbi ngunit sa huli ay wala na itong nagawa kundi ang sundan na lamang ito.Kahit na naka pangtulog lamang siya na roba ay nagtungo siya sa imperyal na kulungan at hindi na inisip ang maaaring sabihin ng mga taong makakakita sa kanya.

"Papasukin niyo ako"utos niya sa isang gwardiya ngunit nakayuko lamang ito at nagbigay galang ngunit hindi siya sinagot nito"Sinusuway mo ba ako?"

"Kamahalan,huwag niyo na po sana kaming pahirapan.Mas mabuti kung bumalik na lamang po kayo"

"Hindi ako babalik hangga't hindi ko nakikita ang aking ama"

Noong nagulat ang mga gwardiya dahil biglang lumuhod si Liye sa harapan ng tarangkahan ng kulungan upang makita lamang ang kanyang ama na nasa loob.

#A_Flower_In_The_Palace
#precxxious

A Flower in the Palace (Ang Unang Serye)Where stories live. Discover now