章节-56

337 8 1
                                    

Featured Music:
Because Im Stupid-Boys Over Flower's OST

Naliligo ngayon si Fei habang nakapikit ang kanyang mga mata at dinadama ang tubig na dunadampi sa kanyang balat at pagkatapos ay tinulungan din siyang ayusan ni Mingyu.Napakaganda niya ngayong gabi.

"Magiingat ka Fei"sambit ni Mingyu habang inaayos ang manggas ng bistida ni Fei

Nginitian siya nito at tumango.Gabi na at bilog ang buwan na nagsisilbing ilaw sa daanan ng dalawa habang papunta sa palasyo ni Yuan kahit na gabi at wala na ring naglalakad pa sa labas maliban sa kanilang dalawa.Tahimik lamang ang paligid.

Kaagad na nagbigay galang ang mga gwardiya sa labas ng palasyo ni Yuan noong papasok ito,naiwan na rin si Mingyu sa labas noong pumanhik si Fei sa loob ng silid ni Yuan.Kinakabahan man siya ngunit ito lamang ang paraang alam niya upang makapagpasalamat sa nagawa ng emperador.

Naabutan niyang nakaupo ito sa kanyang mesa habang umiinom ng alak noong dahan-dahan itong tumingin kay Fei.Mapupungay ang mga mata nito at nasasaktan rin marahil siguro sa nalaman niyang pagtataksil sa kanya.

"Ano ang ginagawa mo rito?"nagiwas ito ng tingin mula sa dalaga

tipid na ngumiti si Fei "Nandito ako para bayaran ang ginawa mong pagbibigay hustisya sa aking kapatid at sa emperatris"

"Wala kang kailangang dapat na gawin, umalis ka na"seryoso nitong sambit at muling uminom ng alak

Lumapit si Fei at inalis ang bote ng alak mula sa kamay ni Yuan kaya naman kunot-noo niya itong pinagmasdan noong gawin niya ito.

Kinakabahan si Fei ngunit kumalap siya ng sapat na lakas ng loob "Kamahalan, payagan niyo sana akong bigyan ka ng tagapagmana"

Nagulat si Yuan sa sinabi ni Fei ngunit hindi niya ito ipinahalata.Ilang segundong nagtitigan ang dalawa noong tumayo si Yuan mula sa kanyang kinauupuan at nanatili lamang si Fei sa kanyang pwesto at hindi ito gumalaw kahit na isang dipa.

Dahan-dahang hinaplos ni Yuan ang pisngi ng dalaga at pinagmasdan ito habang halatang pagod ang kanyang mga mata dahil sa mga nangyari ngayong araw noong bigla niyang sunggaban ng halik ang dalaga.Hindi na umangal ang dalaga at ginantihan rin ng halik ang emperador.Hanggang sa napahiga na lamang ang dalawa at ang emperador at nasa harapan na ni Fei.

Ilang beses na pinagisipan ni Fei ang bagay na ito mula kaninang nakabalik siya sa kanyang bagong palasyo pagkatapos niyang manggaling sa korte.At nagkalakas na din siya ng loob para dito.

Sumikat na ang araw at nagising na lamang si Fei habang naramdaman kong may tao sa kanyang tabi.Iminulat niya ang kanyang mga mata at nakita ang emperador na mahimbing na natutulog sa kanyang tabi habang nakaharap sa kanya,napangiti na lamang si Fei at pinagmasdan ito.Sa dami ng kanilang pinagdaanan ay hindi niya akalaing makakaabot silang dalawa sa ganitong sitwasyon,nagkagulo-gulo man ang lahat ngunit heto at nandito padin silang dalawa at nananatiling matatag.

Dahan-dahan ring nagising si Yuan ay tinignan si Fei na nasa harapan niya."Magandang umaga, kamahalan"bati ni Fei habang nakangiti

napatawa ng mahina si Yuan "umaga palang ngunit kay tamis na nang dahil sayo"at tsaka niyakap ang dalaga

Mabilis na lumipas ang panahon at sabay-sabay na pinatawan ng parusa si Konsorte Yang, Heneral Yanlin at ang personal na tagapagsilbi ng dating emperatris dahil sa pagsisinungaling nito.Sa wakas ay nakuha na rin ni Fei ang kanyang inaasam na hustisya para sa kapatid nito at sa dating emperatris.Naging tahimik sa loob ng mga matatayog na pader ng palasyo at naging tahimik rin ang pamununo ni Yuan sa kanyang kaharian noong nabalitaan ng buong palasyo na magkakaroon na ng tagapagmana ang emperador mula kay Fei, at naglabas na rin ito ng kautusan na sa oras na maisilang ang kanyang anak ay gagawin niyang emperatris ang pinakamamahal niyang babae.

Ngunit hindi parin maiiwasan ang mga iba't ibang suliranin kagaya ng mga digmaan.Walang ibang napiling ipadala si Yuan kundi ang kapatid nito sapagkat alam niyang kaya nitong mamuno ng isang hukbo base sa kanyang abilidad at galing sa pagisip ng taktika.Nakaupo ngayon si Fei sa kubo ng imperyal na hardin habang sumisimsim ng tsaa noong naramdaman niya ang presensya ni Luhan na umupo sa tabi nito.

Nginitian niya ito at gayun din ang prinsipe at sinalinan ang isang baso ng tsaa na nakahanda para sa kanya.

"Delikado ang iyong misyong pupuntahan"paninula ni Fei

"Hindi ko nga mawari kung gumaganti ba saakin ang kapatid ko o nais lamang niya akong ipadala roon upang mawala ako mula sa kanyang paningin"

Napatawa na lamang ang dalawa dahil sa sinabi ni Luhan.Napatahimik sila ng ilang minuto bago ito binasag ng prinsipe.

"Ilang buwan na ang aking pamangkin?"seryoso nitong tanong na para bang nagbalik ito sa dati niyang katauhan

hinaplos ni Fei ang tiyan niya habang nakangiti tuwing naiisip na magkakaroon na siya ng munting anghel "Limang buwan"

Tumango si Luhan bago sumimsim at tumayo na.Tumayo na rin si Fei at nginitian si Luhan habang nakatitig sa binata "Sana ay maging matagumpay ang iyong misyon,aasahan ko ang pagbabalik mo"

"Salamat, aasahan ko rin na pagbalik ko ay makikita ko na ang aking pamangkin

Yumukod si Fei upang pagbibigay galang at pinanood ang prinsipe na umalis habang naka pandamit ng pandigma at maghanda sa pagalis nila ngayong araw mula sa palasyo papuntang norte upang depensahan ito.

Hinaplos ni Fei ang kanyang tiyan at kinausap ang anak "Narinig mo yun anak ?hihintayin ka raw lumabas ng nagiisa mong tiyo na isang prinsipe at ikaw isang munting prinsipe"natatawang sambit nito habang nakangiti

Limang buwan ang lumipas at parang napakabilis ng araw para kay Fei.Nasa palasyo niya ngayon ito bilang isa ng emperatris at ang isinilang niyang prinsipe ay isa ng nakoronahang prinsipe na magmamana ng trono pagkatapos ng termino ng kanyang ama. Ngunit hindi lahat ng araw ay dulot ay saya, minsan ay may mga araw din na may dalang lungkot at sakit na hindi natin inaasahan ngunit kailangan natin itong harapin.

"Kamahalan.."biglang pumasok si Mingyu sa palasyo ni Fei habang hingal na hingal na mukhang kakagaling lang nito sa pagtakbo

"Bakit? may nangyari ba?"takang tanong nito

"Namatay sa labanan si Prinsipe Luhan"

#A_Flower_In_The_Palace
#precxxious

A Flower in the Palace (Ang Unang Serye)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon