章节-40

215 7 0
                                    

"Wala akong kasalanan!"pilit na nagpumiglas si Fei

Ngunit wala na silang nagawa noong kinaladkad na sila papunta sa korte at sapilitang pinaluhod.

"Wala akong kasalanan!anong karapatan niyong dalhin ako rito?"

Napatigil ang lahat at sabay sabay na nagbigay galang kay Yuan noong dali-dali itong pumasok sa loob korte hanggang sa makatayo ito sa harapan ng kanyang trono.

"Bakit niyo dinala rito ang aking konsorte?"seryoso nitong tanong sa pangunahing ministro at inilibot ang paningin hanggang sa magtama ang paningin nilang dalawa ni Yuan

Walang kahit na sino sa dalawa ang nagtanggal o kumalas sa kanilang titigan.Hindi alam ni Fei ngunit nararamdaman niyang ang mga mata ni Yuan ay sinasabing huwag siyag magalala at maayos din ito kung ano man ang nangyari.

"Naaalala mo pa ba noon kamahalan ang iniutos mo?ang dalhin ang taong may sala sa nangyari sa emperatris at ikaw mismo ang kikitil sa kanyang buhay"

Biglang kumalabog ang puso ni Fei dahil sa kanyang narinig dahil wala itong katotohanan.Ibig sabihin ay pinagbibintangan siya sa bagay na hindi naman niya ginawa.

"Ngunit ako ang naka atas rito at hindi ikaw"lumingon ang lahat at nagbigay galang sa prinsipe habang naglalakad paharap papunta sa tabi ni Yuan

Noong bigla ring napatingin si Fei kay Luhan na seryosong nakatingin sa kanya ngunit kaagad na pinutol ni Fei ang titigan nilang dalawa.

"Ano ang karapatan mong pakealaman ang nakaatas saakin?Nais mo ba akong kalabanin?"

Naramdaman na ng lahat tensyon na nabubuo sa pagitan ng dalawa. Ngunit ang pangunahing ministro ay para bang wala lamang sa kanya ang nangyayari at parang isang normal na paguusap lamang ang nagaganap habang ang prinsipe ay seryoso lamang na nakatingin kay Fei.

Napa-pameywang ang isang kamay ni Yuan at ang isa ay itinuro ang pangunahing ministro "Asan ang iyong ebidensiya?"

"Mayroon po akong matibay na ebidensiya,kamahalan"

"Siguraduhin mong matibay ito upang paratangan mo at kaladkarin ang konsorte ko rito kundi ay alam mo na ang kaparusahang kalakip ng iyong mga ginawa"umigting ang mga panga nito

"Papasukin niyo na ang mga saksi"utos ni Yuan at umupo sa kanyang trono sa harapan ng malawak na korte habang nakasuporta ang dalawang daliri niya sa kanyang ulo at seryosong hinintay ang mga gwardiya na tumabi upang makapasok ang saksi

Lumingon si Fei at Mingyu at lahat upang tignan kung sino ang saksing sinasabi nila at nagulat sila noong nakita nilang pumasok ang personal na tagapagsilbi ng namayapang emperatris habang naka posas ang dalawang kamay nito at sapilitang pinaluhod sa harapan ni Yuan.

Nais sanang itanong ni Fei kung bakit at papaanong nandito siya ngayon ay sinasabing siya raw ang saksi na si Fei ang pumatay sa emperatris.

"Ikaw ang personal na tagapagsilbi ng namayapang emperatris"tukoy ni Luhan at sinipat ang kabuuan nito

Nakayuko lamang ito habang naka-luhod at hindi makatingin ng diretso kay Yuan at ang mga kamay nito ay nanginginig at halatang ninenerbyos ito ng husto.

"K-kamahalan..a-ako po ang saksi...n-noong oras na p-pinatay ang e-emperatris"nagsalita ito kaya naman tumahimik ang lahat

"Kalokohan!"tumayo si Yuan at dinuro siya

Kaya naman bigla itong umiyak at paulit-ulit na lumuhod "Totoo p-po ang aking sinabi k-kamahalan!"

