章节-13

297 17 1
                                    

"Ano sa tingin mo ang kulay na gusto ni ina?"tanong ng prinsipe habang namimili ng pang ipit sa buhok

"Ang hula ko po ay kulay rosas(pink)"

"Bakit rosas?"

"Dahil noong araw po na dumalaw ako sa palasyo ay napansin ko na puro kulay rosas ang mga alahas ng Inang Emperatris"

"Kukunin ko ito"sambit ng prinsipe sa nagtitinda at ibinulsa na ang pang ipit ng buhok

Naglakad lamang ang dalawa na magkasabay papunta sa isang kainan.

Nauna nang umupo ang prinsipe kaya naman tumayo lamang si Fei sa kanyang gilid.

"Anong ginagawa mo?"

"Ahh uhhh h-hindi po kasi nararapat na sabayan ko po kayong kumain sa iisang lamesa"

Napagtanto naman ito ng prinsipe lalo na at ang daming tao ang nakatingin sa kanila ngayon maging sa labas na nagnanais na masulyapan siya.

"Ano pong maipaglilingkod ko sainyo,kamahalan?"lumapit ang may ari ng kainan kay Luhan at magalang na tinanong ito

"Dalawang--ahh tatlong order ng pinaka masarap niyong ulam"

"Masusunod po,kamahalan"nagbigay galang ito bago umalis

Kumakain si Fei sa kabilang lamesa habang si Luhan at ang gwardiya nito ay sa katabing lamesa.

"Ibigay mo ito sa kanya"utos ng prinsipe sa gwardiya at tumango lamang ito

Tumayo ito at iniabot ang isang baso ng tubig kay Fei "Binibini.."

Yumuko si Fei bilang pagbibigay pasalamat.Pagkatapos kumain ay agad nagisip si Fei ng paraan kung papaano mababayaran si Luhan gayong wala siyang pera ngayon dahil lahat ng ipon niya ay nagastos sa burol ng kanyang kapatid.

"Bakit hindi mo pinaimbestigahan ang pagkamatay ng kapatid mo?"tanong ni Luhan

Napabuntong hininga ang dalaga bago sumagot "Ang sabi nila ay nagpakamatay daw ang aking kapatid,ngunit hindi ako naniniwala"

Napatahimik na lamang ang dalawa habang naglalakad pauwi kela Fei.

"Maraming salamat po sa paghatid saakin,kamahalan"

Biglang iniabot ni Luhan ang isang pang ipit ng buhok kay Fei.Nagulat si Fei dahil natukoy niyang ito ang binili ng prinsipe kanina para sa Inang Emperatris.

Napangiti si Fei dahil ngayon lamang siya nakatanggap ng isang regalo mula sa isang binata "Maraming salamat po,kamahalan"

Napangiti na lamang ng palihim si Luhan noong nakita niyang masaya ang dalaga sa kanyang regalo.

Pinanood niya munang pumasok si Fei sa kanilang bahay bago din ito umalis.

"Natitipuhan mo ba ang dalagang iyon?"mapanuksong tanong ng gwardiya ni Luhan

Napangiti nalang si Luhan bago napailing-iling at naunang naglakad.Ngayon lang kasi siya nakita ng kanyang gwardiya na ngumiti dahil sa isang dalaga.Madalas kasi ay seryoso ito.

Pinagmasdan ni Fei ang pang ipit sa buhok.May tatlo itong bulaklak na rosas na disenyo ay kulay rosas din ito.At sa likod nito ay may naka-ukit na mga letrang "美丽的" o ang ibig sabihin ay "maganda".Isinuot ito ni Fei haban nakatingin sa salamin ngunit bigla niyang naalala ang isang binata na matagal na niyang hindi nakikita.

"Kumusta na kaya siya?"

Bigla tuloy naalala ni Fei ang mga pangyayari sa bundok noong mga araw na iyon,at sa mga oras na iyon din siya lubos na nasaktan.

Gabi na at magisang kumakain si Fei.Wala siyang gana ngunit kailangan niyang kumain dahil hindi matutuwa ang kapatid niya kung nandito pa siya dahil nagpapalipas ito ng gutom.Napaluha nalang siya kaya naman agad niya itong pinunasan at napangiti ng mapait.

Noong bigla niyang naalala ang sinabi sa kanya ng Inang Emperatris.

"Magagamit ko ang pagpasok ko sa palasyo upang mahanap kung sino ang pumatay sa aking kapatid..oo tama"sambit ni Fei sa kanyang sarili

Agad napatayo si Fei at napatakbo sa silid ng kanyang kapatid at hinanap ang itinago niyang ibidensya sa ilalim ng unan ng kapatid.Agad niya itong inilagay sa kanyang maliit na pitaka upang hindi ito mawala.

Nakapagdesisyon na si Fei na papasok na siya sa palasyo.Bukas na bukas ng umaga.Dahil kahit ano pang peligro ang mangyari ay handa niya itong harapin basta para sa kanyang kapatid.

Agad niyang inihanda ang mga gamit na kanyang dadalhin sa palasyo.

Maaga siyang nagtungo sa tarangkahan ng palasyo upang kausapin ang Inang Emperatris ukol sa kanyang desisyon na maging konsorte ng emperador ng bansang ito.Alam na ni Fei na sa oras na pumasok siya sa loob ng palasyo ay magbabago na ng tunay ang kanyang pamumuhay.Gagalangin at titingalain na siya dahil sa kapangyarihan at pwestong taglay niya ngunit kaakibat din nito ay ang kapahamakan na pwede niyang harapin sa loob ng malawak na palasyong ito.

"Bawal kang pumasok dito binibini"maowtoridad na sambit ng isang gwardiya at hinarangan siya ng sampong gwardiya gamit ang mga mahahaba nilang mga sandata

"Pakitawag ang personal na tagapagsilbi ng Inang Emperatris at siya ang magpapatunay sakin na nais akong makausap ng Inang Emperatris"

Inutusan ng isang gwardiya ang kasamahan nito upang tawagin nga ang tagapagsilbi ng Inang Emperatris.

"Papasukin niyo siya"sambit nito kaya naman nakapasok si Fei at sumunod sa tagapagsilbi

"Malugod na pagbati sayo,Inang Emperatris"lumuhod si Fei sa harapan nito at nagbigay ng galang

"Tumayo ka na"ngumiti ang Inang Emperatris at pinatayo si Fei

"Tatanggapin ko na po ang alok ninyong maging ika-limang ranggong konsorte ng emperador,ngunit may isa po akong kondisyon"

"Ano iyon?"

"Nais ko po sanang tulungan niyo akong mahanap ang may salarin sa pagkamatay ng aking kapatid"lumuhod ulit si Fei sa harapan nito upang payagan siyang pahintulutan na matulungan siya ukol sa kaso ng kanyang kapatid

"Gagawin ko ang aking makakaya upang tulungan ka"

"Maraming salamat po"napangiti sk Fei dahil sa kabaitan nito sa kanya "Pero,maaari ko po bang tanungin kung bakit ako po?at kung papaano niyo po ako nakilala?"takang tanong ni Fei

Napabuntong hininga ng mahina ang Inang Emperatris bago inutusang lumapit sa dalaga sa kanya kaya naman lumapit si Fei dito at pinagmasdan siya.

"Dati kong tagapagsilbi ang iyong lola,at naalala ko pa noong dumadalaw ako sainyo noong hindi pa ako pumasok sa palasyo ay bata pa masyado ang iyong ate at ikaw maman ay sanggol pa.At noong nabalitaan ko ang nangyari sa kapatid mo ay nais kitang tulungan"

Napayuko nalang si Fei dahil sa realisasyon na magisa nalang pala siya sa buhay niya ngayon.

"Dalhin mo si Fei sa kanyang magiging bagong silid.At bukas ko na siya pormal na ipapakilala sa emperador at sa mga iba pang konsorte"

Tumango na lamang ang tagapagsilbi at sinundan naman ito ni Fei pagkatapos magbigay galang sa Inang Emperatris.

Sa oras na ito,ay magiiba na talaga ang kanyang buhay.Dahil mula ngayon ay siya na ang ikalimang ranggong konsorte ng makapangyarihang emperador ng bansang ito.

Si Konsorte Ling.

#A_Flower_In_The_Palace
#precixxous

A Flower in the Palace (Ang Unang Serye)Where stories live. Discover now