章节-11

288 18 3
                                    

Unti-unting nagising si Fei at agad siyang napabangon noong napagtanto niyang nasa hindi siya pamilyar na lugar.Isa itong maayos at mukhang magarbo ang silid na ito,napaka lawak din nito na para bang isa ng palapag ng isang bahay.Puro ginto ang mga naka display at maging ang mga kasangkapan sa loob nito ay puro mga mamahalin at mga bagay na hindi mo basta-basta makikita.

"Gising ka na po pala,binibining Fei"napatayo siya noong lumapit sa kanya ang isang tagapagsilbing dalaga na naka uniporme ng pang...palasyo?

"Teyka n-nasaan ako?sino ka?"

Nanatiling nakayuko ang tagapagsilbi "Nasa loob po kayo ng palasyo at ito po ang silid ng Inang Emperatris"

(Empress Dowager o Inang Emperatris sa Tagalog-ang dating asawa ng namayapa ng emeperador ng isang bansa.Ang ina o lola ng mga prinsipe at prinsesa)
*Former Empress*

Napaatras si Fei sa gulat dahil sa kanyang narinig.

"Bakit ako n-nandito sa p-palasyo?"agad niyang inilibot ang kanyang mga paningin sa loob ng silid na ito

"Mas mabuti po kung sasama po kayo saakin,binibini"magalang na sambit ng tagapagsilbi

Nauna nang naglakad ito at unti-unti namang sumunod si Fei.Pagkalabas nila sa malawak at malaking silid na ito ay napatulala ang dalaga sa kanyang nasilayan.

Ang malawak at sadyang napakaganda ng palasyo.Masyadong malinis at napakatahimik,makikita mo din ang mga tagapagsilbi na naglalakad sa iba't ibang parte ng palasyo at kitang kita na napaka-disiplinado ng mga ito.

Maaliwalas ang panahon at mukhang ala-una palang ng halon at kakatapos palang ng tanghalian.Ibig sabihin ay anim na oras siyang nakatulog mula kaninang nawalan siya ng malay sa likod ng bahay-aliwan.Maganda ang sikat ng araw at presko ang simoy ng hangin.Matataas ang mga estraktura ng mga gusali dito at ng mga kanya-kanyang palasyo na nakalaan sa mga prinsesa,prinsipe,emperador,
emperatris at mga konsorte ng emperador.

(Imperial Consort o Konsorte-ang mga iba pang asawa ng emperador bukod sa emperatris)

"Narito na po tayo"magalang na sambit ng tagapagsilbi habang nakayuko padin

Napatingin nalang si Fei sa pasukan (entrance) ng tanggapan ng Inang Emperatris.Hindi malaman ni Fei ngunit bakit bigla siyang kinabahan at parang hindi maganda ang kutob niya dito.Unti-unti siyang pumasok hanggang sa makalapit siya sa Inang Emperatris at yumuko bilang pagbibigay galang.

"Malugod na pagbati saiyo,Inang Emperatris"

"Tumayo ka na"

Hindi inaasahan ni Fei na kaaya-aya ang tono ng boses nito.Unti unti niyang iniangat ang kanyang ulo hanggang sa nasilayan niya ang isang babae sa kanyang harapan.Tunay nga na napakaganda ng Inang Emperatris kahit na tumatanda na ito,nagmumukha padin siyang bata.Itim ang mga buhok nito at mapuputi ang kanyang mga balat.At talagang nasa itsura na talaga niya ang pagiging maamo at ang maging kagalang-galang.

At talagang nasa itsura na talaga niya ang pagiging maamo at ang maging kagalang-galang

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Pasensya ka na sa nangyari kanina at nasaktan ka pa"

"H-indi po,a-ayos lang po a-ako"

"Huwag kang kabahan"nakangiting pagpapahinahon niya sa dalaga

Huminga ng malalim si Fei at ngumiti din "Opo"

"Marahil ay nagtataka ka kung bakit narito ka ngayon sa palasyo"

"Maaari ko po bang tanungin kung bakit niyo po ako dinala ngayon?"

Tumayo ang Inang Emperatris at inalalayan naman ito ng kanyang personal na tagapagsilbi.Dahan-dahan siyang naglakad papalapit kay Fei habang nakangiti at hinawakan ang mga kamay nito.

