章节-24

233 15 1
                                    

Nagwala si Jia at itinapon niya lahat ng mga bagay na nasa lamesa niya.Nahagip din ng mga mata niya ang porsela ni Fei na ibinigay ni Yuan.Kaagad niya itong kinuha at ibinato sa sahig.

"hindi..hindi..akin ka lang Yuan..akin lang siya"paulit ulit nitong sambit upang patahanin ang kanyang sarili

"akin lang siya.."tumahan na ito at dahan-dahang umupo sa kanyang kama

Tumayo ulit ito at dahan-dahang pinulot ang napakagandang porselana at pinagmasdan ito ng mabuti at isinuot niya ito sa kayang kanang kamay.

"Nababagay ka sakin"

Hindi naman makatulog at kanina pa bumabalikwas sa kanyang kama at papalit-palit ng pwesto.Kanina pa kasi niya iniisip ang nangyari sa kanila ni Yuan.

"Huwag nalang kaya?"tanong nito sa kanyang sarili

"Huwag na talaga"sambit ni Mingyu papasok sa silid ni Fei

Hinawi nito ang kurtina ng kanyang kama at iniabot sa kaibigan ang usang basong tsaa dahil hindi ito makatulog.

"Ano yun?pagkatapos niyang landiin si Konsorte Yang ikaw naman ang isusunod niya?!"inis na sambit nito

"Mingyu!hinaan mo ang boses mo"kaagad niyang sinenyasan ang kaibigan na hinaan ang kanyang boses"Alam mo ba na maaari kang maparusahan dahil sa mga maling paratang mo sa kamahalan?"

"Bakit?totoo naman diba?"

"Alam mo,minsan iniisip ko nalang na magkapatid kayo ng prinsesa"

"H-ha?at bakit?dahil ba..parehas kaming maganda?"biglang hinaplos ni Mingyu ang kanyang mukha dahil sa pagaakala niyang pupurihin siya ni Fei

Tumawa si Fei kaya naman nagtatakang tumingin sa kanya ang kaibigan "Hindi,ang ibig kong sabihin ay dahil parehas kayong makulit at mainisin!"biro nito

Inis na napatayo na lamang si Mingyu habang si Fei ay nanatiling tumatawa.Pagkaalis ng kaibigan ay napabagsak na lamang ito sa kanyang higaan hindi alam ang gagawing desisyon tungkol bukas.

"Fei!"biglang bumalik si Mingyu sa loob ng silid ni Fei

"Bakit ka bumalik?akala ko ba galit ka?"

"Hindi ito ang oras para magbiro Fei!nandito ang kamahalan!"natataranta nitong bulong

Kaagad na napatayo sa kanyang higaan si Fei dahil sa nalamang nandito si Yuan "Ano?!"

Kaagad siyang nagtungo sa labas ng kanyang silid at nakita ngang nakatayo si Yuan sa labas.

"Malugod na pagbati saiyo,kamahalan"pagbati ni Fei

Naglakad lamang si Yuan papalapit dito habang pinagmamasdan ang loob ng palasyo nito.

"Bakit ka n-naparito,kamahalan?"

"Dito ako matutulog ngayong gabi"

"Ano?!"sabay na sambit ni Mingyu at Fei kaya naman napatingin sa kanilang lahat ang mga tagapagsilbi at si Yuan

"Bakit?masama ba kung tatabihan kong matulog ang aking konsorte?"ngisi nito kay Fei

Nagkatinginan na lamang ang dalawang magkaibigan at napapikit na lamang si Fei.

"Uhmm- kamahalan m-may u-ubo ang aking binibini"

"Oo tama,m-may ubo ako"at pakunwari itong umubo-ubo at kunyareng tumalikod pa para senyasan si Mingyu na tapikin ang likod nito

Lumapit si Mingyu at tinapik-tapik ito habang kunyareng patuloy-tuloy ang ubo ni Fei.Pinagmasdan lamamg sila ni Yuan na magkunyare at pinagkrus ang mga kamay nito.

