章节-6

385 28 0
                                    

"Walang galang!"galit na sambit ng isang lalake na naka uniporme bilang isang lalake na nakadamit pang gwadiya ng...palasyo?

Agad na bumaba si Fei mula sa pagkakasalo ng lalake at agad na na yumuko sa harapan nila.

"H-hindi ko po sinasadya,patawarin niyo po ako"ninenerbyos na paghingi ng dalaga ng tawad

"Kilala mo ba kung sino ang taong nasa harapan mo ngayon?"lumapit sa kanya ang tagapagsilbi nitong lalake at tinutukan siya ng espada sa leeg

Agad na lumuhod si Fei habang nanginginig ang kanyang mga kamay "Patawarin niyo po ako,hindi ko po sinasadya ang nangyari,patawarin niyo po ako" umiiyak nitong pagsusumamo dahil sa takot

Agad silang pinalibutan ng mga tao at naki-usyoso sa mga nangyayari.

"Lahat kayo!magbigay galang sa ikalawang prinsipe!"At ipinakita nito ang bilog na pilak na may simbolong dragon bilang tanda na isang itong prinsipe

Gulat na gulat si Fei dahil sa kanyang narinig.Agad na lumuhod at nagbigay galang ang lahat ng mga tao sa prinsipe na siyang kaharap ni Fei ngayon.

"Pabayaan mo na,aksidente lamang ang nangyari"seryosong sambit ng prinsipe at sumakay na sa kanyang kabayo

Pagkaalis ng prinsipe at ng kanyang personal na mga gwardiya ay nagsi-tayuhan lahat ng mga tao ngunit si Fei ay nanatiling nakaluhod dahil sa gulat sa mga nangyari kanina.Ngayon lamang siya nakaranas ng ganung takot noong tinutukan siya ng espada sa leeg niya.Sa mga oras na yun ay ang tanging nasa isip lamang niya ay paano na ang kanyang ate kung siya ay mamamatay ng biglaan.

May mga kamay na biglang tumulong sa kanya sa at inalalayang makatayo.

"Ayos ka lang ba?"nagaalalang tanong ni Mingyu sa kaibigan na hanggang ngayon at gulat padin sa mga nangyari

Hindi ito sumagot at sa halip ay umiyak nalang at niyakap ang kanyang kaibigan.

"Shhh wag kang umiyak,ayos lang ang lahat.Maswerte ka dahil hindi ka pinarusahan ng prinsipe"pagpapatahan sa kanya ng kaibigan

"Akala ko talaga mamamatay na ako kanina"hinarap niya ang kaibigan "Mingyu,hindi ko kayang iwan ang kapatid ko ganung sitwasyon"

"Oo alam ko,mabuti nalang din at walang masamang nangyari kanina"

Habang nagtratrabaho ay tulala padin si Fei dahil sa mga pangyayaring nangyari sa kanya na nagdulot ng takot sa kanya.

"Fei"tawag sa kanya ng kaibigan

"psst Fei"

"H-ha?bakit?"

"Kanina ka pa tulala diyan,hindi ba maayos ang pakiramdam mo?"

"Hindi,ayos lang ako"pagsisinungaling nito

"Sige,tawagin mo nalang ako kapag hindi maayos ang pakiramdam mo at ako ang bahalang magpaalam sayo kay senyora"

Tumango nalang si Fei at tipid na ngumiti bago bumalik sa kanyang trabaho.Lumipas na naman ang mga oras at hindi gabi na,oras na para siya ay maging isang mananayaw at kahera.

Pagkatapos niyang ibigay ang order ng isang senyor ay lumapit sa kanya ang matandang senyora na may ari ng bahay-aliwan habang nakangiti.

"May sasayawan po ba ako ngayong gabi,senyora?"tanong ni Fei

Ngumiti ang matanda at inayos ang buhok ng dalaga "Hindi na ako magtataka kung bakit madami ang nagkakagusto sayo.Maganda ka at magaling sa sumayaw" papuri sa kanya nito

"S-sino po ang aking mga panauhin ngayong gabi?"

Sinenyasan na lamang siya ng matanda na sundan siya papunta sa ikalawang palapag.Masaya ang matandang senyora dahil pakikinabangan niya ang dalagang ito na siyang magdadala sa kanya ng malaking salapi kaya naman nagpapasalamat siya na sumunod ito sa yapak ng kanyang ate.

Tumigil ang senyora sa isang silid at sinenyasan siyang pumasok doon.Hindi alam ni Fei ngunit bakit parang may parte sa kanyang kaloob-looban na huwag pumasok at tumalikod.

"Tandaan mo Fei,maimpluwensyang tao ang nasa loob ng silid na ito kaya huwag mo akong ipapahiya.Malaki na din ang kikitain mo dito at sapat na pambili mo sa gamot ng iyong kapatid"sambit nito bago umalis

Bumuntong hininga nalang si Fei bago dahan-dahang binuksan ang pintuan ng silid.

At hindi niya inaasahan na ang taong lamang ng silid na ito ay ang pangalawang prinsipe at si senyor Yanlin kasama pa ang ilang mga lalake.

"Ito ang sinasabi ko sayo kamahalan,siya ang pinaka magaling at pinaka magandang mananayaw dito"nakangising sambit ni Yanlin habang umiinom ng alak

Agad siyang napayuko at nagbigay galang sa prinsipe.

"Malugod na pagbati sa iyo,kamahalan"

Tumango lamang ang prinsipe at sinalinan ng alak ang kanyang baso bago tinignan ang dalagang nasa harapan niya ngayon.

"Nais kong makita kung gaano ka nga ba kagaling sumayaw"sabay linagok dito ang alak

Tumugtog na ang gayageum na instrumento na signus na para magsimulang sumayaw ang dalaga.

(gayageum:)

Umikot si Fei at inisayaw paikot ang kanyang mga kamay bago niya ikinumpas ng mahina ang kanyang damit

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Umikot si Fei at inisayaw paikot ang kanyang mga kamay bago niya ikinumpas ng mahina ang kanyang damit.Banayad siyang lumapit sa kanila at ikinumpas ulit ang laylayan ng kanyang damit bago isinayaw ang mga kamay niya at sumunod na din ang aking katawan sa pagsayaw sa tugtog.

Sakto lamang ang pagkabilis at pagka-hina ng tugtog.Totoo nga ang sabi nila,si Fei na ang susunod na pinaka magaling na mananayaw sa bahay-aliwan pagkatapos magkasakit ng kanyang ate.Kaya naman ayaw itong pakawalan ng matandang senyora.

Nakatitig lamang sa kanya lahat ng mga manonood dahil sa kanyang naiibang ganda.Tuwid,mahaba at kulay itim ang kanyang mga buhok,medyo maliit ang kanyang mukha at maputi,sakto lang din ang kanyang tangkad para isang babae.

Pagkatapos niyang sumayaw ay yumuko na siya bilang pagtatapos ng kanyang pagsasayaw.Nagpalakpakan ang mga tao sa loob ng silid na iyon dahil sa galing ng dalaga na nasa harap nila.

"Magaling"papuri ng prinsipe sa kanya bago lumagok ng alak

Aktong aalis na sana si Fei ngunit nagulat sila noong may biglang pumasok na grupo ng mga kalalakihan na naka itim na maskara at nasa itim din na damit at may hawak na mga espada.

Napasigaw nalang siya at napaatras dahil sa gulat at takot noong nagsimula nang maglaban ang mga tao sa loob ng silid.Aktong sasaksakin na siya ng isang naka-itim na lalake ngunit buti nalang at agad na naisangga ng prinsipe ang kanyang espada kundi baka natuluyan na ang dalaga.

Bigla na lamang siyang hinila ng prinsipe papaalis sa lugar na iyon at wala na lamang nagawa si Fei kundi ang sumunod dito.

Mabilis silang tumakbo papaalis sa bahay-aliwan habang ang mga tao sa loob ng establishimento at nagkakagulo na.

Pero bigla nalang natamaan ng isang pana sa likod ang prinsipe habang papatakbo sila papalayo.

#A_Flower_In_The_Palace
#precxxious

A Flower in the Palace (Ang Unang Serye)Where stories live. Discover now