章节-19

254 16 0
                                    

"Kamahalan,naghihintay po sainyong palasyo ang iyong ama"sambit ng personal na tagapagsilbi ni Liye

"Subukan mong galawin si Fei,hindi lang ako basta uupo dito at hahayaan na gawin mo sa kanya ang mga ginawa mo sakin noon"matapang na sambit ni Liye bago iniwan si Jia

Seryoso lamang itong pinanood ni Jia hanggang sa makaalis ito noong humarap ito kay Fei.

Tumayo ito gilid niya at tinitigan ito hanggang sa nahagip ng kanyang mga mata ang isang napakagandang porselana.Dahan-dahan niya itong inalis mula sa kamay ni Fei at hinawakan ito habang sinusuri ito ng mabuti noong naaalala niyang palagi niya itong nakikita sa lamesa ni Yuan.

"B-bakit nasa kanya ito?"

Seryosong tinignan lamang ni Jia si Fei bago umalis habang dala-dala ang porselana na ibinigay ni Yuan kay Fei.

Kinaumagahan ay nagising nalang si Fei dahil nasa ibang silid na ito hanggang sa napagtanto niyang nasa palasyo siya ng emperador.

"Dahan-dahan lang Fei,kakagising mo lang eh"agad umalalay si Mingyu sa kaibigan upang makatayo ito

"Anong nangyari Mingyu?bakit ako nandito?"

"Nagkasakit ka kahapon Fei dahil nabasa ka ng matinding ulan at nababad ka sa matinding sikat ng araw"

"Bakit ako nandito?"nagtatakang tanong ni Fei sa kaibigan at inilibot ang paningin noong napagtanto niyang nasa silid siya ni Yuan

Kaya naman agad itong tumayo dahil sa gulat ngunit biglang napahawak si Fei sa kanyang ulo dahil masakit ito kaya naman agad siyang sinuri ni Mingyu dahil sa pagaalala.

"Hindi padin ba ayos ang iyong pakiramdam?"

Tanging pag-iling nalang ang naisagot ni Fei.

"Ayos lang ako,nabigla lang yata ako dahil sa biglaan kong pagtayo"

"Alam mo sa totoo lang,hindi ko talaga maintindihan ang kamahalan,siya ang may gawa sayo nito ngunit ngayon ay siya pa ang nagpa-inom sayo ng gamot at bumuhat sayo papunta dito sa gitna ng malakas na ulan"naiinis na kwento ni Mingyu

"D-dinala ako ng emperador dito?"

Hindi sumagot si Mingyu at ipinag-krus nalang ang kanyang mga braso dahil sa inis na tinatanong pa ni Fei kung si Yuan ba ang nagdala sa kanya doon kahit na si Yuan ang may kasalanan kung bakit siya nagka-lagnat.

Tumawa nalang ng mahina si Fei at pinaharap ang kaibigan sa kanya at hinawakan ang kamay nito.

"Huwag ka nang magtampo,oo na,hindi ko na babanggitin si Yuan"tumatawang pagsuyo nito sa kaibigan

"Kung hindi lang siya ang emperador ng bansang ito baka nasipa ko na siya sa paa!"agad tinakpan ni Fei ang bibig ng kaibigan dahil sa lakas ng boses nito

Pagkarating nila sa palasyo ni Fei ay kaagad silang sinalubong ng mga ibang tagapagsilbi at inihanda ang umagahan ni Fei.

"Nais mo bang maglibot mamaya dito sa palasyo?"suhestyon ni Mingyu

"Sige"tumatangong sagot ng dalaga sa kaibigan

Habang kumakin si Fei ay napatayo ito at nagbigay galang noong nakita niyang paparating ang emperatris.

"Malugod sa pagbati--"

"Maupo ka na"inalalayan ni Liye n umupo si Fei dahil sa kagagaling lamang nito sa lagnat

"Kumusta ang pakiramdam mo?"

