章节-42

199 4 0
                                    

Umayos si Fei ng upo at mas sinuri ang panyo noong makumpirma nga niyang may papel na nakakubli sa loob ng panyo.Kaagad siyang naghanap ng matalim na bagay upang magamit sa pagpunit sa panyo upang makuha ang nasa loob nitong papel.

"Mayroon ka bang dalang kutsilyo o kahit na anong matalim na bagay?"tanong ni Fei kay Mingyu na nakatalikod padin

"Wala.Bakit naman ako magdadala"nagtatampong sagot nito habang kinukutkot ang kanyang kuko

Hindi na sumagot si Fei at tumayo upang maghanap ng matalim na bagay noong nakita niya ang isang matalim na bato sa gilid kaya naman kaagad niya itong pinulot at ginamit upang punitin ang tela ng panyo at nagtagumpay naman ito.

Kaagad niyang kinuha ang isang papel na nakatupi hanggang sa pinakamaliit na hanay upang hindi ito mahalata.Napatakip na lamang siya sa kanyang bibig dahil sa kanyang nabasa na laman ng papel.

Fei,

Alam kong ngayong nababasa mo ito ay marahil ay wala na ako.Pasensya ka na,sapagkat hindi ako nakapag-paalam sayo,ngunit nais ko paring sabihin sayo na ako ay lubos na nagpapasalamat dahil nagkaroon ako ng kaibigan at masasandalan sa mga panahong wala na akong kakampi.Kahit sa maikling panahon lamang na tayo ay nagkakilala ay itinuring na din kita bilang aking nakababatang kapatid.

Huwag ka sanang malungkot sapagkat ang aking pagkamatay ay may saysay,kahit man lang sa paraang ito ay matulungan ko ang emperador kahit na hindi ko na maisisilang ang kanyang tagapagmana.Huwag mo siyang sisihin Fei,dahil ako ang may plano nito lahat.Patawarin mo sana ako sapagkat inilihim ko sayo ang bagay na ito.May lason ang mga pagkain at tsaang iniinom ko,kaya naman mas lumala ang aking karamdaman.Ginawa ko ito upang tulungan ang emperador sa pagpapabagsak sa pamilya ng Yang upang matapos na ang kanilang paghahari sa korte sapagkat nais kong maging payapa ang pamumuno ng emperador hanggang sa matapos ang kanyang termino.

Nais ko sanang sabihin sayo na huwag ka nang magbalak na magimbestiga,sapagkat masasayang lamang ang iyong oras at lakas.Masaya na ako sa kung ano mang nangyayari ngayon,ngunit may isa sana akong hiling sayo.Nais ko sanang ikaw ang pumalit sa aking pwesto Fei,sapagkat ikaw ang nararapat sa posisyong iyon.Ingatan mo ang sarili mo,Fei.

Namamaalam,
Liye

"Anong binabasa mo?"takang tanong ni Mingyu at lumapit kay Fei

Biglang kinuha ni Mingyu ang papel mula sa pagkakahawak ni Fei at binasa ito sa simula hanggang sa huli noong pagkatapos niya itong basahin ay napatingin siya kay Fei na yakap-yakap ang dalawang tuhod niya habang umiiyak ng tahimik.

"Fei.."nagaalalang sambit niya at niyakap ang kaibigan

Hindi namalayan ng dalawa na nakatulog na pala silang dalawa habang nakasandal sa isa't isa noong bigla nalang silang nagising dahil sa may biglang humila kay Fei na dalawang gwardiya sa magkabilang braso.

"Anong ginagawa niyo?!"kaagad na tumayo si Mingyu upang tanggalin ang mga kamay ng mga gwardiya mula sa braso ni Fei ngunit bigla nila itong itinulak ng malakas kaya naman nasubsob ito

Napatingin si Fei sa kanya dahil sa lakas ng pagkakasubsob niya "Mingyu!"

Ngunit huli na noong nakatayo si Mingyu dahil nahila na nila palabas ng selda si Fei at isinara na ito upang hindi makalabas si Mingyu kaya naman napa-kapit na lamang ito sa pagitan ng mga selda habang tinatanaw si Fei.

"Saan niyo ako dadalhin?"tanong ni Fei habang nagpupumiglas noong bigla nilang nilagyan ng takip ang mukha nito upang hindi siya makakita

Naramdaman ni Fei ang isang patag na daan hanggang sa isa na itong hagdan na sobrang baba dahil kanina pa sila naglalakad pababa sa hagdan na ito noong bigla nilang kinuha ang dalawa niyang braso at itinali sa magkabilang kahoy kaya naman para siyang nasa krus.

Naghintay siya ng ilang segundo noong may biglang nagbaba ng takip niya sa mukha at nagpakita sa kanya ang isang malawak na lugar at sa pagkakaalam niya ay nasa pinaka-ibabang parte siya ng kulungan kung saan walang nakakaalam dahil patago ito at sampong mga gwardiya lamang ang nandito sa kanyang nakita at nagbabantay sa gilid.

Noong nakita niya ang isang matandang lalake na nasa edad 49 na medyo matangkad at sakto lamang ang payat nito noong nakilala niya ito.

"Anong balak niyong gawin sakin?"seryosong tanong ni Fei sa kanya habang naglalakad papunta sa kanya

Ngunit wala itong naging reaksyon maski sagot at mas lumapit kay Fei at pinagmasdan ito. "Lumabas kayong lahat"utos nito na kaagad naman nilang sinunod

"Bakit niyo ito ginagawa?ahh..oara ba mawala ako sa landas ng iyong anak at siya ang maging emperatris ng palasyong ito?"sarkastikong tanong ni Fei sa kanya

Ngunit nagulat siya dahil bigla siyang hinalikan nito sa leeg kaya naman ginamit niya ang kanyang lakas upang sipain ito at bigla nalang niya itong dinuraan sa mukha na dahilan ng pag-kalas nito mula sa kanya.

Dahan-dahan niyang pinunasan ang kanyang mukha at seryoso paring tinignan si Fei. "Hindi na ako magtataka kung bakit nahuhumaling sayo ang emperador at ang prinsipe.Kung sana ay mas maaga kitang nakilala,baka naging ina ka na ng aking mga anak"

Biglang tumawa si Fei ng sarkastiko at tinignan ito ng nandidiri "Kahit na hindi ako pumasok sa palasyo at kahit na kakilala kita noon pa man ay hinding hindi ko hihilingin kahit kailanman na maging asawa ng isang kagaya mong hayop at walang puso!isa kang mamamatay-tao!"sigaw nito

Ngunit tinignan niya lamang ito at tumalikod na at umupo sa silya kaharap ni Fei.

"Simulan niyo na ang pagpapahirap sa kanya"

#A_Flower_In_The_Palace
#precxxious

A Flower in the Palace (Ang Unang Serye)Where stories live. Discover now