章节-34

215 6 1
                                    

"Ayos na ba ang iyong pakiramdam?"tanong ni Mingyu habang nakatayo sa tabi ni Fei na nagbabasa ng libro

"Ayos lang ako,hindi ako dapat magpadalos-dalos,kailangan kong maging maingat sa mga hakbang na tatahakin ko"

"Isang linggo na ang nakakalipas mula noong nalaman mo ang katotohanan,hindi ka pa handang makita ang heneral na iyon ngunit wala tayong magagawa sapagkat mamaya ay ang celebrasyon ng kaarawan ni prinsesa lanlan"

"Nahanap mo na ba ang pinapahanap ko sayong lunas?"

"Tungkol dito ay...pasensya na Fei ngunit wala padin akong nahahanap na lunas para sa emperatris"malungkot na sambit ni Mingyu

"May natitira pang oras,huwag kang magalala"ngumiti si Fei ng tipid kaya naman nginitian din siya ng kaibigan pabalik

Tinulungan na ng mga tagapagsilbi si Fei na magbihis at ang damit na kanyang isinuot ngayon ay ang damit na iniregalo sa kanya ni Yuan dahil lahat ng mga konsorte nito ay isusuot din ang damit na iniregalo niya.

Habang inaayos ni Mingyu ang buhok ni Fei at napatingin siya sa napakagandang kwintas na hawak niya.

"Ito ba ang ireregalo mo sa prinsesa?"

"Oo,tatlong pares na ganito ang ibinigay saakin ng inang emperatris kaya naman balak kong ibigay ang isa sa prinsesa at ang isa naman ay sa emperatris"nakangiting sagot niya habang hawak ang kwintas

"Napakaganda,siguradong matutuwa ang prinsesa kapag natanggap niya ito"

"Sana nga"ngiti ni Fei

Pagkarating nila Fei at Mingyu sa harapan ng malawak at napakagandang palasyo ni Lanlan ay nagulat at namangha ang magkaibigan dahil sa sobrang garbo at sobrang ganda ng lugar dahil ngayon lamang sila nakapunta sa ganitong klaseng kagandang celebrasyon.

Nakahanay ang mga upuan sa tabi at harapan ng upuan ng emperador.May isang upuan sa tabi nito at mamimili ito kung sino ang nais nitong makatabi at sa celebrasyon na ito ay ang emperatris ang kanyang pinili.Sa harapan naman niya sa bandang kaliwa ay ang mga nakahanay na dalawang upuan para sa kanyang konsorte na sila Fei at Jia at sa likod nila ay ang mga binibini at mga ginang na galing sa mga mamayaman at prestihyosong pamilya.Sa kanan naman ay ang nakahanay na upuan ni Luhan at ni Lanlan habang sa may likod nila ay ang mga upuan na nakalaan para sa mga ministro at mga pangunahin at ikalawang ranggong gwardiya.

"Malugod na pagbati saiyo,Konsorte Ling"napalingon ang dalawa sa mga babaeng bumati sa kanilang likuran

Si Ming-na at ang dalawa pa niyang kaibigan na mga binibini "Sadyang napakaganda pala ng ika-apat na ranggong konsorte ng emperador"

"Maraming salamat"nakangiting sambit ni Fei dahil sa papuring kanyang tinanggap

"Ngunit..hindi ba't nanggaling ka sa mababang pamilya at dati ka ring nagtratrabaho sa bahay aliwan?"singit ng isa pa nilang kasama

Bigla namang nagbago ang ihip ng hangin kaya naman nailang si Fei at aktong sasagot sa binibini ngunit kaagad siyang naunahan ni Ming-na.

"Hindi mo ba alam ang parusang matatanggap mo sa pagpapahiya kay konsorte Ling?"sermon ni Ming-na sa kanyang kaibigan

"Pasensya na po,Konsorte Ling"humingi ito ng tawad sa kanyang harapan at masungit na yumuko bago naunang umalis

"Pasensya na talaga sa naging asal ng kaibigan ko"pagpapaumanhin ni Ming-na at ngumiti

"Ayos lang,naiintindihan ko"

Nagbigay galang na din ito at sumunod sa mga nauna niyang kaibigan at umupo na.

"Mababa nga ang iyong pinanggalingan ngunit mas mataas ka naman sa kanya"pagtataray ni Mingyu habang nakabusangot at tinitignan ang babaeng lumait kay Fei kanina lamang

"Pabayaan mo nalang"inalalayan na siya nito upang pumunta sa kanyang upuan

Pagkaupo niya ay nandoon na din si Jia habang kausap si Ningxin at bigla silang tumigil noong naramdaman nilang may umupo sa tabi nila.

"Malugod na pagbati saiyo,Konsorte Yang"pagbati ni Fei

Ngumiti lamang ng tipid si Jia "Ano ang inihanda mong regalo para sa prinsesa?"

"Isang kwintas,ano naman saiyo?"

Kinuha nito ang isang naka kahon na maliit at binuksan ito at nagulat si Mingyu at Fei sa nakita.Isa itong perlas!

"S-saan mo it nakuha?"

"Hindi na ito mahalaga,hindi ba?"

Tumango na lamang si Fei at tipid na ngumiti bago humarap sa mga tao.Noong bigla niyang nakita si Luhan na naglalakad patungo sa nakalaang upuan nito kasama si Lanlan kaya naman tumayo ang lahat upang batiin ito ngunit biglang napatingin si Fei sa prinsipe at gulat ito noong mahuli niyang nakatingin din ito sa kanya ng seryoso naman kaagad itong umiwas at tumingin sa ibang anggulo.

Maya-maya ay dumating na din si Yuan kaya naman nagbigay galang ang lahat.

"Magsi-upo kayo"at umupo na ang lahat"Nasaan ang emperatris?bakit wala padin siya dito?"tanong nito

Noong ilang saglit lamang ay napatingin ang lahat noong tumayo si Jia "Mukhang masama ang pakiramdam ng emperatris ngayon,kung nanaisin niyo kamahalan ay ako na lamang ang papapalit sa pwesto ng emperatris ngayon ng pansamantala"

"Nandito na ang emperatris!"anunsyo ng tagapagsilbi

Napatingin silang lahat kay Liye na napakaganda ng bihis at ayos nito kaya naman napangiti si Fei noong nakarinig siya ng mga papuri mula sa mga tao sa kanyang likuran para sa emperatris.Tumayo si Yuan at inalayan si Liye kahit na nanghihina ito ay pinilit padin niyang dumalo sa celebrasyon ng kaarawan ni Lanlan.

Nagseryoso si Jia at napakuyom na lamang ng palihim habang pinapanood si Yuan at si Liye na magkatabi sa harapan.

"Malugod na pagbati saiyo,kamahalan"pagbibigay galang ng lahat kay Liye

Kahit na napakaganda at napaka-ayos ng pananamit at itsura niya ngayon ay hindi parin maikukubli ang mga maputla at bitak nitong labi kahit na nalagyan siya ng kolorete.

Napangiti na lamang si Liye habang tinitignan ang mga tao sa kanyang harapan.

"Masaya akong makadalo sa huling handaan na ito bago ako mamaalam"mahina nitong bigkas sa kanyang bunganga ngunit wala itong tunog

#A_Flower_In_The_Palace
#precxxious

A Flower in the Palace (Ang Unang Serye)Where stories live. Discover now