"Ayos naman kamahalan,bakit nga pala kayo napadalaw ngayon dito?"nakangiting tanong ni Fei

"Nais ko sanang ipasyal ka sa palasyo ngayon dahil alam kong mula noong nakarating ka dito ay hindi mo pa nalilibot ang palasyo"

"Nais din sana ng aking binibini na maglibot-libot ngayon--"

"Mingyu,matuto kang gumalang sa emperatris"mahinahon na saway ni Fei sa kaibigan kaya napayuko nalang si Mingyu

Nagkatinginan naman si Fei at Liye at parehas na napangiti dahil sa reaksyon ni Mingyu.

"Ayos lang Fei,tsaka alam ko naman na tapat at malapit mong kaibigan itong si Mingyu"

Pagkatapos kumain ni Fei at naghanda ay sinamahan na siya ni Liye maglibot-libot sa palasyo.Nalahawak lamang si Liye sa braso ni Fei habang nangunguna silang maglakad at nagkwekwentuhan habang ang kanilang mga tagapagsilbi ay nasa likod nila.

"Ilang taon ka na dito sa palasyo kamahalan?"takang tanong ni Fei kay Liye

Napabuntong hininga nalang si Liye bago sumagot "Kung tutuusin ay hindi ko na pala namamalayang matagal na pala akong nakakulong sa loob ng palasyong ito"nanatili lamang nakikinig si Fei sa kanya"Apat na taon na akong emperatris,nakakatawa man ngunit apat na taon na din akong nawalan ng karapatang maging malaya at maging masaya.Hindi ko naman ginustong maikasal dito sa malawak na palasyong ito eh,hindi ko din kailanman ginusto ang pwestong ito.Ngunit wala na akong nagawa noong nagbigay na ng kautusan ang dating emperador,hindi ko naman ito pwede labagin o suwayin dahil kamatayan ang magiging kapalit nito.Pero ang mas masakit ay ang hindi ko inaakala na masakit pala magmahal ng lalakeng iba ang tinitibok ng puso"

Sa puntong ito ay alam na ni Fei na si Jia ang tinutukoy ni Liye.Nakaramdam siya ng lungkot at awa dahil sa pinagdaraanan nito at dahil parehas sila ng nararamdaman para kay Yuan ngunit alam naman nilang dalawa na kay Jia lamang ang puso nito.Mali sila ng lalakeng iniibig,dahil ito ay ang makapangyarihang emperador ng bansang ito.

"Kung sana ay isa lamang siyang simpleng mamamayan.."mahinang sambit ni Fei

"Ano yun Fei?"tanong ni Liye dahil sa hindi nito narinig ang sinabi ng dalaga

"Ahh wala"ngumiti lamang ito ng tipid

Habang naglalakad sa mahabang pasilyo ng palasyo papunta sa korte ay hindi inaasahan ni Fei na makakasalubong niya dito sa loob ng palasyo ang lalakeng kinamumuhian niya at ng kanyang ate.Kaya naman bigla siyang napakapit ng mahigpit sa emperatris at nagtataka siyang tinignan ni Liye noong napagtanto niya kung ano ang nangyayari noong nakita niya ang lalakeng nakaharap sa kanila ngayon.

"Malugod na pagbati sainyo,kamahalan...at konsorte Ling"nakangisi nitong tinignan si Fei

Hindi ito pinansin ni Liye at hinila si Fei paalis upang maiwasan nila ang lalakeng ito ngunit napatigil sila sa paglalakad noong nagsalita ulit ito.

"Nais ng emperador na samahan ako ni Konsorte Ling upang ituro saakin ang daan papunta sa palasyo ng emperador upang makapagbigay ako ng galang at makita ito ng personal dahil tatlong taon akong nasa labanan at nararapat lamang na mabigyan ng premyo"para bang nagmamataas na sambit ni Yanlin sa dalawang dalaga

"Tawagin mo si Zian,mas bihasa siya sa daan papunta sa--"hindi na naituloy ng emperatris ang kanyang sasabihin dahil kaagad din nagsalita si Yanlin

"Sinusuway mo ba ang utos ng kamahalan?"parang nangaasar na bawi nito

#A_Flower_In_The_Palace
#precxxious

A Flower in the Palace (Ang Unang Serye)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن