章节-4

504 35 1
                                    

"S-senyor Y-yanlin.."gulat na sambit ni Fei

"Naaalala mo ba pa kung paano mo ako sinampal at tinanggihan kahapon?"seryoso ngunit nakangising tanong niya sa dalaga

Hindi sumagot ang dalaga kaya naman mas hinigpitan nito ang hawak niya sa braso nito.

"Nasasaktan po ako senyor.."pinilit na binawi ni Fei ang kanyang kamay ngunit sadyang malakas ang senyor kaya naman hindi niya ito magawa

Pero nagulat siya noong may humawak sa braso ng senyor kaya naman naman napatingin ang lahat sa kanya.

"At ang lakas ng loob mong hawakan ako"binitawan na ng senyor and kamay ni Fei at sa halip ay hinarap ang binata na pumigil sa kanya

"Hindi ko alam na ang isang heneral ay nagagawang mambastos ng babae sa harap ng madaming tao"seryosong sambit ng binata

At sa kauna-unahang pagkakataon ay nagulat si Fei dahil sa tono nito.Masyado siyang seryoso,parang...ibang tao.Hindi siya yung binata na nakausap niya kahapon at kanina lamang.

At may nagsasabi din sa loob ni Fei na para bang isang napakataas na at makapangyarihan ang binatang nagligtas sa kanya...Sino siya?

"Wala kang pakealam!"aktong susuntukin na sana ng heneral ang binata ngunit agad itong nakailag

At sa hindi inaasahan ay agad na nasuntok ng binata ang heneral sa mukha kaya naman napaatras ito sa lakas ng pwersa at pati ang mga tao ay nagulat at napatayo sa kanilang nasaksihan,maging si Fei.

"Senyor.."tawag ng gwardiya ng binata ngunit sinenyasan niya lamang ito na manatili sa kinatatayuan niya at huwag nang makisali sa away nila

Napahawak ang heneral sa kanyang labi na putok na at pinunasan ang dugo mula sa gilid ng kanyang labi.

Ngumisi siya at tumango-tangi bago natawa ng sarkastiko "Sa kaninong pamilya ka nanggaling?"

Agad na kinabahan si Fei dahil sa tanong ni senyor Yanlin.Alam na niya ang susunod na hakbang na gagawin nito,idadamay niya ang pamilya ng binatang tumulong sa kanya!hindi ito maaari!

Lumingon si Fei sa binata at umiling-iling bilang senyas na huwag niyang sabihin ang pamilya na kinabibilangan nito dahil tiyak na mapapahamak sila.Ngunit ngumiti lamang ang binata sa kanya,na para bang sinasabi nito na ligtas siya.

"Hindi mo na kailangang malaman pa"seryoso at maowtoridad na sagot ng binata

Tinapunan lamang ng binata ng tingin ang heneral bago hinila ang kamay ni Fei at hinila palabas ng bahay-aliwan habang lahat ng tao sa labas at loob ay nakatingin sa kanya sahil sa eskandalong naganap sa loob.At dahil hindi basta-basta ang taong sinuntok ng binatang ito,dahil siya ang unang ranggong heneral ng palasyo na itinalaga ng emperador(emperor)ng bansang ito.

Nakalayo-layo na din sila mula sa lugar na iyon at kakaunti na din ang tao sa kalyeng ito,nasa likod ang gwardiya ng binata habang si Fei ay kasabay ang binata sa paglalakad.

Nahihiya man siyang magtanong ngunit nagawa padin niya "Maaari ko bang malaman kung saang pamilya ka nanggaling,senyor?"

Ngumiti lamang ang binata habang nakatingin ng diretso sa kanilang dinaraanan.

"Nanggaling ako sa pamilyang 'Qi'."sagot nito

"Bakit parang hindi ko narinig ang tungkol sa pamilyang ito.."

"Marahil ay dahil mababa lamang ang antas ng aming pamilya kumpara sa ibang mga mayayamang pamilya"

"Kung kayo mababa,paano ba kaya kami?"natawa ng kaunti si Fei sa biro niyang iyon

Napatitig lamang ang binata sa dalagang kasabay niyang naglalakad sa kalye.

"Minsan hinihiling ko nalang din na maging katulad mo..ninyo"nagtatakang napatingin din ang dalaga sa sambit ng binata

"Maging katulad namin?nagbibiro ka ba?"natawa na lamang siya dahil hindi niya inaakalang may isang mayaman na senyor na nagnanais maging isang mahirap at maging kabilang sa mababang antas

"Dahil malaya kayo,wala kayong kailangang gampanan na responsibilidad.."

Sa isang iglap ay para bang naawa ang dalaga sa senyor.Oo nga naman,malaya kami at walang ginagampanang responsibilidad,walang umaasa saamin at sa abilidad at kaya naming gawin,sambit ni Fei sa kanyang isipan.

"Pero hindi ba't madami naman kayong salapi?may yaman kayo at higit sa lahat ay komportable ang inyong buhay?"

Napatawa ng kaunti ang senyor at umiling bago tinignan si Fei "Aanhin mo naman ang lahat ng ito kung hindi ka naman masaya?"agad na pumalit ang lungkot sa kanyang tono at sa kanyang mukha

Napatahimik nalang si Fei at sumabay sa simoy ng hangin na dala ng gabi.Tahimik na ang kapaligiran at wala ng mga tao sa paligid,dahil gabi na at nagsi-uwi na ang mga ito.

"Teyka bakit ba natin ito pinaguusapan"natawa nalang ang binata kaya naman natawa din si Fei

Oo nga naman,paano sila napunta sa ganung klaseng seryosong usapan.

At habang papalapit sila sa isang tulay at may biglang naisip si Fei.

"Tara doon!"turo ng dalaga sa isang kakahuyan sa may hindi kalayuan

"Binibini,nais mo bang makagat tayo ng lobo at matuklaw ng ahas?"

"Basta,magtiwala ka lang"

Walang pasabi ay biglang hinila ni Fei ang binata at nagpatianod naman ito.

Patakbo silang nagpunta sa may kakahuyan sa may hindi kalayuan.

"Teyka binibini--"sambit ng binata ngunit hindi ito pinansin nang tunatawang dalaga

Pagkararing nila sa isang lugar sa gitna ng kakahuyan ay agad sikang tumigil.Napatingin ang binata sa gitna ng kakahuyan at nagkunot ng noo kung bakit sila nandito sa madilim at tahimik na lugar sa gitna ng kakahuyan.

"Bakit tayo nandito?"

"Maghintay ka lang"masayang sambit ni Fei

Bigla itong pumalakpak at bigla nalang nagsi-labasan ang mga makinang na alitaptap.

"ang ganda"nakangiting sambit ng binata habang pinapanood ang mga madadaming alitaptap na lumabas sa gitna ng kakahuyan

"S-senyor,may itatanong sana ako sayo"

Napatingin ang binata sa dalaga noong nagsalita ito.

"Maaari ko bang tanungin ang iyong pangalan?"

"Yuan..Yuan ang aking pangalan"at tinitigan niya ang dalaga

"Ikaw?anong pangalan mo binibini?"

"Fei.."sagot nito habang nakangiti

At sa gitna nga ng kakahuyan ay may dalawang tao na magkatitigan habang bilog ang buwan at ang mga alitaptap ay nagsasayawan sa paligid nila.

#A_Flower_In_The_Palace
#precxxious

A Flower in the Palace (Ang Unang Serye)Where stories live. Discover now