章节-52

219 6 0
                                    

"Ano ba Yuan gumising ka!"paulit ulot na sigaw ni Fei habang hinahampas si Yuan sa balikat at pinipilit itong gumising

"Yuan..ano ba Yuan!!"umiiyak na sambit ng dalaga at pinipilit na tapikin ng mahina ang pisngi ng emperador na walang malay

Bigla na lamang nagising si Yuan at umubo ng tubig at napaupo ito sa tabing dagat habang inalalayan siya ni Fei at dahan-dahang tinapik ang likod nito.

Pilit na hinabol ni Yuan ang kanyang hininga hanggang sa unti-unti siyang nagbalik sa huwisyo at tumingin sa kanyang paligid bago nito tinignan si Fei na nagpupunas ng luha at aktong tatayo na ngunit agad siyang niyakap si Fei.

Ngunit agad na kumawala si Fei at umatras "Kailangan na nating makabalik "

"Ano ang nangyari Fei?sino ang may kagagawan nito sayo?papaanong nandito ka sa ilog?ano ang nangyari sayo?"seryoso ngunit nagaalalang  nitong tanong sa dalaga

"Wala..nahulog lamang ako.hindi ko alam kung bakit at anong nangyari kaya naging matarik sa daan kaya naman n-nadulas ako"nagiwas ito ng tingin at naglakad na papasok sa isang kweba

Ilang minutong walang nagsalita sa dalawa at tahimik lamang ang paligid habang sila ay nakaupo at nakasandal sa bato.Kanina pa sinusulyapan ni Yuan si Fei na tulala sa kawalan at para bang kakaiba ang ikinikilos nito.

"May problema ba Fei?"

"Wala"pinilit nitong gawing normal ang kanyang boses

"Alam mo bang sayo dapat ang porselanang binili ko noon sa plaza?naalala mo pa ba ang araw na iyon?"tanong nito kay Fei

"O-oo"yumuko ito dahil naalala niya ang nangyari noong gabing iyon

Tumawa ng mahina si Yuan at iniangat ang paningin niya"Hindi ko inaakalang bigla ka na lamang aalis noong gabing iyon.Alam mo bang nais ko sanang magtapat saiyo noong araw na iyon?"

agad na lumingon si Fei sa kinauupuan ni Yuan at tinignan ito ng naluluha ngunit hindi siya nilingon pabalik ng binata at nanatiling nakatingin sa taas."Ano ang nais mong sabihin noong gabing iyon?"

"Na mahal na kita.Na gusto na kita.Na nais kitang maging konsorte ko...Fei"sa pagkakataong ito ay nagkatinginan na ang dalawa sa mga mata nila

Sa pagkakataong ito ay tumulo na ang mga luha ni Fei at ngumiti ng mapait."Sana hindi na pala ako umalis noong gabing iyon..sana...sana maayos pa sana ang pagsasama nating dalawa"mapait nitong sambit

"Ano ang nararamdaman mo para sakin?"diretsong tanong ni Yuan nang hindi tumitingin sa kanya

Umayos na lamang ng upo si Fei at tsaka sumagot ng kaswal "Ikaw ang kataas-taasan at kagalang-galangang emperador ng bansang ito,tinitingala ka ng lahat,at ako naman ang iyong konsorte.Siguro nga ay mas mabuting sa ganoon na lamang sitwasyon ang panatilihin natin"

"Bakit mo ba ito ginagawa Fei?dahil ba kay Jia?----"

"Aahh!!---"biglang sigaw ni Fei sa sakit

agad agad na lumapit si Yuan at sinuri si Fei na namimilipit sa sakit habang pinagpapawisan.

"Fei..fei anong nangyayari sayo?"pilit niyang inayos ang dalaga at hinawakan ito sa pisngi habang lubos na nagaalala

"Aahhh!---"umiiyak na daing nito at mahigpit na humawak kay Yuan

Noong napagtanto ni Yuan na may tama pala siya sa braso kaya naman agad niyang sinuri ito at napagalamang nalason siya gamit ang palaso ng pana at nakamamatay ang palasong ito.Galit siyang napamura at agad na hinawakan sa pisngi si Fei at inayos ang mga hibla ng buhok nito at inilapit ang kanyang noo sa dalaga.

"Ililigtas kita Fei.Pangako"sambit nito at agad na binuhat ang dalaga sa kanyang likuran

Madaling araw na at napagtagumpayan ni Yuan na hanapin ang daan pabalik sa kanilang kampo noong agad siyang sinalubong ng mga gwardiya at nila Zian habang nagaalala.

"Narito na ang emperador at si konsorte Ling!"masayang anunsyo ng isang gwardiya

Agad binuhat ni Zian si Fei mula kay Yuan at agad silang nagpunta sa silid nito upang tignan ang lagay ni Fei.Sinuri ng doktor si Fei ngunit umiling ito at nagaalalang sinabi ang kalagayan ng konsorte kay Yuan.

"Kamahalan,patawari niyo po ako ngunit hindi ko po kayang gamutin ang konsorte!"agad itong lumuhod at umiyak

Napahawak sa kanyang noo si Yuan at inutusan ang lahat na aalis na sila mamaya pabalik sa sentro upang gamutin ang konsorte sa palasyo.Dalawang oras ang itinagal ng paghihintay nila sa pagaayos ng lahat bago na sila nagsimulang umalis.

"Kamahalan,mas maigi pong sa teritoryo ng mga Beiqi tayo dumaan.Mas makakatipid tayo ng oras at maaaring mas makarating tayo ng mas maaga ng dalawang oras sa sentro"suhestyon ni Luhan na sumabay sa kabayo ni Yuan na nakasakay rin sa kabayo

"Hindi.alam mong hindi tayo pwede roon sapagkat alam mong maaaring mapahamak tayo lalong lalo na si Konsorte Ling"seryoso nitong saway kay Luhan

"Ngunit buhay ang nakataya rito kamahalan,nais mo bang dumaan tayo rito at abutin tayo ng gabi?sa pagkakataong iyon ay baka hindi na makaabot pa ang konsorte"seryoso din nitong payo sa kapatid

"At ano ang plano mo Luhan?"itinigil nito ang kanyang kabayo kaya naman tumigil rin ang lahat at tumingin sa emperador at prinsipe

"Kung papayagan niyo po ako ay kami na po ng aking mga sundalo ang bahalang maghahatid sa konsorte ng ligtas sa sentro ng mas maaga.alam mong wala kaming kahit na anumang alitan ng pinuno ng beiqi"

tinignan siya ng seryoso ni Yuan "At ano ang iyong magiging kaparusahan sa iyong mga gawain kapag napahamak ang konsorte ko?"

"Malugod kong tatanggapin ang aking kamatayan."madiin at seryosong sagot rin nito pabalik

Lumingon sa likod si Yuan at tinignan ang lahat ng mga nakasunod na kalesa at mga sundalo."Makinig kayong lahat.Binibigyan ko ng awtoridad si Prinsipe Luhan upang ihatid ng maayos si Konsorte Ling,sila ay dadaan sa teritoryo ng beiqi.nais kong sumama lahat ng mga sundalo niya sa ilalim ng kanyang utos upang protektahan ang konsorte ang ang prinsipe anumang mangyari sa daan"

"masusunod,kamahalan"sabay sabay na sagot ng mga sundalo

Nagbigay galang na si Luhan at nagpunta na sa ibang daan habang ang mga sundalo at ang kalesa ni Fei ay nakasunod rito.

#A_Flower_In_The_Palace
#precxxious

A Flower in the Palace (Ang Unang Serye)Where stories live. Discover now