章节-36

193 6 1
                                    


Featured Song:
Will Be Back by Im Sun Hae

"Anong ibig mong sabihin,k-kamahalan?a-anong huling.."

"Ano ka ba,hindi ba't may sakit ako?masama sakin ang labas ng labas"mahinang natawa si Liye dahil sa pagiging kabado ni Fei kanina

"Ikaw kasi kamahalan e,akala ko kung anong 'huli' na"bumusangot si Fei

"Tikman mo itong tsaa na itinuro ng aking inay noong siya ay nabubuhay pa,masarap ito"at nilagyan niya ng tsaa ang isang maliit na tasa at iniabot ito kay Fei

Tumikim si Fei ng maliit lang hanggang sa unti-unti niyang nagustuhan ang lasa nito at ininom ito ng diretso.

"Masarap nga,maaari bang tikman ko ulit?"

Nakangiting nilagyan ulit ni Liye ang baso ni Fei at pinanood itong inumin ito.Hindi niya namalayang lumuluha na pala ito habang pinagmamasdan si Fei kaya naman noong napansin niya ito ay kaagad niya itong pinunasan ng palihim.

"Maswerte akong nakilala kita Fei,kahit papaano ay itinuring na din kita bilang nakababata kong kapatid"

"Mapalad din akong makilala ka kamahalan,simula pa noong kakapasok ko lamang rito sa palasyo at noong unang araw ko bilang konsorte ng emperador ay sinamahan mo na ako,kaya naman hindi ko kailanman naramdamang mag-isa ako"

"Naalala mo ba noong mga panahong kumakain tayo noong unang gabing naging konsorte ka?hindi mo pa sanay kumain noon habang nakatuwid ang iyong mga likod at hindi mo din nagustuhan ang mga pagkain at ang sabi mo pa saakin ay maalat at pangit ang lasa ng mga ito"mahinang tumawa si Liye habang inaalala ang mga ito

Tumawa din si Fei dahil napapahiya ito sa mga ginagawa niya noon "Naalala ko pa noong ipinagtanggol mo ako noon sa harapan ng emperador dahil nahuli ako ng dating sa palasyo ng inang emperatris ngunit nagalit ito..para siyang isang dragon na umaalab at umuusook yung ilong"mas natawa naman ang dalawa noong nagpanggap pa si Fei ang parang isang dragon

"Kay saya ng mga araw noon na kalaipas.Nakakalungkot lamang isipin na hindi na maibabalik ang mga ito dahil ito ay nakaraan na"

"Ngunit maaari namang gumawa ng mga bagong memorya diba?kung gusto mo kamahalan ay sasamahan kitang pumasyal bukas sa imperyal na hardin ng umaga"

"Sige"pag sang-ayon nito at ipinikit ang kanyang mga mata habang dinadama ang hangin"Nais ko lamang ipaalala sayo Fei,na hindi lahat ng tao sa palasyo ay maaari mong pagkatiwalaan.Ang tangi mo lamang maaasahan ay ang iyong sarili,sa palasyong ito kung saan pwesto at kapangyarihan ang labanan ay dapat lamang na tibaya mo ang iyong sarili at huwag na huwag kang magpapadala sa mga emosyon mo"

"Opo,maraming salamat saiyong payo,kamahalan"

"Oh siya,gabi na.Alam kong kailangan mong magpahinga kaya naman pinapayagan na kitang umalis"

A Flower in the Palace (Ang Unang Serye)Where stories live. Discover now