章节-2

780 48 2
                                    

Dahan-dahang humakbang palabas si Fei at pinulot ang maliit na kahon sa labas ng kanilang pintuan.Maingat niya itong binuksan at nagulat siya noong nakita niya ang isang maliit na bote ng gamot.

"Ito ang...g-gamot ni ate.."takang sambit niya sa sarili

"Anong ginagawa nito dito?"tanong din niya ulit sa sarili

Pumasok siya sa loob at sinuri ang nasa loob ng bote,at nakumpirma nga niya na ito ang gamot ng kanyang kapatid ngunit sino naman ang taong magiiwan nito sa labas ng kanilang bahay?ngayon lang ito nangyari kaya naman takang-taka ang dalaga kung kanino ito nanggaling.

Agad siyang tumayo at aktong itatapon ang bote dahil baka nahulog o naiwan lamang ito ngunit agad siyang napatigil.At sa huli ay nanaig padin ang pagaalala niya sa kanyang kapatid,paubos na din ang gamot nito at hindi na ito magtatagal ng isang araw at isa pa ay wala din silang pambili.

Hinawakan niya ang bote at mas tinitigan ito "kung sino man ang nagmamay-ari sayo,pasensya na at kailangan din talaga ni ate ito"

Alas syete na ng umaga ngunit hindi padin nagigising si Fei dala ng pagod.Noong nakaramdam siya ng mahinang pagyugyog sa kanyang balikat kaya unti-unti niya iminulat ang kanyang mga mata at nakita ang kanyang kapatid habang nakangiti at ginigising siya.

"Anong oras na,gumising ka na diyan at maghanda ka na"mahinang sambit nito

"Opo"agad na tumayo si Fei pero bigla siyang napatigil sa paglalakad noong bigla siyang inubo ng sunod-sunod

Hinagod ng kanyang kapatid ang likod nito "nabasa ka ba kahapon ng ulan?ang alam ko ay ibinigay ko sayo yung payong kahapon bago ka umalis?"

"Ahh n-nakalimutan ko sa bahay-aliwan ate,nagmamadali kasi akong lumabas at pagbalik ko ay sarado na"

Napatango nalang ang kanyang ate ng hindi nalalaman na nagsisinungaling sa kanya ang kanyang kapatid.

"Maliligo lang po muna ako"agad na nagtungo sa paliguan si Fei at isinara din kaagad ang pintuan

Tulala lamang ang dalaga habang naliligo dahil sa iniisip niya na babalik na naman siya sa lugar na iyon,at ang mas pinakakinatatakutan niya ay ang makita na naman ang senyor na bumastos sa kanya.Napa-iling nalang siya at kinumbinse sa sarili na isang buwan mula ngayon ay aalis na din siya sa pinagtratrabahuhan niya dahil makokompleto na ang ipon niya at lilipat na sila ng kanyang ate sa probinsiya kung saan ay mas payapa at tahimik ang pamumuhay kaysa dito sa sentro.

Habang naglalakad pa punta sa bahay-aliwan ay bigla siyang nakarinig ng sigaw ng mga tao sa likod kaya naman agad siyang gumilid noong natanaw niya ang papalapit na isang lalake na may hawak na isang mamahaling porselana.

"Tulong!!may nagnanakaw!!"sigaw din ng isang babae na naka damit pang mayaman kaya naman napagtanto niya na nanakawan ang binibining ito

Sinuri niya ang daanan at nasipat niya ang isang mahabang kahoy sa kanyang gilid.

Hinintay niyang makalapit ang magnanakaw at agad niyang itinumba ang kahoy kaya naman agad na nadapa ang magnanakaw.

Agad itong nahuli ng mga gwardiya at pinagbubugbog bago hinuli.

"Maraming salamat"sambit ng binibini noong naibalik na sa kanya ang kanyang porselana

Aktong aalis na sana si Fei noong bigla siyang hinawakan ng mahina ng binibini sa kanyang braso at pinigilan ito sa pag-alis.

"Maraming salamat sayo,kung hindi dahil sayo ay hindi ko mababawi ang porselanang ito.Labis itong mahalaga saakin dahil ito ang huling ala-ala ko sa aking ina"nakangiting pagpapasalamat niya kay Fei na siyang naging daan upang mabawi niya ang kanyang porselana

"Walang anuman,binibini"yumuko siya upang pagbibigay galang sa binibini

Nagulat si Fei noong biglang hinawakan ng dalaga ang kanyang kamay habang nakangiti "Ano ang pabuya na gusto mong matanggap?kahit ano pa yan ay tutuparin ko upang pagbibigay ng kapalit sa tulong na naibigay mo saakin"

Napahinto ng saglit si Fei sa at nag-isip ng saglit ngunit sa ngayon ay wala pa siyang maisip na pabuya.

"Binibini,maaari ko po bang pagpasyahan muna ang pabuya na nais kong matanggap?"

"Oo naman,kung nakapag-isip ka na ng nais mong pabuya ay hanapin mo na lamang ako sa mansion ng mga 'Min' "

"Maraming salamat po binibini"masayang sambit ni Fei

Pagkatapos magusap ng dalawa ay umalis na ang kalesa ng binibini at naiwan si Fei habang naka tanaw dito.

Isa siyang 'Min'.Ang ibig sabihin ay pangatlo sa pinaka maimpluwensyang pamilya ang kanyang pinanggalingan,aniya sa kanyang isipan.At mula sa mga narinig ko ay siya ang nagiisang tagapagmana nila,si Senyora Ming-na,dagdag pa nito.

Hindi inakala ni Fei na makakasalamuha niya ang isang senyora mula sa isang maimpluwensyang pamilya.

"Fei?"

Napatingin siya sa babaeng nagsalita sa kanyang harapan at nakita niya ang matalik niyang kaibigan na si Mingyu.Isa ring seridora sa bahay-aliwan.

"Anong ginagawa mo diyan?halika na at baka mapagalitan ka na naman nung matandang bayawak na senyorang iyon"agad nitong hinila si Fei kaya naman napatawa ito

"Balita ko ay pinagalitan ka daw niya kahapon at pinahiya,nako lang ha!kapag ako yumaman isang araw ingungudngod ko talaga siya sa putik!"inis na sambit ni Mingyu

"Hinaan mo ang boses mo ano ka ba,tsaka pabayaan mo na kasalanan ko din naman"pigil nito sa kaibigan

"Anong pabayaan?hahayaan mo nalang ba na bastusin ka nung kupal na senyor na iyon?aba!kahit na maimpluwensya ang kanyang pamilya papatulan ko padin iyon!"

Hinawakan ni Fei ang kamay ng kaibigan at ngumiti ng kaunti "Ano ka ba Mingyu,ayos lang talaga ako"

"Pangako?"

"Pangako."sagot niya habang nakataas ang isang palad na parang nanunumpa

"Hays,sige na nga.Pero sa susunod hindi ko na talaga hahayaang bastusin ka pa ng kupal na senyor na iyon!kundi makakatukim siya sakin"

Napailing nalang si Fei at natawa ng kaunti bago sila nagpatuloy sa paglalakad.

Alas dose na ng tanghali at madami dami na din ang mga taong kumakain sa bahay-aliwan,dahil tuwing umaga ay kainan ito at ang mga mananayaw ay nagiging seridora(waitress).

"Dalawang basong tubig sa lamesa katabi ng binatana"sambit ng isang lalake

"Pakihintay po at dadalhin ko ito"sagot ni Fei nang hindi lumilingon sa lalakeng nagsalita

Agad niyang inihanda ang baso at sumunod sa lalaki na nagsalita lamang kanina upang ibigay ang dalawang baso ng tubig.

"Nandito na po ang tubig natin senyor"sambit ng lalakeng humingi ng tubig noong nakalapit na sila sa lamesa katabi ng binatan

"Teyka---"napatigil si Fei sa paglapag ng baso at napaangat ng tingin noong nagsalita ang lalakeng nakaupo sa harapan niya

"Ikaw?!"parehas na sambit ng dalawa sa gulat

Hindi akalain ni Fei na makikita ulit niya ang lalakeng nakita niya kahapon.

Kaya naman agad siyang kumaripas ng takbo paalis.

#A_Flower_In_The_Palace
#precxxious

A Flower in the Palace (Ang Unang Serye)Where stories live. Discover now