章节-38

197 7 0
                                    

"Dinaldala po ng emperatris ang
tagapagmana ng kamahalan!"

"Kamahalan!"tawag ni Zian kay Yuan noong bigla nalang itong tumakbo paalis

Biglang napatingin ang lahat sa kanya noong pumasok siya sa palasyo ni Liye habang hinihingal ng tahimik ngunit seryoso ito.

"Gagawin kong labing dalawang araw ang burol ng emperatris"

napatayo si Lanlan "Ngunit walang anak ang kamahalan,hindi ba't dapat ay anim na araw lamang?b-bakit?"

"Dinadala niya ang tagapagmana ng trono ko"seryoso ngunit ang kanyang mga mata ay nakatingin sa nakahimlay na katawan ni Liye habang durog na durog ang kanyang puso

Gulat ang lahat sa kanilang nalaman.Habang si Yuan ay tulala lamang na umalis dahil hindi niya kayang makita ang sinapit ni Liye.

"Nagtagumpay po tayo sa ating plano"nakangiting sinalinan ni Ningxin ng tsaa ang baso ni Jia

Sumimsim ng kaunti si Jia at inilapag ito at ngumisi sa kawalan bago ito nagseryoso.

"Akala siguro niya ay magagamit niya ang kanyang dinadala sa sinapupunan upang ito ang maging tagapagmana ng emperador"

"Napakagaling po ng plano niyo ngunit bakit hindi niyo pa po ito ginawa noon?"

"Kinakailangang maghanap muna ako ng tamang tyempo upang gawin ito,at iyon nga ay ang kanyang sakit"

Napatango-tango na lamang si Ningxin."Magpunta ka sa palasyo ni Liye at ipaalam mo ang aking pakikiramay"

"Ngunit hindi ba't mas maganda kung kayo po ang mismong pupunta doon?"

Tinimpla niya ulit ang tsaa at sumimsim hanggang sa naubos niya ito "Baka hindi ako patahimikin ni Liye"

Nagbigay galang na si Ningxin at umalis na upang magpunta sa palasyo ng emperatris noong malayo palang ay natanaw na siya ni Mingyu na dadaan din sa daanan kung nasaan si Ningxin.

Ngunit mataray itong naglakad habang nakataas ang kanyang noo at nilagpasan si Ningxin.

"Wala ka bang pinagaralan kung papaano gumalang at bumati sa mas nakatataas sayo?"nangaasar na tanong nito kay Mingyu noong bigla itong natawa"Oo nga pala,isa ka lamang hampas lupang napadpad rito sa loob"

"Kung gayon ay papaano ka namang kutong lupa ka?"

"Ikaw!"inis na lumapit si Ningxin kay Mingyu at bigla itong sinampal

Kaya naman sa inis ay bigla niya din itong sinampal pabalik kaya naman gulat na napatingin sa kanya si Ningxin habang nakahawak sa kanang pisngi nito.

Aktong sasabunutan na sana ni Ningxin si Mingyu ngunit bigla silang napayuko noong narinig nila si Luhan kasama ang mga tagapagsilbi nito.

"Nahihibang na ba kayong dalawa?kakamatay lamang ng emperatris ngunit nandito kayo at anong ginagawa niyo?"

"Nauna po siya kamahalan,siya po ang unang sunampal sakin!"pagaakusa ni Ningxin habang nakaturo kay Mingyu

"Ano?!sinungaling ka"

"Magsitigil na kayo hindi ba kayo nahihiya?"seryoso ngunit mahinahon niyang sermon sa dalawa

"Pasensya na po,kamahalan"sabay na sambit ng dalawa

Tinignan niya lamang ang mga ito at umalis na.

"Hindi pa tayo tapos"binalaan ni Ningxin si Mingyu at umalis na

"Hindi pa tayo tapos nye nye"panggagaya ni Mingyu dito

Labing isang araw na ang nakakalipas at isang araw na lamang ang natitira bago ilibing si Liye.Nagsusunog ng insenso si Fei simula pa kaninang umaga at hanggang ngayon ay wala pa silang nakikita na kahit isang bses na dumalaw si Yuan sa templo ni Liye.

"Anong sabi ni Zian?"

Umiling lamang ito kaya naman tumayo na si Fei at inilapag ang mga hawak nitong insenso at biglang lumabas.

Dire-diretso siyang pumasok sa palasyo ni Yuan at walang pakealam kahit na harangan siya ng mga gwardiya at sa huli ay walang nagawa ang mga ito kundi ang padaanin ito.

"Konsorte Ling,hindi muna makikipag usap ang emperador sa kahit na sino ngayon"

"Umalis ka sa daanan ko"nagulat si Zian sa tono ng boses ni Fei ngunit hindi niya ito ipinahalata at nanatili ding walang emosyon ang mukha

"Sinusuway mo ba ako?"ngayon ay tumingin na ito ng diretso sa kanyang mga mata at sa huli ay nagiwas ng paningin si Zian

"Hindi ko po magagawa iyon"agad itong gumilid

"Teyka Fei.."pigil ni Mingyu ngunit hinila siya ni Zian sa braso paatras

Kaya naman naiwan ang dalawa habang si Fei ay magisang nagdiretso sa opisina ni Yuan at naabutan niya itong nakatayo sa isang bintana at nakatanaw sa sikat ng araw habang nakapikit at nanatili ang seryosong emosyon nito.

"Bakit hindi ka pumupunta sa templo ng emperatris?"pinilit na huminahon ni Fei sa tanong na iyon

Ngunit hindi sumagot si Yuan na para bang wala itong narinig at nanatili padin sa posisyon niya kanina.

"Nasa katinuan ka pa ba?"seryoso ngunit malungkot ang tono ng pagkakatanong ni Fei na dahilan upang idilat ni Yuan ang kanyang mga mata

"Iwan mo muna ako"

"Hindi,hindi Yuan.Kailangan ka ng emperatris!kailangan ka niya naiintindihan mo ba ako?"

humarao na ito sa dalaga"Sa tingin mo ba ay hindi ko ito alam?sa tingin mo ba ay hindi ako nakokonsensya?sa tingin mo ba ay ayaw ko ring magpunta doon?"bigla niyang itinuro ang daan sa labas

"Kung gayon ay bakit wala ka padin doon?nasaan ka Yuan nasaan ka?!"

Biglang tumalikod si Yuan at napahawak sa noo niya dahil sumasakit ito.

Tumawa si Fei ng nakakaloko at biglang napailing kaya naman napaharap ulit si Yuan sa kanya.

"Oo nga pala...hindi siya ang pinakamamahal mong konsorte"seryoso niya itong pinagmasdan sa huling pagkakataon at tumalikod na

Pinanood lamang ni Yuan na umalis ang dalaga noong napaharap ito sa pader at bigla nalang itong pinagsusuntok.

"Fei anong nangyari?"nagaalala at takang lumapit kaagad si Mingyu noong nakita niyang lumabas si Fei

"Tara na,mukhang hindi na dadalaw ang emperador doon"sinadya itong iparinig ni Fei kay Zian dahil tumigil ito sa tapat nito nang hindi tumitingin sa isa't isa.

Bigla niyang hinila si Mingyu paalis doon ngunit hindi nila alam na pinapanood pala sila ni Yuan na naglalakad paalis doon.

#A_Flower_In_The_Palace
#precxxious

A Flower in the Palace (Ang Unang Serye)Where stories live. Discover now