章节-23

255 13 3
                                    

Napasandal na lamang si Fei sa isang pader sa likod ng palasyo habang umiiyak.

"Anong ginagawa mo dito?"kaagad siyang tumingin kay Yuan ng gulat

"Wala"aktong aalis na sana siya pero kaagad siyang hinila nito ay isinandal na pader

"Ano bang ginagawa mo?"sambit nito habang pinupunasan ang mga luha nito

"Bakit ka umiiyak?"seryoso nitong tanong

Hindi makapaniwala si Fei sa tanong ni Yuan na iyon.Hindi niya alam kung nagpapanggap lang ba ito o ano.

"Hindi ito dahil sayo"tumingin siya sa binata at pagkatapos ay iniwas niya din ang kanyang paningin

"Nais mo bang ikaw ang dalhin ko sa labas ng palasyo?"

"A-ano?bakit ko naman gugustuhin iyon"ngunit sa kaloob-looban niya ay nais niyang sana siya nalang

Biglang inilapit ni Yuan ang mukha niya sa teynga ng dalaga at bumulong "Kung sasabihin mo ngayon na nais mong ikaw ang kasama ko bukas,maaari ko pang baguhun ang aking desisyon"

Kaagad na kumawala si Fei sa pagkakasandal sa pader at gulat na tinignan ni Yuan habang ito ay nakangisi lamang at naka-krus ang mga braso habang diretsong nakatingin sa kanya.

"Isa,Dalawa,Tatlo,Apat.."nagsimulang magbilang ang binata kaya naman mas nataranta si Fei

Nais niyang pumunta at sabihin sa emperador na sana siya nalang ang kasama nito paglabas ng palasyo ngunit nagaalala din siya sa maaaring maging reaksyon ni Jia,marahil ay masasaktan ito.

"Anim,Pito,Walo--"

"Oo na!"biglang napangiti si Yuan ng nakakaloko dahil sa wakas ay nasabi din ng dalaga

"Sigurado ka ba?'Konsorte Ling'?"

Hindi maintindihan ni Fei ang nararamdaman niya dahil sa sinabi ni Yuan na 'konsorte Ling',para bang kakaiba ito kapag siya ang nagsabi.Sobrang lakas ng kabog ng puso ni Fei kaya naman kaagad siyang tumalikod at biglang kumaripas ng takbo habang si Yuan ay nakangisi lamang pinaoanood itong tumakbo paalis.

Nakangiting naglakad papasok sa kanyang palasyo si Yuan noong sinalubong siya ni Zian.

"Sabihin mo sa personal na tagapagsilbi ni Konsorte Yang na si Konsorte Ling ang isasama ko bukas at babawi na lamang ako sa kanya..ahh teka--sabihin mo nalang na dadalaw ako sa kanya mamayang gabi"utos nito

"Masusunod kamahalan,ngunit baka gumawa na naman ng galaw si Konsorte Ling kagaya noon?"

Napabuntong-hininga na lamang si Yuan at naglakad papunta sa kanyang trono bago naupo dito.Napahawak na lamang siya sa kanyang ulo.

"Ang totoo ay para bang nagiiba na si Jia,para bang hindi na siya ang babaeng minahal ko noon"

"Sa papaanong paraan kamahalan?"

"Alam kong siya ang may kagagawan ng pagiging huli ni Fei noon sa pagbati sa inang emperatris.Binayaran niya ang isang tagapagsilbi sa palasyo nito at inutusang maglagay ng gamot para sa pampatulog ng matagal upang mahuli ito ng gising.Alam ko din na siya ang may kagagawan sa nangyaring pagkahulog ng emperatris noon sa lawa mabuti na lamang ang nailigtas ito kaagad.Akala ko ay magbabago siya kaya naman binigyan ko pa siya ng pagkakataon dahil mahal ko siya,kung maaari sana ay siya ang gawin kong emperatris kung hindi lamang tumutol noon si ama.Ngunit ngayon ay mapanibugho padin siya"

A Flower in the Palace (Ang Unang Serye)Where stories live. Discover now