章节-48

216 8 0
                                    

"Ano bang ginagawa mo?!"kaagad na itinulak ni Fei si Yuan at biglang naglakad paalis habang paika-ika

Kahit na masakit ang kanyang paa at pinilit niya parin itong ihakbang ng mabilis upang makapunta na sa kinaroroonan ng kanyang kabayo ngunit bigla siyang binuhat ni Yuan at agad na isinakay sa kanyang kabayo.

Agad namang umangkas si Yuan sa kanyang likod at ipwinesto ang kanyang kamay sa tali sa harapan upang hindi na makatakas si Fei.

Napasinghap na lamang at wala nang ibang nagawa si Fei kundi ang manatili roon hanggang sa makabalik nalang sila sa kampo.

Sobrang lakas ng kabog ng puso niya at kinakabahan din ngunit hindi niya alam ang dahilan.Basta't ang alam lamang niya ay ang makabalik na sana sila sa kampo upang makababa na siya at mahiwalay mula kay Yuan.Idagdag mo pa ang halik kanina na naganap ng hindi inaasahan.

Tahimik lamang ang dalawa habang binabaybay ang daan pabalik.Noong muntikan na sanang mahulog si Fei sa pagkakahawak sa harapan ng kabayo noong bigla siyang naalalayan ng isang kamay ni Yuan at kaagad itong ipwinesto sa kanyang tiyan habang ang isang kamay naman niya ay nakahawak sa tali ng kabayo upang kontrolin ito.Para bang nais na ni Fei na bumaba na lamang at maglajad papalayo na para bang walang nangyari.Hindi niya rin malaman kung bakit ba siya nahihiya dahil ba sa nangyari kanina o dahil kasama niya si Yuan ngayon sa iisang kabayo?

Ngunit agad din niyang inalis ang kanyang kamay mula sa dalaga noong napansin niyang ayos na ito at pinabagal na lamang ng kaunti ang pagtakbo ng kabayo para sa dalaga.

"Konsorte Ling!"tawag ni Mingyu sa di kalayuan noong nakita niya ang kaibigan

Kaagad na bumaba si Yuan upang alalayan si Fei sa pagbaba ngunit sa halip na magpaalalay ay bumaba na rin ito kaagad at tinulungan na lamang ito ni Mingyu na naka-kunot ang noo kung bakit pilay ang kaibigan.

"Ano ang nangyari sa iyong paa?"kunot-noong tanong niya at sinuri ito

"Nahulog ako sa batong pinag-patungan ko kanina"

"Ano?!"

Ngunit biglang napagtanto ni Mingyu na nasa likod pala ni ang emperador kaya naman kaagad siyang lumingon at nagbigay galang rito.

Ngunt nanatiling nakatingin si Yuan ng seryoso sa paa ni Fei bago ito tumingin sa kanya ngunit nagiwas ito ng tingin.

"Magpapatawag ako ng doktor upang mabigyang lunas ang nasaktang paa ni Konsorte Ling"seryoso nitong sambit habang kausap si Mingyu ngunit ang kanyang tingin ah nanatili parin kay Fei na naka-iwas padin ng tingin

"Huwag na,kaya ko--"hindi na itinuloy ni Fei ang kanyang sasabihin noong biglang sumakay sa kanyang kabayo si Yuan at umalis na

Hinintay nalang ng dalawa na makaalis na ang emperador bago naman sila nagpunta sa kanilang kampo upang magpahinga.

"Teyka naman Mingyu!---a-aray! teyka ang sakit-- aray!"

"Papaano ito gagaling kung hindi ko lalakasan ng kaunti ang pag hilot?nqis mo bang hindi makadalo sa pangangaso bukas?"sermon ni Mingyu sa kaibigan na naka busangot

"Alam ko naman yun kaso ang lakas ng pagkaka-hilot mo mamaya ma-pilay pa ako ng tuluyan dahil diyan"

"Malugod na pagbati saiyo,Konsorte Ling"pagbibigay galang ng isang lalakeng imperyal na doktor na nasa loob ng kanilang naipatayong tolda habang nakayuko na nasa edad 50 pataas

Lumapit na ito at nanatiling nakayuko at sinuri ang paa ni Fei habang ang dalawa ay tutok naman sa  panonood sa ginagawa ng matanda na paggamot kay Fei.

"Bibigyan ko na lamang po kayo ng gamot,ang langis galing sa--"sakto naman itong magalang na tumingin kay Fei ngunit bigla itong natigilan

Taka namang nagkatinginan sila Mingyu at Fei dahil sa pagtataka kumg bakit napatigil sa pagsasalita ang imperyal na doktor.

"Leyana.."tulala nitong sambit habang nakatingin kay Fei na para bang ngayon niya lang ito nakita sa pangalawang pagkakataon ulit at ang kanyang mga mata ay para bang anumang oras ay tutulo na ang mga luha niya

"Po?"takang tanong ni Fei

"M-mawalang galang na po,ngunit..sino po ang iyong mga magulang?"bigla itong tumango ulit at biglang pinunasan ang mga luha nito

"B-bakit po kayo umiiyak?..ang mga magulang ko po ba?mula po noong bata pa lamang ako ay hindi ko na po sila nakilala"

"Pagpasensyahan niyo na po at kalimutan niyo na rin po ang aking mga sinabi kanina lamang"

"Teyka sandali--"

Biglang tumayo ang imperyal na doktor at umalis na kaagad ng hindi man lang pinatapos ang sinasabi ni Fei.

"Anong problema nun?"kunot noong lumapit si Mingyu kay Fei at kinuha ang mga gamot na inireseta nito upang gumaling ang kanyang paa

"Leyana?sino yun?"

Nagkibit balikat lamang si Mingyu bilang sagot.Habang inaayos ni Mingyu ang higaan ni Fei ay kanina pa siya seryosong nakatingin sa kanya na para bang may sasabihin ito ngunit ayaw niyang ituloy.

"Itanong mo na"

"Sigurado ka ba talaga sa gagawin mo bukas Fei?delikado ito at alam mo ba kung anong maaaring mangyari sayo kapag nahuli ka?maaari kang tanggalan ng ulo sa publiko oh di kaya naman ay bitayin sa harapan ng korte habang lahat ng mga ministro at imperyal na miyembro ay nanonod!---"

Biglang hinawakan ni Fei ang mga kamay ni Mingyu at tumingin sa kanya ng diretso "Pinagkakatiwalaan mo ba ako?"at ngumiti ito na para bang magiging ayos lang ang lahat

"Fei natatakot ako!natatakot ako na baka maiwan akong magisa rito,hindi ko kakayanin kapag nawala ka dahil ikaw lamang ang nagsisilbing pamilya ko"mangiyak-ngiyak nitong sambit at biglang niyakap ang dalaga

Niyakap rin siya pabalik ni Fei at dahan-dahang tinapik ang kanyang balikat upang patahanin ito ngunit lumipas ang ilang minuto ay bigla itong nakatulog.

Ngumiti ng mapait si Fei "Pasensya ka na Mingyu,ngunit sa pagkakataong ito ay kailangan ko nang sumabak sa labanang ito sapagkat una pa lamang ay kasali na ako.Kung noon ay wala akong interes sa upuan ng emperatris..iba na ngayon..kung kailangang dumanak ang dugo ay gagawin ko.Makamit lamang ang hustisya sa pagkamatay ni ate at ng emperatris"

#A_Flower_In_The_Palace
#precxxious

A Flower in the Palace (Ang Unang Serye)Where stories live. Discover now