Napatingin si Yuan sa pangunahing ministro "At sa tingin mo ba ay sapat na basehan ito upang sabihin mong ang ikaapat na ranggong konsorte ang may gawa ng lahat ng ito?"

"Pakinggan niyo po muna ang kanyang sasabihin kamahalan"mahinahon na sagot ng pangunahing ministro ngunit seryoso ito bago tinignan mg diretso ang emperador

"Sabihin mo,ano ang iyong nakita at narinig?"sabat ni Luhan

Ilang segundong hindi nagsalita ang personal na tagapagsilbi ng emperatris habang hinihintay siya ng lahat na magsalita noong biglang pumasok si Lanlan sa loob ng korte kahit na wala itong permiso mula sa emperador.

"N-noong gabi pong inimbita siya ng emperatris sa kanyang p-palasyo ay ang kanyang personal na tagapagsilbi na si M-mingyu ang naglagay ng tsaa s-sa tasa ng emperatris at--"

"Kasinungalingan!wala kang utang na loob!sobrang bait ng aking binibini sayo ngunit ito lamang ang iyong isusukli mo,isa kang taksil!wala kang utang na loob!"bulyaw ni Mingyu habang tinitignan ang personal na tagapagsilbi ng namayapang emperatris na nakayuko lamang habang umiiyak

Biglang lumapit si Lanlan upang alalayang tumayo si Fei ngunit bigla siyang hinarangan ng mga gwardiya kaya naman kaagad siyang tumingin kay Luhan at umiling ito na para bang sinasabing huwag na siyang makealam dahil mapapahamak lamang siya.

Dismayadong naglakad paatras si Lanlan at gumilid kaya naman inalalayan din siya ng personal niyang tagapagsilbi.

"At nakita rin niyang nilason niya ito gamit ang tsaang isinalin niya sa tasa ng namayapang emperatris sapagkat alam niyang dinadala niya ang tagapagmana ng emperador"napalingon naman ulit ang lahat noong narinig nila ang babaeng naglalakad papasok sa korte habang kumpiyansa itong nagsasalita hanggang sa nagbigay galang ito sa harapan ni Yuan

"Ano ang ibig sabihin nito?"takang tanong ni Yuan "Anong ginagawa mo dito?"

"Kung isa ako sa mga saksi ay maniniwala ka ba sakin?"diretsang tanong ni Jia

Napailing na lamang si Fei habang nakatingin kay Jia at dismayado dahil sa mga paratang nila sa kanya.

"Walang basehan ang mga ito kung salita lamang ang mga isasambit niyo"panimula ni Luhan "At walang matibay na ebidensiya kagaya ng sinasabi niyo kung tanging mga salita lamang itong mga sinasambit niyo"dugtong naman ni Yuan

Biglang lumingon si Jia kay Fei at tinignan ito kaya naman tinignan din siya pabalik nito habang ang mga mata nito ay nagtatanong kung bakit nila ito ginagawa.

"Una,ang porselanang nasa bulsa ng bistida ng personal na tagapagsilbi ay bigay ng ikaapat na ranggong konsorte upang suhol na lumayo na ito upang hindi mailantad ang kanyang ginawa sa emperatis"

Paulit-ulit na umiling si Fei "Anong sinasabi mo Jia?"mahinang tanong niya na sapat lamang upang marinig ni Jia

Ngunit hindi niya ito sinagot "Pangalawa,ay nais kong humingi ng pahintulot sa emperador upang halughugin ang kanyang palasyo para sa karagdagang ebidensiya"

"Jia sigurado ka ba sa sinasabi mo?"tanong ni Yuan

"Inaalay ko rito ang aking ranggo.Ipinapangako kong kapag mali ang aking paratang ay buong puso kong tatanggapin ang paglabas ko sa palasyo bilang isang hamak na mamamayan lamang"

#A_Flower_In_The_Palace
#precxxious

A Flower in the Palace (Ang Unang Serye)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant