章节-3

586 36 2
                                    

"Bakit ba siya nandito?"mahinang tanong ni Fei sa sarili habang nasa isang sulok at pasimpleng sinisilip ang binata na kumakain kasama ang kanyang gwardiya

Napasampal nalang ng mahina sa kanyang noo ang dalaga noong naalala niya ang nakakahiyang pangyayari kahapon.Akalain mo ba naman ay pinagbintangan niya ang senyor na isang manyakis pero ang totoo naman ay iniligtas pa siya nito.Nakakahiya talaga.

Nagtungo nalang si Fei sa kusina at hinanap ang kaibigan na naka-toka sa pagluluto.

"Mingyu,palit muna tayo,ako na magluluto"

"Bakit?nandyan na naman ba si senyor Yanlin?!"aktong lalabas na sana si Mingyu para sugudin ang inakala niyang senyor na nasa labas ngunit agad siyang pinigilan ng kaibigan

"Hindi hindi,wala siya"

"Eh bakit ka nakikipagpalit sakin?"nanliit ang mga mata niya at tinignan si Fei na para bang sinusuri niya ito

"May iniiwasan ka ba?"

"H-ha?w-wala noh,tsaka sino naman ang iiwasan ko diba?"

Napatango-tango nalang si Mingyu at mukhang kumbinsido naman siya sa sagot ni Fei kaya nagtungo na siya sa labas upang palitan ang pwesto ng kaibigan.

Makalipas ang pitong oras ay gabi na kaya naman napagpasyahan ni Fei na lumabas na mula sa kusina at maghanda na bilang isang mananayaw at seridora sa gabi.

"Uuwi ka na?"tanong ni Fei kay Mingyu na nakasalubong niya papasok sa kusina

"Ahh oo,gabi na din at tsaka kahit gusto kitang samahan ay hindi maaari dahil sa striktong matanang senyora na iyon"

Seriodora lamang sa umaga si Mingyu dahil labing pitong taong gulang lamang siya at hindi pa siya maaaring maging mananayaw at magtrabaho sa gabi at isa pa ay bahay-aliwan ito,wala pa siya sa tamang edad.Maliban nalang kung labing walong taong gulang na siya.

"Ano ka ba,ayos lang ako.At isa pa umuwi ka na kaagad dahil gabi na at baka nagaalala na sayo ang iyong ina"bilin nito sa kaibigan na itinuturing na din niya bilang nakababata niyang kapatid

"Sige.Pero bilin ko sayo,magiingat ka sa lalakeng kostumer natin sa labas,may kasama siyang isang lalake na may hawak na mahabang espada..."sambit niya"nakakatakot sila"bulong niya dito

"Sige,magiingat ako"

Pagkatapos magbihis ni Fei sa pang-mananayaw nilang uniporme ay nagpunta na siya sa pwesto ng kahera upang pumalit doon pero agad niyang nakita ulit ang binata kasama ang gwardiya nito at ang mas malala pa ay nakaupo na sila lamesa sa harapan ng kahera.

Bakit hindi pa sila umaalis?,tanong ni Fei sa isipan at napapikit nalang pero aktong magtatago na sana ulit siya noong agad siyang tinawag nito.

"Binibini!!"napatigil nalang siya sa paglalakad at napapikit

Anong gagawin ko?tatakbo ba ako o lalapit sa kanya?aishh!!pagmamaktol ni Fei sa kanyang isipan.At sa huli ay wala na siyang mapagpipilian kundi ang lumapit dito.

"Ano ang maipaglilingkod ko sainyo ginoo?"tanong nito habang nakayuko

"Dito ka pala nagtratrabaho?"

"Opo ginoo"tipid nitong sagot

"Akala ko sa panaderya sa tabi,nakita kasi kitang pumasok doon noong---"agad na napatigil ang binata sa pagsasalita noong napagtanto niya na may nasabi siya na hindi dapat niya sinabi

Kumunot ang mga noo ni Fei at tinignan siya ng diretso "Sinusundan mo ba ako?"

"H-hindi ah,bakit naman kita susundan"

"Kung ganun ay aalis na po ako at---"

"Teyka,oorder kami ng dalawang boteng alak,yung matamis at medyo maalat.Yung sakto lang yung timpla,may halong asin at tubig na may timplang hinalong pinya"paglalarawan ng binata na para bang batang tumutukoy sa mga pangalan ng mga bagay bagay

"Pasensya na ginoo ngunit wala po kaming ganyang klaseng alak,at isa pa,uulitin ko po na HINDI AKO SERIDORA DITO AT KAHERA PO AKO"

"Teyka tinatanggihan mo ba ang kostumer niyo?nasaan na ba yung namamahala dito at magrereklamo ako---"

"Ahhh! sandali lamang po ginoo at hahanapin ko ito"tumakbo nalang si Fei papunta sa tambakan ng mga alak upang hanapin ang tinutukoy ng binatang iyon na 'alak'

At sa kabilang banda naman ay napatawa nalang ang binata dahil sa reaksyon ni Fei noong nagsinungaling siyang tatawagin niya ang namamahala sa lugar na ito upang ireklamo siya pero ang totoo ay hindi naman talaga niya ito gagawin.

"Mawalang galang na senyor,ngunit anong klaseng alak ang tinutukoy niyo kanina?"

"Gawa-gawa ko lang iyon"nakangising sagot nito

Labing limang minuto na ang nakakalipas ngunit hindi padin mahanap ni Fei ang 'alak' na tinutukoy ng lalakeng iyon.Inis na napatayo si Fei at hinablot na lamang ang ubas na alak na nasa tabi niya.

"Malamang ay bumabawi ang lalakeng iyon sa pagpapahiya ko sa kanya kahapon"

Inilapag niya ang bote ng ubas na alak sa harapan nilang dalawa.

"Ito ba ang alak na pinapahanap ko sayo?"sinuri ito ng binata na para bang hindi siya sigurado na ito ang pinapahanap niyang alak kahit na hindi naman niya talaga alam kung ano ang kanyang pinapahanap

"Opo ginoo,iyan nga po"pagsisinungaling ni Fei kahit na alam niyang wala namang ganung klase ng alak

Kalahating oras na ang nakakalipas pero hindi padin sila umaalis.Kinumbinse nalang ni Fei ang sarili na baka maya-maya ay aalis na din ang dalawang impaktong yun at hindi na siya gagambalain muli.Pero naisip din niya kung paano ba siya magpapasalamat sa senyor na tumulong sa kanya kahapon.

"Isang basong tubig dito"dinig ni Fei na utos ng binata pero hindi niya ito pinansin at nagpatuloy lamang sa kanyang ginagawa

"Binibini,isang basong tubig dito"natatawa man ngunit hindi niya padin ito pinansin at nagpanggap na walang narinig

"Binibini na natulak ng kabayo kahapon,isang basong tubig dito!!"agad napalingon lahat ng mga tao sa binata at nginitian niya lamang ang mga ito na para bang walang nangyari

Inis na lumapit si Fei sa binata na nakangisi at hinihintay siyang magsalita.

Malakas na ini-lapag ng dalaga ang baso na puno ng tubig at ang binata naman ay natatawa dahil sa pangaasar na ginagawa niya sa dalaga.

Ngunit pabalik na sana si Fei sa kahera ay nagulat siya dahil sa malakas na pwersang humila sa kanyang braso at inilapit ito sa kanya.

"A-aray"

"Kumusta?binibing Fei..."ngisi nito sa dalaga

Nagulat at nanlaki ang mga mata ni Fei dahil sa binatang nasa harap niya ngayon...


#A_Flower_In_The_Palace
#precxxious

A Flower in the Palace (Ang Unang Serye)Where stories live. Discover now