"Lumabas kayong lahat"

"Ngunit kamahalan.."pigil ni Mingyu

"Nais mo bang maigapos at maparusahan gamit ang paghampas ng kahoy ng sampong beses?"

Napapikit na lamang ang dalawa sapagkat alam nilang ito na ang katapusan ng kanilang pagpapanggap.Nagsi-alis na lahat ng mga tagapagsilbi ni Yuan at ni Fei kaya naman silang dalawa lamang ang natitira sa loob ng palasyo ni Fei.

Paubo-ubo padin si Fei noong bigla siyang napaatras noong dahan-dahang lumapit si Yuan sa kanya.Umatras pa ito ng umatras hanggang sa hindi niya namamalayang natumba na pala siya sa kanyang kama at napahiga at mas nagulat siya noong inilagay ni Yuan ang dalawang kamay niya sa gilid ni Fei at pumatong dito.

"Anong ginagawa mo?"kinakabahang tanong ng dalaga

"Halata ba?"nakakalokong ngisi ang ginawa nito

"Nahihibang ka na ba Yuan?"mahinang sambit nito

"Kung ikaw ang kakahibangan ko ay.."tsaka nito tinitigan ang labi ng dalaga"pwede naman"

Bigla siyang itinulak ni Fei at tumayo ito kaagad habang si Yuan ay nakaupo lamang sa kama nito noong bigla itong umusog at kinumutan ang kanyang sarili at humiga na.

"Teyka--!"

"Bakit?may problema ba?"

"Iisa lamang ang...k-kumot ko,wala ka bang dalang kumot?"

"Wala"inosente nitong sagot at tsaka na pasimpleng ipinikit ang mga mata nito at aktong matutulog na

Wala ng nagawa si Fei noong nagsimula na itong matulog kaya naman lumabas nalang siya sa kanyang silid at napagpasyahang matulog sa labas ng kanyang silid.

Kahit nilalamig ay wala siyang ibang pagpipilian kundi ang matulog dito kaysa naman ang tumabi kay Yuan diba?

"Fei.."bigla siyang may boses na narinig kaya naman napalingon siya sa may paligid ngunit wala naman

"Fei.."tawag ulit nito kata naman napatayo na ito dahil sa takot

Noong may bigla siyang nakitang isang itim na anino sa may binata kaya naman bigla itong napasigaw at nagtatatakbo papunta sa kanyang silid.Bigla itong lumundag at hindi na pinansin si Yuan at bigla na lamang inagaw ang kumot nito at nagtaklob.

"Akala ko ba ayaw mong makitulog sa tabi ko?"nakatingin lamang sa kanya ang binata habang nakapatong ang kanyang ulo sa isa niyang kamay

"M-may anino kasi doon sa l-labas"nauutal na sambit nito

Tumawa na lamang si Yuan at tumalikod na upang matulog.

"Huwag kang magalala,wala akong gagawin sayo.Maaaga akong aalis bukas dito"nagseryoso na ang boses nito

Dahan-dahan na lamang tumabi si Fei sa tabi nito at tumalikod din ito sa kanya upang maghanda na ding matulog.Magkalayo ang katawan ng dalawa ngunit kahit hindi sila magkaharap ay iniisip padin nila ang isa't isa kahit na magkatabi na sila.

Isang oras na ang nakalipas at tulog na si Fei.Maingat na humarap si Yuan sa posisyon nito at kinumpirma kung tulog na ito at mahimbing nga itong natutulog.Pinagmasdan lamang siya ito at napangiti nalang dahil sa naalala niya ang nangyari kanina.

"Patawad,dahil naging malamig ang pakikitungo ko sayo.Alam kong wala kang kasalanan sa nangyari noon,ngunit hindi pa ito ang tamang panahon upang malaman mo ang lahat"

#A_Flower_In_The_Palace
#precxxious

A Flower in the Palace (Ang Unang Serye)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz