Wakas

501 16 6
                                    

Xiang Zaijun,ang Ikatlong Emperador ng Tsina sa panahon ng Dynastiya ng Xiang.
(Ang tagapagmana ni Xiang Yuan at Leyan/Ling Fei)

"Kamahalan, magbalik na po tayo sainyong palasyo dahil maggagabi na po mamaya"dinig kong sambit ng yunuk ko sa likod

Nasa bundok ako habang nakatanaw sa labas ng palasyo, habang nakatanaw saaking mga pinamumunuang mga mamamayan.Lahat ay may kanya-kanyang buhay,may kanya-kanyang prinsipyo at kanya-anyang nararamdaman.Ito ang araw ng koronasyon ko kung saan ay pormal ng ipinasa at ipinaubaya ng aking ama ang trono saakin.Dalawampu't limang taong gulang ako, noong naging emperador ako ng bansang ito.

Bata pa lamang ako ay tinuruan na ako ng aking ama na pamunuan ang aking sarili upang matuto ako kung papaano pamunuan ang bansang pamununuan ko isang araw, at dumating na nga ang araw na iyon, ang araw na ito.Naturuan rin akong mamuhay ng simple kahit na ipinanganak ako bilang isang prinsipe, upang matutunan kong alamin at makita ang tunay na estado ng pamumuhay ng mga mamamayan.Sapagkat walang emperador kung wala ang mga tao, walang kaharian kung walang mamamayan.

Pinagmasdan ko ang lumulubog na araw,hudyat na ng pagbalik ko sa palasyo ng aking ama dahil ngayong gabi ay ihahabilin na niya ang kanyang huling kautusan.Nakakalungkot ngunit kailangan nating tanggapin na lahat ay may hangganan, walang permanente sa mundong ito at lahat tayo balang araw ay aalis na din dito.

Pinagpag ko ang balikat ko at naglakad na habang nakasunod ang aking mga tagapagsilbi.Pagpunta ko sa labas ng pintuan ng silid ni ama ay nakita ko ang mga ministro sa labas at naghihintay noong nagbigay galang ang lahat noong nakita nila ako.

"Malugod na pagbati, kamahalan"

Pumasok na ako at isinarado na nila ang pintuan dahil ako lamang ang nais makausap at makita ng aking ama kasama na ang sekretarya ng korte na nakaupo sa gilid at isinusukat sa talaan ang anumang mga sasabihin ng aking ama ngayon upang patunay at pruweba.

"Lumapit ka rito"utos ni ama

Agad akong lumapit at nagbigay galang.Matanda na ang aking ama at nahihirapan na rin siya, siguro nga ay oras na rin niyang magpahinga.

"Alam mo bang noong araw na isilang ka ni Fei ay paulit-ulit niyang isinigaw ang aking pangalan? ngunit hindi ako makapasok sa kanyang silid dahil pinagbabawalan ako ng mga tagapagsilbi, muntikan ko na silang mapugutan ng ulo kung hindi lamang ako nakapagpalamig ng ulo"napatawa na lamang ako ng mahina, nasabi din ni ina sakin na ang hirap ko daw isilang "Hindi mawari ang saya sa kanyang mukha habang hawak-hawak ka niya, at kahit na sobrang dami naming napagdaanang mga pagsubog ak nakaya namin, hindi ko din maisip kung ano ang magiging buhay ko kapag wala ang iyong ina sa tabi ko"

Biglang napaubo si ama at nahirapan siyang huminga kaya naman kaagad akong nagpakuha ng tubig at inalalayang makaupo si ama at uminom ng tubig.Inilapag ko ang baso noong hawakan ni ama ang isang balikat ko.

"Zaijun, ipinagkakatiwala ko sayo ang kaharian ng Xiang.Huwag kang maging bulag sa mga pinagdaraanan ng iyong mga mamamayan,huwag
mong kakalimutang kahit nasa taas ka ay nasa lupa ka parin nakaapak, bawat buhay ay mahalaga..Tandaan mong isip ang dapat mong unahin bago ang iyong puso sapagkat maaari kang linlangin ng iyong puso, ikakapahamak mo ang sarili mong emosyon."

"Opo ama"seryoso kong sagot habang nakatingin sa kanyang mga mata na alam kong pagod na

Inalalayan ko siyang dahan-dahang humiga.Natahimik kami ng ilang minutos bago siya nagsalita "Makakasama ko na rin ang iyong ina"ngumiti ito bago dahan-dahang pumikit

At sa pagkakataong ito at alam ko na, wala na si ama.Napapikit na lamang ako habang lumalabas ang mga luha mula sa aking mga mata.Tumayo ang imperyal na sekretarya at nagbigay galang kay ama habang nanatili akong nakatalikod at nakaharap kay ama, lumabas na ito upang ipaalam na wala na ang dating emperador.

Sa oras na ito ay kailangan ko nang kayanin at pamunuan ang bansang ito ng mag-isa.Naalala ko pa ang mga oras na tinuturuan akong magluto ni ina habang si ama ay ang humawak ng espada at pumana.Nakakalungkot lamang isipin na maagang namatay si ina dahil sa kanyang sakit, at nagmula doon ay unti-unti nang nawala ang mga ngiti at saya ni ama, lagi na lamang siyang galit at subsob sa trabaho at halos sa korte na siya natutulog gabi-gabi.

Tumayo na ako at nagbigay-galang kay ama."Pangako, hindi ko kayo bibiguin ama"

Isa lamang ang alam ko, na hindi mabubuhay ang mundong ito kapag walang pag-ibig.Lahat tayo ay pawang mga nilalalang lamang ng nasa itaas ngunit nabigyan tayo ng damdamin at puso.Ang sabi nga nila ay kaya raw mas mataas ang isipan kaysa sa puso ay dahil dapat mong mas unahin ang iyong isipan.Nagbibigay ito ng sakit at saya, dahil walang perpekto sa mundong ito.

"Magpadala ka ng mensahe sa Kaharian ng Liang na namatay na ang aking ama"utos ko sa pangunahing ministro

"Masusunod po, kamahalan"

Isa akong emperador ng Kaharian ng Xiang at prinsipe ng Kaharian ng Liang, sapagkat ang aking ina ay ang nawawalang prinsesa ng Kaharian ng Liang.Kaya naman ay mula noong nalaman nila ito ay naging mas matatag ang samahan ng dalawang kaharian at natigil na din ang alitan sa pagitan nito.Lumaki si ina rito bilang Ling Fei ngunit siya ang ang prinsesa ng Liang na si Prinsesa Leyan, ang panganay na anak ng Emperador ng Liang.Ang tagapagmana ng trono ngunit ibinigay na lamang niya ito sa aking tiyo na kanyang kapatid.

Magulo ang buhay, ngunit sa bawat pagsubok ay may kaakibat itong aral.Bawal kamalian ay nagiging repleksyon para sa atin upang sa susunod ay hindi na ito maulit pa.

Wakas

#A_Flower_In_The_Palace
#precxxious

A Flower in the Palace (Ang Unang Serye)Where stories live. Discover now