章节-39

201 4 0
                                    

Naglakad sa gitna ng malawak na korte si Yuan papunta sa kanyang trono sa unahan habang ang lahat ng mga ministro ay sabay-sabay na nagbigay ng galang sa kanya habang si Zian at Luhan naman ay nakasunod sa kanyang likuran.

"Malugod na pagbati saiyo,kamahalan"pagbati ng lahat sa kanya noong umupo na ito

"Tapos na ang burol ng dating emperatris"panimula nito"Dinggin niyo ang aking kautusan,halughugin niyo lahat ng mga palasyo at mga gusali rito sa loob ng palasyo"at tumingin ito kay Zian"Ikaw ang itinatalaga kong mamumuno sa mga gwardiya upang mag imbestiga.Kapag nahanap niyo na ang taong may gawa nito..iharap niyo siya sakin at ako mismo ang kikitil sa kanyang buhay"

"Masusunod,kamahalan"sagot ni Zian habang nakayukod

"Luhan,ipinagkakatiwala ko sayo ang pagsundo sa prinsipe ng Liang tatlong linggo mula ngayon.Susunduin niyo siya sa gitnang kapatagan.Nais kong gamitin mo ang ibinigay ko sayong kapangyarihan sa hukbo upang makapagtalaga ka ng isang libong sundalo at limang daang mga kabayo"

"Masusunod,kamahalan"sagot din ni Luhan habang nakayukod

Biglang naglakad paharap ang pangunahing ministro na siyang ama ni Yanlin at ni Jia at nagsalita kaya naman tumingin ang lahat sa kanya at nakinig sa kanyang sasabihin.

"Kamahalan,buwan ng Hulyo ngayon,at ayon sa nakasanayan na ay ngayong buwang ito gaganapin ang imperyal na pangangaso"

"Kalapastangan!kakamatay palang ng dating emperatris ngunit nais mo nang magpanukala ng isang okasyon gayong nagluluksa padin ang palasyo sa pagkawala ng emperatris!"biglang singit ng pangatlong ministro dahil sa nasasaktan ito sa nangyari sa kanyang anak

"Hindi ba't dapat ay nasa loob ka ng rehas ngayon?at kung hindi lamang sa iyong anak ay hindi ka mapapalaya"seryoso ang kanyang mukha ngunit nangaasar ito

"Ikaw!--"

"Magsi-tigil kayo"saway ni Yuan"Tama ang pangunahing ministro,ito ay nakasanayan na sa lahat ng mga henerayson na nagdaan kaya naman kailangan itong ganapin,magaganap ito dalawang linggo mula ngayon.At ang tungkol sa emperatris,huwag kayong magalala sapagkat ang buong bansa ay nagluluksa ukol rito at ipinagutos kong bawal muna ang mga okasyon kagaya ng kasal at handaan hangga't matapos ang buwang ito.Ngayon,may reklamo ba kayo?"

"Wala,kamahalan"sabay sabay nilang sagot lahat

Habang nagbuburda si Fei ay may bigla siyang narinig na mahinang kalabog sa likuran kaya naman tumayo ito at sinilip kung sino ito.

"Sinong nandiyan?"tanong niya habang dahan-dahang lumalapit sa may likod ng kurtina sa bukas na pintuan sa likod na bahagi ng kanyang   palasyo

Pinulot niya ng tahimik ang isang mahabang kahoy upang gawing pang protekta sa sarili,ipwinesto niya ang mahabang kahoy at biglang hinila ang mahabang kurtina at nagulat siya sa nakita niya.

"Anong ginagawa mo dito?"tanong ni Fei at kaagad itong hinila papasok at isinara lahat ng mga binata maging ang pintuan

"Konsorte Ling,may nais pong ibigay sainyo ang emperatris"kaagad niyang inisiksik ang isang panyo sa kamay ni Fei

"Saan ka nagpunta?bakit ka nagtago?anong nangyari?"sunod sunod na tanong ni Fei sa personal na tagapagsilbi ni Liye

Bigla niyang hinawakan ng mahigpit ang mga kamay ni Fei at para bang aligaga ito at nanginginig ang mga kamay habang tingin ng tingin sa paligid.

"Magiingat po kayo,huwag po kayong basta basta magtitiwala sa kahit na sino.Palagi niyo pong tatandaan na nasa loob po kayo ng palasyo at dito sa loob ay para bang nakakulong ka na parang isang kriminal at wala ng daang palabas.Ito po ang huling bilin ng emperatris sainyo"

Biglang nalungkot si Fei dahil sa kanyang mga narinig.Ikinalulungkot din niyang kay agang pumanaw ng emperatris...kasama ng bata sa kanyang sinapupunan.

"Mamamaalam na po ako,sana po ay huwag niyong babanggitin sa iba ang nangyari ngayon.Magpapakalayo na po ako"

"Kung gayon ay saan ka pupunta?"nagaalalang tanong ni Fei

"Kahit saan na po..Magiingat po kayo,itinuturing po kayong kapatid ng emperatris kaya naman mahalaga po kayo sa kanya at saakin na din po"

"Teyka lang.."naglakad si Fei at binuksan ang baul nito at kinuha ang isang mamahaling porselana

Iniabot niya ito sakanya "Ibenta mo ito upang may magamit kang pera"

Bigla itong ngumiti ng mapait "Maraming salamat po"at yumuko na ito bilang pagbibigay galang

Pinanood ni Fei na maglakad ito paalis hanggang sa maglaho na ito sa kanyang paningin.

Napaupo na lamang siya sa kanyang kama at kinuha ang nakatagong kapiraso ng pilak na dragon mula sa espada ni Yanlin at pinagmasdan ito.Hindi niya ito pwedeng mawala sapagkat ito lamang ang natitirang alas niya laban kay Yanlin upang pagbayaran nito ang mga kasalanan niya.

"Kailan mo balak isiwalat ang baho ng heneral?"umupo si Mingyu sa tabi nito

Napailing si Fei at itinago na ang hawak niya "Sa mismong huling araw ng imperyal na pangangaso"

"Ngunit..papaano ka makakadalo gayong ikaapat ka lamang na ranggo at ayon sa panuntunan ay ang emperatris at ang ikalawang ranggong konsorte lamang ang makakadalo?"

"Ako na ang bahala doon"tumayo na si Fei at hinubad ang pangunang bistida niya

"Maghanda ka ng pangligo ko at dadalawin natin ang templo ng emperatris"sambit nito sa kaibigan

"Sige maghahanda na ako"kaagad na sumunod si Mingyu

Pagkatapos maligo ay kaagad na nagpunta ang dalawa sa templo ng emperatris upang alayan ito ng insenso at dasal.

Ngunit habang tahimik na nagdadasal ang dalawa ay may biglang humila sa braso nilang dalawa na mga gwardiya at napalingon sila sa likod at nakita nilang sobrang dami din ng mga gwardiya

"Arestuhin ang mamamatay tao na yan!"biglang sambit ng panungahing ministro na biglang naglakad papaharap

#A_Flower_In_The_Palace
#precxxious

A Flower in the Palace (Ang Unang Serye)Where stories live. Discover now