章节-50

215 6 0
                                    

"Kamahalan kailangan niyo na pong bumaba...K-konsorte Ling?"sambit ng isang gwardiya

Bigla siyang tinignan ng matalim ni Luhan at binabalaan ito na kalimutan kung ano man ang kanyang nakita kaya naman sa takot ay agad na yumuko ang gwardiya at umalis na.

"Hihintayin kita sa baba"saglit niyang tinignan si Fei habang pinipigil ang sarili na patahanin ito at agad nang nagiwas ng tingin

Kanina pa aligaga si Mingyu sa paghahanap kay Fei dahil mula kaninang pag-gising niya ay wala na si Fei sa higaan niya.Kanina pa siya palakad-lakad sa paligid ng mga kampo ngunit sadyang mga gwardiya lamang at mga tagapagsilbi ang kanyang mga nakikita noong bigla niyang makasalubong si Zian kasama ang kanyang mga kasamang gwardiya.

"May problema ba?"tanong nito

"Maaari mo ba akong tulungan sa paghahanap kay Konsorte Ling?kanina pa kasi siya nawawala at hindi ko na alam kung saan ko siya hahanapin"nagaalalang saad nito

"Sigurado ka ba?baka naman naisip lamang ng Konsorte na magpahangin at baka pabalik na rin siya?"paninigurado ni Zian

"H-hindi ko alam"

"Sa loob ng labing limang minuto kung wala pa ang konsorte ay gagawa na tayo ng aksyon"seryoso nitong sambit

Biglang hinakawan ni Mingyu ang kamay ni Zian at ngumiti "Maraming salamat"

Nagulat si Zian sa biglang ginawa ni Mingyu maging ang mga kasama nitong gwardiya dahil sa isa itong babaeng tagapagsilbi at siya ay isang gwardiya kaya naman noong napagtanto ito ni Mingyu ay kaagad siyang bumitaw.

"Bakit ka namumula?"inosenteng tanong ni Zian habang sinisipat ang kabuoan ng mukha ni Mingyu kaya naman agad niyang tinakpan ang kanyang pisngi

"Anong n-namumula ka diyan?"dipensa nito at bigla nalang tumakbo paalis

Pagkaalis niya ay agad naman ding tinukso si Zian ng mga kasama niyang mga gwardiya habang ito ay napailing na lamang at napangisi.

Saktong-sakto namang pagbalik ni Mingyu ay nasa loob na ng kampo si Fei at inihahanda na nito ang kanyang pana at palaso at nakabihis na rin siya.Agad namang lumapit si Mingyu sa kanya.

"Saan ka ba nagpunta?"tanong nito

"Nagpahangin lamang ako"tumingin ito sa kaibigan at ngumiti

Hinawakan ni Fei ang mga kamay ni Mingyu at tinignan ito kaya naman tumingin din sa kanya ito.

"Palagi kang mag-iingat.Tandaan mong kahit na ano man ang mangyari ngayon at ano man ang kahantungan ng mga gagawin ko huwag na huwag kang sasali dahil mapapahamak ka lamang"

"Fei..natatakot ako"

"Pinagkakatiwalaan mo ba ako?"ngumit si Fei na nagpapahiwatig na magiging ayos lang ang lahat

Unti-unting tumango si Mingyu bilang sagot kaya naman napangiti si Fei.Naroon na lahat kaya naman sumakay na si Fei sa kanyang kabayo ngunit bigla niyang nalaglag ang kanyang pana noong aktog bababa na sana siya mula sa kabayo ay biglang pinulot ni Zian ito at iniabot sa kanya.

"Maraming salamat"nginitian niya ito

Tumango lamang si Zian bilang sagot at sumakay na sa kanyang kabayo habang hinihintay nilang lahat ang emperador na dumating upang makapagsimula na ang lahat.Pag dating ni Yuan ay kaagad na nagbigay-galang ang lahat.

