章节-29

219 6 2
                                    

"Ako na po ang kukuha"nagtungo na sa loob ng panahian si Zian upang kunin ang mga damit

Ilang minutong naghintay si Fei hanggang sa lumabas si Zian na may hawak na tatlong magagarang kahon na animoy isang regalo para sa ikakasal na babae.

"Siguradong maganda at mga dekalidad na mga materyal ang ginamit sa mga damit mga damit na ito"sambit nito habang nakangiti ng tipid at nauna ng naglakad palayo

Kaagad na sinalubong ni Mingyu ang kaibigan at kinuha ang bitbit nitong parol at napatingin kay Zian na nasa likuran nito.

"Bakit siya ang kasama mo?nasan ang emperador?"takang tanong nito at tumingin sa gilid

"May importante ata siyang aasikasuhin kaya naman nauna na silang bumalik kasama ang prinsipe"

Napatango-tango na lamang si Mingyu noong biglang nagtama ang mga paningin nila ni Zian.

"Anong ginagawa mo dito?hindi ka pa ba aalis?"

"Mingyu ano ba"saway ni Fei at pinisil ng mahina ang braso nito dahil sa pagtataray nito

"Ibibigay ko palang ang damit ni konsorte Ling"sambit nito at ibinigay ang isang karton na hugis parihaba sa dalaga

"Teyka saakin ito?"tanong ni Fei at sinilip ang nasa loob nito at namangha siya dahil sa ganda ng bistida

"Kung gayon ay aalis na po ako dahil mukhang pinapaalis na po ako ng isang batang ito"ngisi ni Zian at naglakad na paalis

"Ikaw!!"inis na sambit ni Mingyu

Napatawa na lamang at napailing si Fei dahil sa inakto ng kanyang kaibigan.Nauna na din itong pumasok sa loob ng kanyang palasyo tsaka naman padabog na sumunod si Mingyu habang nakabusangot.

"Nasaan si Konsorte Yang?"tanong ni Yuan ngayong naalala niyang dumalaw kay Jia

"Nasa hardin po sa likod,kamahalan"sagot ni Ningxin habang nakayukong sumagot

Dumiretso doon si Yuan at napangiti noong nakita niya itong namimitas ng mga bulaklak at may hawak-hawak na isang basket.

"Kamahalan"sambit nito noong nakita niya si Yuan at yumukod ag nagbigay galang

"Pasensya ka na at hindi na ako nakakadalaw sayo,masyado kasing madaming gawain sa korte ngayon"

"Ayos lang,kamahalan.Ang importante ay nakadalaw ka padin"ngumiti ito at ibinigay ang hawak kay Ningxin at pumasok na sa loob kasama ang emperador

"Dalhan mo kami ng tsaa at meryanda"utos ni Jia kay Ningxin na kaagad naman nitong sinunod

Biglang nakita ni Yuan ang porselanang ibinigay niya kay Fei na ngayon ay nasa pulso ni Jia kaya naman tinignan niya ito noong tumingin din ito sa kanya ng nakangiti.

"Nasaan mo nakuha ang porselanang iyan?"

"Ah ito ba?"tinignan ito ni Jia at inayos"Nakuha ko ito sa sahig noong araw na dumalaw ako kay Konsorte Ling kaya naman kinuha ko ito dahil inisip kong baka nahulog mo at alam mong nais mo itong ibigay saakin dahil alam mong mahilig ako sa rosas.At wala din naman akong nakikitang nagsusuot si Konsorte Ling at ang emperatris ng mga porselana kaya naman inisip kong baka para saakin nga ito"

Nais sana itong kunin ni Yuan at sabihing bibilhan na lamang niya ng bagong porselana ito ngunit naisip niyang baka masaktan ito kaya naman ngumiti na lamang siya at tumango.

Dumating na si Ningxin habang hawak-hawak ang tsaa at ang meryenda at inilapag ito sa mga kanya-kanyang lamesa sa tabi ng dalawa.

"Kamahalan,Konsorte Jia,nandito po ang pangunahing ministro"anunsyo ng isang tagapagsilbi sa dalawa

Tumayo na si Yuan "Kung gayon ay hahayaan ko muna kayong mag-ama na magusap"

"Teyka!--"napalingon siya noong pinigilan siya ni Jia "H-hindi ka man lang na magmemeryenda?"

"Hindi na,dadalawin nalang ulit kita bukas"ngumiti si Yuan at tumalikod na

Nakasalubong ni Yuan ang pangunahing ministro at nagbigay galang sa kanya ngunit hindi nagtuloy-tuloy ito sa paglalakad at hindi man lang ito tinapunan ng tingin.

"Ama,a-anong ginagawa mo dito sa ganitong oras?"tanong ni Jia at pinilit na ngumiti

Ngunit nagulat ang lahat ng mga nandoon noong bigla siyang sinampal ng kanyang ama.

"Wala ka talagang kwenta kahit kailan,nakita mo ba ang emperador ngayon lamang?bakit hindi siya natulog dito ngayong gabi at umalis kaagad ng hindi man lang nagmemeyenda?"tinapunan nito ng tingin ang mga pagkain sa lamesa

"Isa pang pagkakataon,ama"naluluhang sambit ni Jia habang nakahawak sa pisngi nito

"Dalawang taon ka ng konsorte ng emperador ngunit hanggang ngayon ay hindi mo parin siya binibigyan ng tagapagmana!"

Umiiyak at biglang lumuhod si Jia sa harapan ng kanyang ama habang kinukuskos ang dalawang palad nito "A-ama,ama isang p-pagkakataon pa"

"Kung hindi mo siya mabibigyan ng prinsipe sa loob ng isang buwan ay kalimutan mo nang ako ang iyong ama at na nanggaling ka sa pamilya ng Yang"sambit ng matandang ministro at iniwan na ang anak

Napaupo na lamang ito sa sahig habang umiiyak at bigla namang lumapit sa kanya si Ningxin upang patahanin ito na naluluha din.

"Ang ganda"masayang isinukat ni Fei ang bistida na ipinatahi sa kanya no Fei

Noong bigla niyang naaalala noong siya ang ginamit nitong pang sukat ng mga damit na akala niya ay para kay Jia lamang ngunit may nakalaan para para sa kanya.Isa itong mahaba at kulay puti na bistida,may mga puti itong bulaklak sa may kamay na parte at ang istilo nito ay para bang bistida ng isang engkantada na umaabot sa paanan ang haba nito at halos nakatago na ang mga sandales mo.

"Konsorte Ling,kailangan mong pumunta sa palasyo ng emperatris ngayon"nagulat ang dalawa noong biglang pumasok ang personal na tagapagsilbi ni Liye

#A_Flower_In_The_Palace
#precxxious

A Flower in the Palace (Ang Unang Serye)Where stories live. Discover now