章节-45

208 8 0
                                    

"Ano na ang pakiramdam mo?ayos na ba yung mga sugat mo?"tanong ni Mingyu habang papalapit kay Fei hawak ang tsaa nito

Inabot ito ni Fei at tsaka nakangiting sumagot sa kaibigan "Oo naman,dalawang araw na ang nakalipas kaya naman ayos lang ako"

"Kahapon pa dumadalaw rito ang emperador,ayaw mo parin ba talaga siyang makita?"

Nagiwas ng tingin si Fei"Huwag muna sa ngayon"

Lumabas na si Mingyu at naiwan si Fei sa kanyang silid habang nagbabasa noong bigla siyang napalingon sa taong pumasok sa kanyang silid.

"Anong ginagawa mo rito?"gulat na tanong ni Fei at tumayo

"Galit ka parin ba?"maamo nitong tanong at ang mukha nito ay mukhang pagod na pagod mula sa kakatrabaho ngunit nakatingin ito kay Fei na para bang nais niya itong yakapin

"Lumabas ka na.Pakiusap"

"Kausapin mo ako..Pakiusap"nagbitak na rin ang boses ni Yuan

"Hindi ko pa ito magagawa sa ngayon.Sana ay maitindihan mo Yuan.At kung hindi ka lalabas sa silid na ito ay ako ang lalabas"biglang binangga ni Fei si Yuan sa balikat at lumabas sa kanyang silid

Kaagad siyang sinundan ni Yuan at hinawakan ang braso nito upang pigilan ito sa pagalis ngunit kaagad itong nakalas ni Fei mula sa kanyang pagkakahawak at lumabas na hanggang sa tumtakbo na pala ito palayo mula sa kanyang palasyo noong biglang bumuhos paunti-unti ang ulan.

Biglang may humatak sa kanyang braso at bigla siyang niyakap ng mahigpit habang tumutulo ang ulan.

"Bitawan mo ako."madiing usal ni Fei

Pero wala na siyang nagawa at nagpabigay na lamang.Sobrang lakas ng kabog ng kanyang puso sa mga oras na ito at ang kanyang galit ay para bang unti-unti ng nawala sa isang iglap.Naiinis siya sa sitwasyong ito ngunit sa loob niya ay para bang masaya siya dahil alam niyang mahalaga siya sa kanya.

Ngunit hindi sumagot si Yuan at nanatili paring nakayakap kay Fei noong hindi nila alam na nasa gilid pala si Jia kasama si Ningxin at nakita ang nangyari sa dalawa.

Naikuyom ni Jia ang kanyang mga kamao habang tinitignan ang dalawa at matalim na tinitigan kung papaano yakapin ni Yuan si Fei ng mahigpit.

"Talagang hinahamon ka ni Konsorte Ling"sambit ni Ningxin mula sa kanyang likod

"Tignan natin kung hanggang saan ang kaya niyang gawin kapag tinapos ko siya"seryoso nitong sambit at tumalikod na at naglakad paalis

Mabilis na lumipas ang mga araw ay ngayon ay araw na ng paglalakbay sa labas ng palasyo papunta sa lugar kung saan gaganapin ang imperyal na pangangaso.

Pero nagulat ang lahat noong nakita nilang naglalakad papalapit si Fei sa mga kalesa.

"Ano ang ginagawa mo rito?ayon sa alituntunin ng palasyo ay hindi pwedeng sumama ang mga ikaapat na ranggong konsorte pababa sa imperyal na pangangaso.Maliban na lamang kung sasali ka sa pangangaso."seryoso ngunit nakakaintimidang tanong ni Jia kay Fei na para bang ipinapamukha niyang kawawa ito sapagkat hindi ito makakasama

Nagbigay galang muna si Fei sa lahat bago siya sumagot"Pasensya na po at hindi ko po nasabi sainyo,na ako ay lalahok sa imperyal na pangangaso"

"At anong gagamitin mo?"taas ang isang kilay na tanong ni Jia

Ngumiti lamang ng tipid si Fei at kinuha ang iniabot ni Mingyu na bahay ng napakagandang pana at palaso kaya naman namangha ang lahat dahil sa taglay nitong disenyo at kalidad na hindi mo basta basta makikita sa kung saan.

"Gagamitin ko po ang aking pana at palaso sa pangangaso"

"Bigyan niyo ng kalesa ang ikaapat na konsorte.At susunod siya sa kalesa ng ikalawang konsorte"utos ni Yuan na kaagad naman nilang sinunod

Seryosong tinapunan lamang ng tingin ni Jia si Fei bago na ito sumakay sa loob ng kanyang kalesa habang si Ningxin ay inirapan naman si Mingyu kaya naman inis niya rin itong binawian.

Nauuna ang kalesa ng emperador.Sumusunod naman ang kalesa ng prinsipe at ng prinsesa bago ang kalesa ng dalawang konsorte at sa kanilang likuran ay ang mga kabayo ng mga ministro at ng mga kalahok sa imperyal na pangangaso kasama na ang maraming mga sundalong naglalakad upang protektahan qng imperyal na pamilya.

Tumigil ang lahat noong tumigil ang kalesa ng emperador at lumabas ito kaya naman yumukod ang lahat.

"Magpahinga muna ang lahat rito."sambit ni Zian sa lahat

Tumigil lahat ng kalesa at ang mga kabayo maging ang mga sundalo at nagpahinga sa tabi at ang iba ay sa ilalim ng mga puno habang ang mga kalesa at ang mga kabayo ay nanatili sa gitna ng kalsada.Tirik ang araw kaya naman sobrang init ng panahon.Naisipan ni Fei na lumabas at magliwaliw sa paligid kaya naman inalalayan siya ni Mingyu pababa sa kalesa.

"Saan po kayo pupunta?"kaagad siyang hinarangan ng dalawang sundalo noong aakyat sana siya sa may bandang bundok sa itaas ng mga puno kung saan nagpapahinga ang mga sundalo

"Magpapahangin lamang ako"sagot ni Fei

"Pasensya na po,ngunit hindi po kayo maaaring--"

"Umalis kayo sa daanan niya.Wala ba kayong mga galang?"biglang sumipot si Zian sa kanilang tabi

"Pasensya na po"nakayukong tumabi ang dalawang sundalo

Nagkatinginan si Fei at si Zian kaya naman ngumiti si Fei bilang pagpalasalamat at kasama si Mingyu na naglakad na paakyat rito habang si Zian ay nanatiling nanonood sa dalawang umakyat.

"Magiingat ka Fei,matarik ang daan"

Namangha ang dalawa sa ganda ng paligid at sa tanawin kaya naman napangiti ang magkaibigan.

"Tignan mo oh!tanaw na tanaw ang buong paligid maging ang napakalawak na palasyo!"manghang turo ni Mingyu sa malawak na palasyo ng Xiang

Xiang-Shang

"Oo nga,nakakamangha"

Ngunit biglang may humila sa braso ni Fei paharap at bigla itong sinampal ng malakas.

"Ang lakas ng loob mong agawin ang akin!sino ka sa tingin mo?sa tingin mo ba ay mapapantayan mo ako?nakakatawa ka sapagkat hindi mo pa yata alam kung papaano ibagay ang sarili mo sa mga mababang uring kagaya niyo!"

#A_Flower_In_The_Palace
#precxxious

A Flower in the Palace (Ang Unang Serye)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora