章节-46

217 8 1
                                    

Pilit na itinimpi ni Fei ang kanyang sarili dahil alam niyang mapapamahak siya kapag kinalaban niya ng basta basta si Jia.

"Hindi ko alam ang iyong mga sinasabi."seryoso niyang sagot"Pasensya na ngunit kailangan na naming bumalik"

Ngunit kaagad na hinila ni Jia ang braso ni Fei at itinulak ito ng malakas kaya naman hindi na napigilan ni Fei ang kanyang sarili.

"Ano bang problema mo Jia?"

"Ikaw.Bakit?sino pa ba sa tingin mo ang ibang proproblemahin ko kundi ikaw"

"Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa mong pagpapakalat noon sa palasyo tungkol sa dati kong trabaho"seryosong sumbat ni Fei

Ngumisi si Jia bago sumagot "Bakit?nahihiya ka ba na malaman ng mga tao kung ano ka noon bago ka pumasok sa palasyo bilang konsorte?"

"Bakit siya mahihiya?ano bang dapat niyang ikahiya?"biglang sumipot si Luhan sa gilid ni Fei kaya naman lumingon si Fei

Biglang ngumisi ng nakakaloko si Jia bago ito nagseryoso at itinuon naman ang tingin kay Luhan habang si Fei ay nanatiling nakatalikod mula kay Luhan at napapikit na lamang.

"Oh,nandito din pala ang kamahalan.Anong ginagawa mo rito?ah teyka--pasimple mo palang binabantayan si Konsorte Ling hindi ba?"biglang lumingon si Fei dahil sa sinabi ni Jia kay Luhan

Kumunot ng saglit ang noo ni Luhan ngunit seryoso padin ang reaksyon nito bago ngumisi kaya naman nagtaka si Jia sa naging reaksyon niya.

"Huwag mo akong sinusubok Jia.Kahit pa konsorte ka ng emperador ay tandaan mo kung anong pwesto mo.Wala akong pakealam sa kapangyarihang taglay ng iyong ama o kahit pa ng iyong kapatid na wala namang kwentang heneral"

"Sinong walang kwenta?"biglang sumipot naman mula sa likod ni Jia si Yanlin na nakangiti ngunit seryoso ang kanyang boses"Malugod na pagbati,kamahalan"pagbibigay galang nito kay Luhan

"Bakit?hindi ba totoo?"tanong pabalik ni Luhan na para bang nangaasar

Tumawa ng kaunti si Yanlin bago sumagot"Pasensya na kamahalan kung hindi ko napupuna ang iyong mga ekspektasyon"at seryoso itong tinignan sa mga mata

"Ayusin niyo ang ugali niyong magkapatid"nagulat si Fei sa biglang huling sinabi ni Luhan sa dalawang magkapatid bago umalis habang si Mingyu ay napatawa na lamang ng patago

Ibinaling naman ni Jia ang tingin kay Fei at matapang naman itong tinignan din ni Fei.

"Kahit pa nasa likod mo ang prinsipe o kahit ang prinsesa ay tandaan mong hindi mo ako kailanman mapapantayan."

"Jia hindi ka padin ba tapos?tara na."inip na saway ni Yanlin sa kapatid

Bumaba na ang dalawa habang sila Fei ay natira sa taas.

"Nakoo nakooo nakoo ha,Fei sa susunod lumaban ka rin ano ka ba"

"Hindi ako pwedeng magpadalos dalos ng mga kilos ko Mingyu.Alam mo bang nais ko na din siyang sampalin at awayin dahil sa ginawa niya sa emperatris?"biglang kumuyom ang mga kamao niya"ngunit hindi ko ginawa,dahil kung magpapadalos dalos ako sa mga desisyon ko ay mapupunta lamang sa wala lahat ng mga pinaghirapan ko"

Mabilis na lumipas ang oras at gabi na kaya naman lahat ay nagtungo sa malawak na kampo nq ipinatayo sa gitna ng kagubatan para sa pansamantalang kainan ng imperyal na pamilya kasama na ang konsorte ang mga matataas na opisyal ng palasyo.

Ang ayos ay nasa harapan padin ang emperador.Sa kanan niya naman ay ang prinsipe at ang prinsesa at ang pangunahin at pangatlong ministro habang sa kaliwa naman niya ay si Jia at Fei katabi si Zian,ang personal na gwardiya ni Luhan at si Yanlin.

At habang kumakain ay biglang nagsalita si Yanlin at nakadiretso ang tingin kay Fei.

"Sadyang napakaganda at katangi-tangi ng iyong palaso at pana,maaari ba namin itong makita at mahawakan?"suhestyon niya at tumingin naman ang lahat sa kanya na para bang sumasang-ayon sila sa rekwes ni Yanlin

Nguniti na lamang siya at tumango bago kinuha ang iniabot ni Mingyu na pana at palaso niya.Lahat ay nakatingin rito.Sinimulan nang alisin ni Fei ang bahay ng kanyang pana mula sa bahay nito at lahat ay namangha sa disenyo at kalidad nito.

"Maaari ko bang malaman kung saan mo ito nakuha?"takang tanong ni Yanlin habang sinusuri ang mukha ni Fei

Iniwas na lamang ni Fei ang kanyang tingin dahil naiilang na siya at tumingin na lamang sa kanyang pana bago ngumiti.

"Ibinigay saakin ito ng aking namayapang lola"

"Ngunit hindi lamang ito basta basta makukuha o maaangkin ng isang hamak na ordinaryong mamamayan..."singit ni Jia

Tumingin naman sila sa kanya "At papaano mo ito nasabi?"tanong ni Yuan

"Kamahalan,ako ay nagaral sa ibang bansa noong ako ay bata pa lamang kaya naman nakabasa na ako ng iba't ibang uri at klase ng libro.At isa na rito ang tungkol sa mga panang ipinamana na galing sa mga imperyal na pamilya sa iba't ibang henerasyon...At ang isa sa aking nakita ay ang isang pana na kahawig ng iyong hawak,Konsorte Fei"

Nagbulungan ang lahat sa kanilang narinig maging si Fei ay kumunot ang kanyang mga noo at unti-unti naisip na hindi kailanman sinabi ng kanyang lola kung sino ang nagbigay nito.

"Maaaring kahawig niya lamang ito,Konsorte Yang"pagpapatahan ni Yuan sa namumuong lituhan

"Mayroon itong dyamante sa kahoy nito sa may taas at ibaba,kulay pilak ang hilaan nito,at may naka-ukit sa likuran ng kahoy na "Zài nǐ huílái shí" na ang ibig sabihin ay 'ang iyong pagbabalik'

Sa kada banggit ni Jia sa mga katangian ng pana ay agad naman din itong sinusuri ni Fei at tama nga ito kaya naman gulat siyang tumingin sa kanya.

"Ano ang tungkol sa panang ito at ano ang ibig sabihin ng iyong binanggit kanina lamang?"tanong ni Luhan

"Ito ang pamana ng ikatlong emperador ng isang kaharian sa kanyang apo na siyang naging emperador di kalaunan.Ipinama din niya ito sa kanyang bunsong anak na lalake hanggang sa napunta naman ito sa kanyang anak at apo.Ngunit noong araw na nawala ang prinsesa sa palasyong iyong ay nawala rin ang panang ito"

Tumingin ang lahat kay Fei at maging si Fei ay gulat rin sa narinig niya.Hindi niya alam ang iba't ibang mga pumapasok sa isipan niyang iyon kaya naman pilit niya itong iwinaksi.

"Ang ikalawang tagapagmana ng Kaharian ng Liang,si prinsesa Leyan"

#A_Flower_In_The_Palace
#precxxious

A Flower in the Palace (Ang Unang Serye)Where stories live. Discover now