章节-20

271 15 5
                                    

Napalingon na lamang ang emperatris sa sinabi ni Yanlin sapagkat alam niyang alam nito na kaaway siya ng kanyang kapatid kaya naman bumabawi siya sakanya ngayon.Agad naman pumagitna si Fei upang mawala ang tensiyon sa pagitan ng dalawa.

"Ayos lang ako kamahalan,ihahatid ko lang naman ang Heneral"ngumiti na lamang si Liye at tumango

"Fei.."sambit ni Liye noong aktong maglalakad na sana si Fei paalis

"Ano yun kamahalan?"

"Magiingat ka"nagaalalang sambit ni Liye sapagkat alam niyang hindi mapagkakatiwalaan si Yanlin

"Huwag kang magalala kamahalan,sasamahan ko lamang si senyor Yanlin at pagkatapos ay susunod na ako sa imperyal na hardin"

Nakangiting tumango si Liye at pinanood na umalis si Fei bago ito nagpunta sa imperyal na hardin kasama si Mingyu at ang mga iba pang tagapagsilbi.

"Kamahalan,magiging ayos lang ba ang aking binibini?"nagaalala ding tanong ni Mingyu dahil kahit nais siyang samahana ang kaibigan ay hindi niya ito magawa dahil hindi siya pinayagan ng senyor

"Magiging ayos lang siya,magtiwala ka"pagpapatahan ni Liye

Nakangiting tumango nalang si Mingyu at nagpapasalamat dahil narito ang emperatris na siyang tanging kakampi ng kanyang kaibigan sa loob ng malawak na palasyong ito.

Tahimik lamang si Fei at nauunang naglakad habang si Yanlin ay nasa likod nito ay nakasunod.

"Hindi ko alam na maganda pala ang patutunguhan ng iyong kapalaran"

"Hindi ko nauunawaan ang iyong sinasabi"sambit ni Fei habang nauuna pading naglalakad

Nagulat na lamang siya noong biglang tumabi sa kanya ang senyor kaya naman kaagad itong napaatras dahil sa gulat habang ang senyor ay nakangisi lamang.

"Kasing-ganda ng iyong mga mata ang mga mata ng iyong kapatid"

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?hindi mo ba alam na isang kalapastangan ang iyong ginawa?hindi na ako ang dating Fei,dahil ang babaeng nasa harapan mo ngayon ay isa ng konsorte ng emperador"

Tinignan niya lamang ito bago naunang naglakad at mas binilisan pa ito.Habang si Yanlin ay nakangisi lamang habang pinagmamasdan si Fei na maglakad ng mabilis

Noong nasa harapan na sila ng malawak na palasyo ng emperador.Pagpasok nila ay nagsabay ang dalawa sa paglalakad papalapit at gulat na lamang na napatingin kay Yuan si Yanlin noong naalala niya ito.Ang lalakeng nakaaway niya sa bahay-aliwan noong araw na binastos niya si Fei.

Seryoso lamang siyang binalingan ni Yuan habang nakaupo sa trono nito habang si Fei at nanatiling nakayuko at napapikit nalang dahil mukhang alam na niya ang mangyayari.

"Malugod na pagbati saiyo,kamahalan"sabay na pagbati ng dalawa

Ilang segundong natahimik ang lahat bago nagsalita ang emperador.

"Naalala mo ba pa noong tinatanong mo saang anong pamilya ako nanggaling?"seryoso at malamig na boses nito ang bumungad sa kanila

Napapikit na lamang si Yanlin dahil sa alam niyang maling tao ang kanyang binagga at mag kaakibat itong kaparusahan.

Agad itong lumuhod at humingi ng tawad "Kamahalan,patawarin niyo po ako sapagkat hindi ko alam na..."

"Na ano?!"nagulat ang lahat sa biglang pagtaas ng boses nito

A Flower in the Palace (Ang Unang Serye)Where stories live. Discover now