"Simulan na ang pangalawang araw ng imperyal na pangangaso"

tumunog na ang mga trumpeta na takda ng pagsisimula ulit ng pangangaso.Pinatakbo na ng lahat ang kani-kanilang mga kabayo papunta sa kakahuyan upang mangaso ulit.

Kanina pa palihim na sinusundan ni Fei si Yanlin upang humanap ng tiyempo.Sobrang lakas ng kabog ng puso niya at kinkabahan rin siya ngunit pilit niyang tinatagan ang kanyang sarili.

"K-kailangan mo itong gawin Fei.Para kay ate at sa emperatris..hindi ito ang oras upang umatras ka"pagpapalakas niya sa kanyang loob

Bigla namang pinatakbo ulit ni Yanlin ang kanyang kabayo kaya naman naghintay muna si Fei at pinatakbo din ang kanyang kabayo sa ibang direksyon upang hindi siya makita.

Ngunit hindi niya inaasahang magiging matarik ang daan at naging madulas at makitid na rin ito kaya naman kailangan niyang mag-ingat sapagkat sa banda rito ay malalim na bangin na ang kanyang babagsakan at baka malunod rin siya dahil sa lakas ng agos ng tubig mula sa isang talon (water falls).

Nagdesisyon na siyang bumaba sa kanyang kabayo sapagkat baka madulas ito at mahulog silang dalawa kaya naman hinaplos niya muna ang ulo nito bago niya ito iniwan at naglakad na.Naputikan na rin ang kanyang sapatos kaya naman napatingin siya sa paligid at nagtaka kung bakit maputik dito gayong hindi naman umulan.Noong bigla niya ring napagtanto na wala ng daan sa direksyon na nais niyang puntahan at bangin na lamang rin ito kaya naman agad na siyang naglakad pabalik sapagkat mali siya ng daang tinahak.

Ngunit biglang may tumama sa kanyang dibdib na isang palaso.Agad niyang tinignan kung saan nanggaling ito at nakita niya si Jia na nakapwesto sa may di kalayuan habanf nakatutok ang pana niya kay Fei na anumang iras ay pwede niya ulit itong tamaan.Pilit na inalis ni Fei ang nakatusok na palaso sa kanyang dibdib ngunit naiwan padin ang pilak na tusok nito sa loob na dahilan ng pag-kirot ng dibdib ni Fei at bigla na lamang siyang nakaramdam ng bigat ng katawan at para bang unti-unti nitong inuubos ang lakas ng kanyang katawan.

"B-bakit kailangan mong humantong sa ganito?"dismayadong tanong ni Fei kay Jia na naglalakad na papunta sa kanyang direksyon

Tumigil ito sa paglalakad at
nakangising hinaplos ang gilid ng hawak niyang palaso gamit ang isang panyong puti.

"Hindi na dapat tayo humantong sa ganitong sitwasyon kung nakinig ka lamang sa akin noon sa imperyal na hardin"

"Hinding h-hindi ka magwawagi sa mga plano mo Jia"mapait na ngumiti si Fei

Ngunit biglang ipwinesto ni Jia ang kanyang pana at naka-handa na itong tumama kay Fei.

"May dalawampu't tatlong oras ka na lamang upang mabuhay Fei.Pasensya ka na ngunit may lason ang palasong iyan"sa huling pagkakataon at ngumisi siya at itinama na ang huling palaso sa braso niya

Dahan-dahang napaatras si Fei at bigla na lamang nadulas dahil sa maputik ang kanyang kinatatayuan.Na siyang dahilan upang mahulog siya sa bangin at bumagsak sa ilog.

Unti-unting umatras si Jia at naglakad na papalayo mula sa lugar na iyon na para bang hindi siya natatakot na baka may makakita sa kanyang ibang tao.

"Akin ka lamang..kamahalan"

#A_Flower_In_The_Palace
#precxxious

A Flower in the Palace (Ang Unang Serye)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon