章节-47

221 5 0
                                    

Naka handa na ang lahat at nakasakay na sa kanilang mga kabayo noong bigla nilang natanaw ang isang babae na papalapit sa kanila na naka pangdamit din ng pangangasong damit habang hawak ang pana nito.

"Hindi pwedeng manood ang mga konsorte sa pangangaso,maliban na lamang kung kasali ka"mataray na sambit niya habang nakataas ang isang kilay

Ngunit nginitian lamang ito ni Fei at biglang sumakay sa isang kabayo katabi ng kay Zian at walang kung ano-ano ay biglang tinamaan ang isang mansanas sa isang puno na may ilang kilometro gamit ang kanyang pana kaya naman namangha ang lahat.

"Kung gayon ay maaari na po ba akong sumali sa pangangaso kamahalan?"tanong niya kay Jia

Ngumisi si Zian at kinuha ang tali ng kanyang kabayo at nauna nang nagpatakbo papunta sa gitna ng kagubatan kaya naman lahat ay sumunod sa kanya.

"Hiyaa!"pinatakbo na rin ni Fei ang kanyang puting kabayo pasunod sa kanila

Nakatayo si Jia na naiwan doon at inirapan na lamang si Fei bago ngumisi pero biglang tumabi sa kanya si Ming-na at tinignan ang babaeng nagpapatakbo ng kabayo sa di kalayuan.

"Jia,hindi mo padin ba talaga titigilan si Fei?"nangungusap na tanong niya sa kaibigan"Jia magkababata tayo at kilalang kilala kita"

"Hindi ako titigil hangga't nasisigurado kong ako ang magwawagi sa huli"nakangisi ngunit mataray ang tono nito pero bigla niyang hinarap ang kaibigan at nginitian na para bang may kakaiba

Kumunot ang mga noo ni Ming-na dahil sa ginawa ni Jia "May problema ba?"

"Nasisigurado mo bang walang ibang iniibig ang lalakeng papakasalan mo?"

"A-anong ibig mong sabihin Jia?m-may nagugustuhan ba si prinsipe Luhan na i-ibang binibini?"

"Alamin mo kung nais mong malaman"at iniwan na niya ang kanyang kaibigan na nakatayo roon

Nilingon lamang siya ni Ming-na habang naka-kunot ang kanyang noon sa sinabi ng kanyang kaibigan at kung ano ang ibig sabihin niya rito.

Pinatakbo lamang ni Fei ang kanyang kabayo noong may makita siyang isang malaking kuneho na tumakbo papunta sa isang parte ng kagubatan kaya namab pinatakbo niya roon ang kanyang kabayo hanggang sa itinigil niya ito at dahan-dahang inipwesto ang kanyang pana at palaso upang tamaan ito.

Noong aktong tatamaan na sana niya ito ngunit bigla siyang naunahan kaya naman kaagad niyang nilingon ang pinanggalingan ng palasong tumama sa kuneho at nakita niya si Yuan na nakangisi sa kanya at bumaba na sa kanyang kabayo.

Hinawakan niya ang teynga ng kuneho at sinuri ito kung patay na bago naglakad papunta sa gawi ni Fei na nanatiling nakasakay sa kanyang kabayo.Noong bigla niya itong ibigay kay Fei.

"Anong ginagawa mo,kamahalan?"

"Huwag ka nang magtanong at magpatuloy ka na lamang sa pangangaso"ngisi nito at sumakay na ulit sa kabayo nito bago ito pinatakbo ulit papalayo

Tinitigan lamang siya ni Fei hanggang sa makalayo na ito bago niya sulyapan ang kunehong nasa harapan niya.

Halos limang oras na sila sa gitna ng kagubatan at hindi pa sila kumakain.Noong bigla namang tumunog ang tiyan ni Fei dahil sa gutom.

Bumaba na siya sa kanyang kabayo noong nakita niya ang isang persimon sa isang bunga ng kahoy kaya naman pumatong siya sa medyo malaking bato upang abutin ito.

"Ahhhh!"sigaw ni Fei

Unti-unti na sana niya itong naaabot ngunit bigla itong gumalaw at natapilok ang isang paa niya at napapikit nalang noong biglang may sumalo sa kanya.

Agad niyang iminulat ang kanyang mga mata noong naramdaman niyang may kaagad na sumalo sa kanya at sa hindi inaasahan ay biglang nagtama ang kanilang mga paningin.

Ang mga tingin niya kay Fei na para bang nangungusap ito.Sa kabila ng seryoso niyang mukha ay makikita mo parin talaga ang maamong mga mata niya at ang pagaalala.

Kaagad na kumalas si Fei at paika-ikang naglakad papunta sa kanyang kabayo.

"Saan ka pupunta?masakit padin ang iyong mga paa at mabibigla ito kung maglalakad ka lamang ng ganyan"seryoso niyang sermon habang pinapanood si Fei na maglakad papalayo

"Anong gusto mong gawin ko Yuan?lumipad ako ganun ba?"seryosong at pilosopong tanong ni Fei habang nanatiling nakatalikod

Ngunit bigla nalang siyang binuhat ni Yuan kaya naman nagpumiglas si Fei.

"Ibaba mo nga ako!"

Ngunit hindi natinag si Yuan at naglakad pabalik sa pwesto nila kanina at dahan-dahang ibinaba si Fei upang paupuin sa malaking bato.

Kumuha siya ng dalawang bunga ng persimon at iniabot kay Fei ngunit hindi ito tinanggap ni Fei at tumingin na lamang sa malayo.

Pero umupo si Yuan sa harapan niya at binalatan ito habang nakatingin padin kay Fei na para bang alam na alam niya ang kanyang binabalatan kahit na hindi niya tignan ang prutas.

"Iwan mo na ako at magpatuloy ka na lamang sa pangangaso"mailap na sambit ni Fei habang nanatiling nakatingin sa malayo

"Hindi ko iyon gagawin hanggang sa masigurado kong makakabalik ka ng maayos"

Ngunit bigla siyang tinignan ni Fei ng seryoso "At sa tingin mo ba ay makakabalik pa ako?sa tingin mo ba ay maibabalik ko pa ang dating buhay ko noong mga panahong hindi kita nakilala?!"

Nagulat si Yuan sa biglang pagsigaw ni Fei sa harapan niya.Ngunit hindi natinag si Fei at tinignan si Yuan ng diretso sa mga mata habang lumuluha si Fei.

"Alam mo bang sakal na sakal na ako Yuan?!sa tingin mo ba ay ginusto ko ang buhay na ito ha?kailanman ay hindi ko pinangarap at naisip na makipag kompitensya at makipaglaban para sa kapangyarihan at pwesto naisip mo ba yun?!"

"Fei.."ang mga tono niya ay para bang isang maamong bata na humihingi ng kapatawaran

Kaagad niyang hinawakan ang mga kamay ng dalaga ngunit nagpumiglas ito at biglang tumayo ngunit kaagad siyang hinila ni Yuan at biglang isinandal sa puno at biglang hinalikan.

#A_Flower_In_The_Palace
#precxxious

A Flower in the Palace (Ang Unang Serye)Where stories live. Discover now