章节-53

229 7 1
                                    

Habang nasa kalagitnaan ng biyahe ay biglang bumaba si Luhan sa kanyang kalesa ngunit hinarang siya ng kanyang personal na gwardiya.

"Kamahalan..alam niyo pong hindi po ito maaari at baka may makakita pa pong iba"magalang na paalala nito sa prinsipe

"Sa tingin mo ba ay may mga tauhan ang emperador rito?"

"Pasensya na po"yumuko ito at humingi ng pasensya

"Umalis ka sa daanan ko"

"Opo"yumuko ito at gumilid mula sa kalesa ni Fei

Itinabi ni Luhan ang kurtina ng pintuan ng kalesa ni Fei at dahan-dahang umupo sa tabi ng dalaga at hinawakan ang kamay nito at inayos ang ilang hibla ng buhok sa mukha nito at pinunasan ang pawis nito.

"Ililigtas kita.Pangako."at hinawakan nito ang kamay ng dalaga "Patawad,at hindi kita nailigtas mula kay Jia.Pangako,pagbabayarin ko siya,wala akong pakealam kung sino man siya o kung sino man ang kanyang pamilya.Ang mahalaga ay ikaw.."

"Mmm.."dumaing ang dalaga na para bang nasasaktan ito

"Fei?"agad niyang sinuri ang dalaga at napagtantong nauubusan na sila ng oras

Agad siyang lumabas at pinatakbo na ang kanyang kabayo kaya naman sumunod na ang lahat.Ilang oras lamang ang nakakalipas ay nakarating na sa sentro ang prinsipe at ang kalesa ni konsorte Ling.

"Tumabi kayong lahat!"sigaw ng personal na gwardiya ni Luhan kaya naman tumabi at gumilid ang lahat ng mga tao sa kalye

Habang ang iba ay nagtataka kung ano ang nangyayari at ang iba naman ay nagtataka kung sino ang babaeng lulan ng kalesa na nakasara ang mga bintana.Nakapasok na sa palasyo ang prinsipe at agad na ipinatawag ang imperyal na doktor upang gamutin ang konsorte.

"Mamili ka.Gagamutin mo siya o buhay mo ang mawawala"babala ni Luhan habang seryosong nakatingin sa imperyal na doktor

Agad na yumuko ito "Gagawin ko po ang aking makakaya upang mailigtas ang konsorte"

Pagkatating na pagkarating nila Jia at Ningxin sa kanyang palasyo ay bigla na lamang niyang pinagbabato ang kanyang mga gamit habang nagsisisigaw.

Ngunit agad siyang pinigilan ni Ningxin "Tama na po"nagaalala nitong saway sa kanyang binibini

Ngunit agad siyang tinignan nito at sinampal ng malakas kaya naman napaatras ito dahil sa lakas ng pwersa ng sampal ni Jia.Unti-unti niyang nilapitan ang tagapagsilbi na umiiyak at nakahawak sa kanyang pisngi.

"Hindi ba't ang sabi ko ay si Fei lamang ang mahuhulog sa bangin at bakit nadamay pa ang emperador?!"sigaw nito

Agad lumuhod si Ningxin at paulit-ulit na nagmakaawa sa harapan nito "Hindi ko po sinasadya,patawarin niyo po ako,patawarin niyo po ako"hagulgol nito

"Gagawa ka na nga lang ng iniuutos ko palpak pa!"at aktong sasampalin niya sana ulit ito noong biglang nagsalita ang kanyang kapatid na kararating lang sa kanyang palasyo

"Konting konti nalang ay maririnig na ang iyong sigaw sa buong palasyo"

inis na ibinaba ni jia ang kanyang braso sa hangin at tinignan ang kapatid na para bang walang nangyari.

"Kuya,palpak ang aking plano.Papaano kung malaman ito ng emperador?"aligaga nitong tanong

"Nasaan ang lalakeng gumawa ng palpak mong utos?"

"P-patay na siya,bakit?"

"Siya lang ba ang nakakaalam ng nagawa mo?"tanong nito

Unti-unting kumunot ang mga noo ni Jia at lumingon jay Ningxin na umiiyak ng tahimik habang nanatiling nakaluhod.

"Hindi.pinagkakatiwalaan ko si Ningxin"madiin nitong sambit at tinalikuran na si Yanlin at naglakad papasok sa palasyo nito

Ngumisi na lamang ang heneral at umupo upang magkapantay na sila ni Ningxin.Pinagmasdan niya ang dalaga at hinawakan ang baba nito at iniangat ang paningin nito sa kanya.

Ngumiti siya bago nagsalita "Subukan mong traydorin ang aking kapatid."at tumayo na ito at umalis

Habang si Yuan naman ay agad na bumaba sa kanyang kabayo at wala ng sinayang na oras at tumakbo kaagad papunta sa palasyo ni Fei habang hinahabol siya ng kanyang mga tagapagsilbi.

Pagkarating na pagkarating niya sa pintuan ay nakita niya ang mahimbing na natutulog na dalagang kanyang iniibig.Dahan-dahan siyang naglakad papasok sa takot na magising ito at pinaiwan niya lahat ng mga tao sa labas ng silid nito.

Umupo ito sa tabi niya at hinawakan ang kanyang mga kamay.Pinagmasdan niyang mabuti ang dalaga habang ito ay natutulog.Sadyang kay ganda talaga niya,para siyang isang bituin sa langit na kay gandang pagmasdan.

"Pangakong hahanapin ko ang taong gumawa sayo nito.Wala akong palalagpasin,kahit na sino pa man ito.Nawala na sakin ang emperatris,hindi ko kakayaning mawala ka pa sakin Fei.Hindi ko kakayanin.Kaya parang awa mo na,magpakatatag ka at magpagaling ka para sakin"at hinalikan nito ang mga kamay ng dalaga

Limang araw na ang lumipas at unti-unti nang gumagaling si Fei mula sa lason.Araw araw rin itong tumatambay sa imperyal na hardin at doon nagpapalipas ng buong araw sa pagsusulat at pagbabasa sapagkat iniiwasan nitong makita ang emperador.

"Fei,wala ka ba talagang balak na makipag usap sa emperador?"tanong ni Mingyu habang hawak hawak ang ilang papel ni Fei habang nagsusulat ito

"Pakiabot ang isang papel"sambit nito nang hindi tumitingin kay Mingyu

"Fei--"

"Mingyu pwede ba,ayoko munang pagusapan ang taong wala rito at sana ay huwag mong idagdag sa usapan ang taong wala namang kinalaman dito"

napayuko na lamang ang kaibigan nito "pasensya na,nagaalala lang naman ako sayo"

ibinaba na ni Fei ang kanyang pang sulat at tumayo na at nilapitan ang kaibigan "mingyu,walang mangyayari saking masama at huwag kang magalala dahil nakaya ko ditong tumira ng isang taon"

ngumiti na lamang at tumango si mingyu at hinawakan ang kamay ng kaibigan dahil panatag siyang kaya nitong protektahan ang kanyang sarili kahit na wala siya sa tabi nito.

"Narito ang unang ranggong yunuk"anunsyo ng isang tagapagsilbi kaya naman kaagad na humarap sila rito at si mingyu naman ay nagbigay galang at yumuko

"Tanggapin ninyo ang utos ng Emperador!"yumuko ang lahat sapagkat hawak nito ang kataastaasang utos "dinggin ninyo ang aking utos,sapagkat ang araw na ito ay napaka espesyal sapagkat ito rin ang araw kung kailan unang naging konsorte si Konsorte Ling,at ngayon ay itataas ko ang kanyang ranggo sa unang ranggong konsorte"nagulat ang lahat maging si Fei dahil sa kanilang narinig

Agad namang lumuhod ang lahat at nagbigay galang.

"Malugod na pagbati, Kamahalan"

#A_Flower_In_The_Palace
#precxxious

A Flower in the Palace (Ang Unang Serye)Where stories live. Discover now