Habang tumatakbo si Fei pabalik sa kanyang palasyo dahil sa pangaasar sa kanya ni Mingyu tungkol sa tagapagmana ay hindi niya inaakalang bigla siyang babangga kay Yanlin sa pasilyo kaya naman nahulog ang hawak niyang basket ng mga bulaklak at ang espada ni Yanlin na hawak-hawak nito.
"Pasensya na,hindi ko siansadya"seryosong sambit ni Fei at pinulot ang nga natapon niyang bulaklak
Noong umupo si Yanlin at ang akala ni Fei ay tutulungan siya nito ngunit tinitigan lamang siya nito habang nakangisi padin kagaya ng mga dati nitong ekspresyon.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"hindi niya tinignan ang binata ngunit binabalaan niya itong itigil na ang ginagawa niya dahil hindi ito magandang tignan lalo na at madaming mga mata ang nakapaligid dito
"Kung sana ay naging asawa na lamang kita ay mas maganda pa sana"tumayo na ito"Ngunit binabalaan kitang huwag kang magkakamaling banggain at agawan ang kapatid ko"mayabang nitong sambit bago naglakad paalis
Inis lamang na pinulot ni Fei ang mga bulaklak sa basket at hindi na inisip pa ang sinabi ng lalakeng iyon.Ano pa bang aasahan niya diba?kapatid niya ang babaeng pinapaboran ng emperador.Ngunit nagtaka ito noong bigla siyang may nahawakang matigas na bagay sa likod ng hawak niyang tangkay bulaklak kaya naman tinignan niya ito.
Bigla na lamang siyang napatayo habang nakatakip ang isang kamay niya sa kanyang bunganga dahil sa gulat hanggang sa unti-unti na itong umiyak.
Ito ay ang bitak na kapares ng nakuha niyang pilak na simbolo ng dragon mula sa isang espada noong araw na namatay ang kanyang ate.
"Fei?may problema ba?"tinignan siya ni Mingyu habang nagaalala
Biglang tumakbo si Fei sa daan kung saan nagpunta si Yanlin at hinanap niya ito ngunit wala siyang masumpungan kahit na sino dahil walang naglalakad sa parte ng pasilyo na iyon ngayon.Dumiretso padin siya sa pasilyong ito noong napagtanto niyang papunta to sa palasyo ng prinsipe.Inilibot niya ang kanyang paningin hanggang sa napahawak na lamang siya sa pader at napahawak sa kanyang puso dahil kumikirot ito.Napaiyak na lamang ito noong nay biglang umalalay sa kanya mula sa likuran.
"Ayos ka lang?"tanong ni Luhan at hinarap si Fei na umiiyak
Umiling ito ng paulit-ulit "Hindi..hindi!"galit na sigaw niya
Hinawakan siya ni Luhan sa magkabilang balikat at tinignan ng diretso sa mga mata "Anong nangyari Fei?"
"Siya..siya ang pumatay sa aking kapatid"at napa-hagulgol na lamang ito
Noong bigla itong nahimatay "Fei,Fei gumising ka"tinapik nito ng mahina ang dalaga
Kaagad niya itong binuhat at dinala sa kanyang palasyo habang si Mingyu ay gulat na nakasunod sa kanila.Kaagad na tumabi ang mga tagapagsilbi noong nakita nilang paparating ang prinsipe habang buhat-buhat si Fei na walang malay.
"Magtawag kayo ng imperyal na doktor"seryosong utos ni Luhan
Sinuri niya ang noo nito at hindi naman ito nilalagnat kaya inayos niya na lamang ang unan at kinumutan ang dalaga.Pinagmasdan niya lamang ito habang wala itong malay habang hinihintay na dumating ang imperyal na doktor upang suriin siya.
"Malugod na pagbati saiyo,kamahalan"pagbibigay galang sa kanya ng imperyal na dokor
Tumango lamang ito.Habang sinusuri ng doktor si Fei ay nasa gilid din si Mingyu at hinihintay ang sasabihin ng doktor.Pagkatapoe niya itong suriin ng ilang minuto ay nauna nang nagtanong si Mingyu.
![](https://img.wattpad.com/cover/267924740-288-k88729.jpg)
YOU ARE READING
A Flower in the Palace (Ang Unang Serye)
Historical FictionSa panahon ng Dynastiya ng Xiang noong ikatlong siglo sa Tsina, ay sino ang magaakala na ang isang ordinaryong babae lamang na si Fei ay papasok sa palasyo bilang konsorte ng emperador ng isang makapangyarihang kaharian? paano siya paglalaruan at ba...