章节-18

270 17 2
                                    

"Tawagin niyo lahat ng mga imperyal na doktor ngayon na!"

Agad sumunod ang mga tagapagsilbi sa sinabi ni Yuan.Agad siyang nagtungo sa kanyang palasyo at inihiga ang dalaga sa kanyang kama kahit na basang basa ito.

Agad hinawakan ni Yuan ang noo ni Fei noong naramdaman niyang mainit ito.

"Mukhang magkaka-lagnat siya"seryosong sambit ni Yuan

Tumayo si Yuan at nagbigay daan sa mga doktor upang suriin ang kalagayan ng dalaga.

Ilang minuto nila itong sinuri bago sila tumayo at yumuko kay Yuan para magsalita.

"Nabasa siya ng ulan kanina at mukhang nababad siya sa matinding init kaninang tanghali kaya naman nagbago ang kanyang temperatura at nagkaroon siya nf lagnat.Sobrang taas ng kanyang temperatura ngayon kaya naman maglilista ako ng mga gamot upang bumaba ito"

Pagkatapos ibigay ang listahan ng gamot sa emperador ay umalis na ang mga ito.

"Ako na po ang kukuha ng mga gamot ni Konsorte Ling,kamahalan"presinta ng prinsesa

"Sasamahan ka ni Zian"utos ni Yuan

Umalis na ang dalawa kaya naman si Yuan at Fei na lamang ang natitira sa loob ng silid.

Dahan-dahang umupo si Yuan sa tabi ni Fei at pinagmasdan ito.

"Huwag mong isipin na hindi ako nagiging patas Fei"panimula nito"Iba ang Yuan na nakilala mo sa labas at iba din ang Yuan dito sa loob ng palasyo.Lahat ng mga kilos at galaw ko ay kailangan maingat,kailangan respetado at kagalang-galang dahil ako ang emperador ng bansang ito.Lahat ay pagmamay-ari ko,ngunit hindi ako naging sakim kahit kailan"

Inilabas niya ang porselana sa kanyang bulsa at dahan-dahan itong ipinasuot sa kamay ng dalaga.

"Ate.."mahinang nagsalita si Fei habang ito ay tulog

"Ate.."paguulit nito

"Fei,nasa palasyo ka ngayon"dahan-dahan siyang tinapik ng binata upang gisingin ito

Pero pagkaraan ng ilang minuto ay mukhang nakatulog na ito ng mahimbing.

"Kamahalan,nandito ang emperatris at ang inang emperatris"anunsyo ng isang tagapagsilbi na lumapit sa kanya

Tumayo na ang binata at hinayaan ang dalawa na bisitahin si Fei.Umupo ang inang emperatris sa tabi ng natutulog na dalaga habang ang emperatris ay nagbigay galang muna kay Yuan bago tumayo sa gilid ni Fei.

"Kumusta na siya?"tanong ng inang emperatris habang sinusuri ang temperatura ng dalaga

"May lagnat siya,nagsulat na din ng prescripsyon ang doktor"

Hinawi ng inang enperatris ang buhok nito noong inanunsyo din ang pagdating ni Jia.Hindi lumingon ang inang emperatris sa pagdating ni Jia at nakatuon lamang kay Fei ang pansin nito.

"Malugod na pagbati sainyo,kamahalan at inang emperatris"

"Nais ko sanang bisitahin ang tignan ang kalagayan ni Konsorte Ling"sambit ni Jia at lumapit sa tabi ng inang emperatris

"Nandito na ang gamot"patakbong ibinigay ng prinsesa ang gamot kay Yuan pagkarating nila ni Zian

"Ako na ang maglalagay"napatingin sila kay Yuan dahil sa pag pre-presinta nito

Ngayon ay siya pa ang nagpresintang magpainom ng gamot kay Fei habang kanina ay galit na galit ito dito at pinarusahan pa at naging dahilan kaya nagkasakit si Fei.

"Kamahalan,nasa imperyal na korte ang pangatlo at pang-limang ministro,may importante daw silang sasabihin tungkol sa isyu sa Silangan"

"Mamaya na,sabihin mong kailangan ko munang---"

"Kamahalan,ako na po ang bahalang magpa-inom kay Fei ng gamot,mas mabuti siguro kung pumaroon ka na sa imperyal na korte"suhestyon ni Jia habang nakangiti dito

"Bakit?nagseselos ka ba dahil may iba ng babaeng pinagtutuonan ng pansin ang emperador?"prankang sabat ng prinsesa kay Jia kaya naman biglang nagbago ang ekspresyon nito sa mukha

"Lanlan,tignan mo ang iyong mga sinasabi dahil konsorte ko padin siya"seryosong saway ni Yuan

"Bakit?totoo naman diba?kahit nga ang emperatris noon ay---"

"Lanlan ang sabi ko ay tama na!nais mo bang maparusahan?"

Agad siyang napayuko dahil sa nagalit na nga ang kanyang nakakatandang kapatid.

"Ayos lang kamahalan,ang mabuti pa ay magtungo ka na sa imperyal na korte"agad lumapit si Jia kay Yuan at hinawakan ang kamay nito upang patahanin ito sa kanyang galit

"Lanlan,tama na.Ang mahalaga dito ay si Fei"saway ng Inang Emperatris

Padabog na umalis si Lanlan sa loob ng palasyo ni Yuan at sumunod naman ang Inang Emperatris na tinitigan lamang ang dalawa bago naglakad paalis.

"Nais ko ding magpaiwan at bantayan si Konsorte Ling"presinta ng emperatris dahil para na din niya itong nakababatang kapatid

"Hindi na,may sakit ka din at mahalaga ang iyong kalusugan,hayaan mo si Konsorte Yang,bibisitahin na lamang kita mamaya"

"Ngunit kamahalan--"hindi na niya itinuloy ang kanyang sasabihin dahil umalis na ang emperador kasama si Zian at ang mga tagapagsilbi nito

Pagkaalis nila ay natira na lamang sa loob ng silid ang tatlo.

Nginitian lamang ni Jia ang emperatris at nilagpasan ito at maglalakad na sana papalapit kay Fei noong napatigil ito sa pagsasalita ng emperatris.

"Jia"

Hindi sumagot si Jia at hinintay lamang ang sasabihin ng emperatris habang nakatalikod sila sa isa't isa.

"Alam kong ikaw ang may gawa nito,sa tingin mo ba ay magagawa mo ang ginawa mo sakin noon?"at humarap na nga ang emperatris kay Jia na nakatalikod padin sa kanya

"Hindi ko alam ang sinasabi mo"humarap din ito sa kanya ng nakangiti

Dahan-dahang lumapit ang emperatris kay Jia at tinitigan ito ng seryoso.

"Masyado kang mapagpanggap"

Unti-unting naglaho ang mga ngiti sa labi ni Jia at naging seryoso na din ang ekspresyon nito.

"Kailangan mo ng magpahinga..Liye"sambit nito na para bang isa lamang hamak na babae ang nasa harapan niya at hindi ang enperatris ng bansang ito

"Ang kapal ng mukha mong tawagin ako sa pangalan ko,hindi kita ka-ranggo Jia,tandaan mong ako padin ang emperatris sa palasyong ito"

"At sa tingin mo ba ay mas malakas ka sakin?tandaan mong ang ina mo ay isa lamang hamak na tagapagsilbi--"

Aktong sasampalin na ni Liye si Jia ngunit agad nahawakan ni Jia ang kamay nito at naitulak ito kaya naman napaatras ang emperatris.

"Ngayon ay nakikita kong inilalabas mo na ang tunay mong kulay Jia,mukha kang mabait sa labas ngunit sa kaloob-looban mo ay may itinatago kang baho"

#A_Flower_In_The_Palace
#precxxious

A Flower in the Palace (Ang Unang Serye)Where stories live. Discover now