Nagulat si Fei dahil hindi niya aakalaing hahawakan siya ng isang maharlika.Hindi niya aakalaing mangyayari ito sa buong buhag niya maging ang pagpasok sa palasyo.

"Gagawin kita bilang ika-limang ranggong konsorte ng emperador(emperor)"

Nagulat lahat ng mga tagapagsilbi at maging si Fei kaya naman kaagad siyang lumuhod sa harapan nito.

"Pasensya na po Inang Emperatris pero hindi ko po matatanggap ang inyong inihahandog na pagkakataon para saakin.Handa ko pong tanggapin ang kahit na anong parusa na handa niyong ibigay sakin"nginginig na sambit ni Fei

Hindi maaari,hindi pwede,ayokong matali dito sa loob ng palasyo.Sambit ng dalaga sa kanyang isipan.

"Kalapastangan!papaano mo nagawang tanggihan ang kamahalan!"galit sa sambit ng personal na tagalagsilbi nito

"Tama na"mahinahong suway ng Inang Emperatris sa tagapagsilbi nito

"Pasensya na po talaga,kamahalan"kinakabahan pading sambit ni Fei

Bumalik sa kanyang kinakabahan ang kamahalan at pinagmasdan si Fei habang naka luhod padin sa kanyang harapan.

"Nais mo bang makilala ang iyong mga magulang?"

Natigilan si Fei sa mga tanong na ito at sandaling nagisip bago dahan-dahang tumayo.

"Pasensya na po ngunit,hindi ko na po sila nais na makilala pa kahit kailan.Hindi ko na po gugustuhing kilalanin ang mga magulang na nagtakwil at pinabayaan ako"

Hindi sumagot ang Inang Emperatris at tahimik lamang siya habang mahinahong nakikinig kay Fei.

"Nais kong pagisipan mo ito ng mabuti,at kapag nakapagisip-isip ka na ay maaari kang bumalik dito kahit kailan.Hanapin mo lamang ang aking personal na natapagsilbi at dadalhin ka ulit niya dito"

Nagbigay na ng galang ang dalaga sa harapan nito at naglakad na paalis ngunit nagsalita ang Inang Emperatris kaya napatigil si Fei sa paglalakad at lumingon dito.

"Hihintayin kita Fei"ngiti nito sa dalaga at nginitian ito pabalik ni Fei

Naglakad na siya paalis ngunit nagulat din siya noong bigla niyang nakasalubong ang prinsipe.

Agad na nagbigay galang si Fei at hinintay na makaalis ang prinsipe bago siya nagtuloy sa paglalakad.Sinundan niya lamang ang tagapagsilbi na naghatid sa kanya dahil ito din ang maghahatid sa kanya palabas ng palasyo.

Oo nga pala,siya ang ina ng prinsipe.Ngunit kung siya ang prinsipe,s-sino ang emperador?tanong ni Fei sa kanyang sarili.

Dahil para sa kanilang mga ordinaryong mamamayan ay isang malaking karangalan na ang makita ng personal ang kataas-taasan at makapangyarihang emperador ng bansang ito.

Habang naglalakad ay pilit nagiisip si Fei ng paraan kung papaano niya sasabihin sa kanyang kapatid ang nangyari sa araw na ito.At kung ano ang magiging reaksyon at opinyon nito.

Kumatok siya sa pintuan ngunit walang nagbukas kaya naman kumatok siya ulit ng dalawang beses ngunit nagtaka na siya noong walang nagbubukas ng pintuan kaya naman siya na ang nagbukas nito at gulat siya noong naka bukas na pala ito.

Pagtapak niya sa loob ng bahay ay bigla bang nakaramdam siya ng hindi magandang pakidamdam na hindi niya maipaliwanag.Ngunit biglang sumikip ang kanyang dibdib at unti-unti itong sumisikip.

"Ate?"tawag niya sa kapatid ngunit walang sumasagot

Agad siyang pumanhik sa silid nito at laking gulat niya noong nakita niya ang kapatid na duguan habang nakahiga sa kanyang kama at may nakasaksak na kutsilyo sa dibdib nito.

"Ateeee!!"

#A_Flower_In_The_Palace
#precxxious

A Flower in the Palace (Ang Unang Serye)Where stories live. Discover now