章节-10

309 18 1
                                    

"Fei?anong nangyari sayo?"gulat na napatayo ang kanyang ate noong pagbukas palang ng pintuan ay kakaiba na ang awra ng kanyang kapatid

Hindi sumagot si Fei at bigla nalang niyakap ang kanyang kapatid habang umiiyak.Mahinang tinapik-tapik nito ang kanyang likuran bago hinawakan sa magkabilang balikat at tinignan.

"Bakit ka umiiyak?anong nangyari?"nagaalalang tanong ng kanyang kapatid

"Ate bakit..bakit parang napaka bilis naman ata manakit ng tadhana"

Nagbalik ulit sa kanyang isipan ang mga pangyayari kanina.

Ang mga salitang sinambit ng binata ay sariwang-sariwa pa sa kanyang alaala.Kung gaano siya nadurog at nasaktan ng labis dahil dito.

"Dahil kay Yuan ba ito?"

Hindi na hinintay ng kanyang ate na sumagot si Fei at sa halip ay niyakap nalang ulit ito.

At dahil dito ay naalala ulit ng kanyang ate ang mga pangyayaring hindi niya din makakalimutan noong kung papaano siya inabandona ni Senyor Yanlin sa harap ng pamilya nito.

Flashback:

"Utang na loob umalis ka na dito!"bulyaw ni Yanlin

"At bakit ha?!dahil natatakot ka bang malaman nila na may nabuntis ka?"

Biglang sinampal ni Yanlin ang dalaga sa kanyang harapan at napadapa nalang ito sa lupa habang umiiyak at nakahawak sa pisngi nito.

"Isa ka lamang maduming mananayaw sa bahay-aliwan at sa tingin mo ba ay gagawin kita bilang asawa ko?"panlalait nito sa kanya

Hindi na matiis ng dalaga ang panlalait nito sa kanya kaya naman tumayo siya at akmang sasampalin na din sana niya si Yanlin noong may biglang nagsalita sa kanilang likuran.

"Anong nangyayari dito?"isang maowtoridad at seryosong tono ng isang matandang lalake

Ang unang ranggong ministro ng palasyo.Ibig sabihin ay siya ang pinaka may mataas na pwesto sa mga ministro sa loob ng korte at ang siyang kanang kamay din ng emperador (emperor) ng bansang ito bukod sa prinsipe.

Agad na nagbigay galang ang dalawa sa paglapit ng ministro kasama ang asawa nito na donya ng mansion na ito at ang dalagang anak nila na si...Jia

"Hindi niyo pa sinasagot ang aking tanong,ano ang nangyayari dito?"seryoso ulit nitong tanong

Agad na lumuhod ang dalaga sa harapan nito habang umiiyak.

"Parang awa niyo na po,hayaan niyo pong panagutan ni Yanlin ang dinadala kong anak"

Nagulat ang lahat sa sinabi ng dalaga.

"A-anak?"gulat na tanong ulit Jia habang litong-lito sa mga pangyayari

"Anong ibig sabihin nito Yanlin?magpaliwanag ka!"galit na pagkompronta ng donya sa anak

"Inaamim kong nagkamali ako inay,itay.Ngunit hahayaan niyo ba na maging asawa ko ang hampaslupang ito?"

A Flower in the Palace (Ang Unang Serye)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن