章节-35

198 8 0
                                    

Natapos ng masaya ang handaan sa kaarawan ng prinsesa noong habang naglalakad sa kahabaan ng pasilyo si Liye kasama ang kanyang personal na tagapagsilbi habang walang mga tao sa paligid ay may biglang humatak sa kanyang braso.

"Konsorte Yang,isa itong kabastusan na kamahalan!"matapang sa suway ng personal na tagapagsilbi ni Liye

"Wala akong pakealam!"hinawakan niya sa magkabilaang balikat si Liye"Bakit hindi ka nalang namatay!bakit nakaabot ka pa hanggang ngayon!"sigaw nito sa harapan ni Liye

Gulat ang personal na tagapagsilbi ng emperatris sa mga salitang binigkas ni Jia ngunit si Liye ay nanatiling kalmado at ngumisi ng tipid kahit na nanghihina ito.

"Sabihin mo sakin bakit ikaw pa ang naging pinuno ng imperyal na harem?bakit hindi nalang ako Liye?bakit ikaw pa?!"

"Nakakatakot ka Jia"seryoso ngunit sarkastikong sambit ni Liye sa harapan nito

"Ahh naalala ko nga pala,kumusta na ang kaso ng iyong nakakatandang kapatid na matagal ng naibaon sa lupa?"nakangisi nitong pangaasar

"Huwag mong idadamay ang kuya ko sa usapan,wala siyang kinalaman dito"

"Pwes meron!teyka--hindi mo pa ata alam..na ang aking kapatid ang siyang mismong sumaksak sa puso ng iyong--"

Hindi na nito naituloy ang kanyang sasabihin dahil bigla siyang sinampal ng malakas ni Liye at hindi na nito napigilang mapaluha.

Napahawak si Jia sa kanyang pisngi dahil sa lakas ng sampal ni Liye.

"Ikaw!!...k-kayo...kayo ang dahilan kung bakit hindi na nakauwi ng buhay ang aking kapatid!"sigaw nito at dinuro si Jia habang inaalalayan siya ng kanyang tagapagsilbi dahil maaari siyang matumba"Plinano niyo ito hindi ba?!para maaagaw ni Yanlin ang pwesto ng aking kapatid bilang isang heneral!"

"Oo!plinano namin ito mula pa noon"

"Mas masahol...pa kayo sa isang mamamatay tao!Mga wala kayong.. p-puso"

Biglang napahawak si Liye sa kanyang dibdin dahil sumiskip ito at napaupo sa sahig "Kamahalan!"umiiyak at nagaalalang inalalayan siya ng kanyang tagapagsilbi

Seryosong umupo si Jia at humarap kay Liye at hinawakan ang baba nito kahit na iniwas ni Liya ang mukha nito "Matagal ng may lason ang iyong mga iniinom at kinakain na pagkain"

Biglang tumayo ang personal na tagapagsilbi ni Liye at aktong sasampalin na sana niya si Jia ngunit biglang hinawakan ni Ningxin ang kanyang braso.

"Kung nais mong mabuhay at makuha ang nagiisang lunas ay ibigay mo sakin ang iyong pwesto"

Ngunit imbes na sumagot ay tumawa ng mahina si Liye kaya naman naiinis at seryosong tumayo si Jia"Anong nakakatawa?"

"Kahit m-mamatay ako ngayon,ay hindi ko ibibigay ang p-pwesto at trono ko sayo...Hindi ka karapat-dapat para doon Jia,isa kang masamang tao"

"May mas isasama pa ako Liye"seryoso nitong sambit"Kung gayon ay,hanggang sa susunod na pagkikita natin Liye...kapag nasa hukay ka na"tumawa ito na parang baliw

Naglakad na ito paalis ngunit lumingon ulit ito sa emperatris "Huwag kang magalala,aalagaan ko ang iyong palasyo"ngisi nito bago umalis

Umiling ng paulit-ulit si Liye "Nababaliw ka na"

"Kamahalan,dapat natin itong sabihin sa emperador"umiiyak na inalalayan ng kanyang tagapagsilbi si Liye upang makatayo ito

Ngunit umiling si Liye at ngumiti ng mapait na nagpapahiwatig na hindi maaari.

"Ngunit kamahalan!"umiiyak na pagsusumamo ng tagapagsilbi niya ngunit hindi ito sumagot at naglakad papunta sa kanyang palasyo

Ilang oras na nasa kanyang loob ng silid si Liye at kahit na sino ay wala itong pinapasok kahit pa ang kanyang personal na tagapagsilbi.

Kanina pa ito nagaalala at ikot ng ikot sa labas ng silid ng emperatris hanggang sa napatingin siya dito noong lumabas ito at nagulat sa itsura nito.Suot-suot niya ang imperyal na bistida niya bilang emperatris at nakaayos din ito.

"S-saan ka pupunta kamahalan?"takang tanong nito

"Tawagin mo si Fei"mahinang utos nito at umupo sa kanyang balkonahe habang nakatanaw sa kalangitan at pinagmasdan ang mga bituin

Naghahanda na sanang matulog si Fei at kasama niya si Mingyu na ihanda ang kanyang tulugan ngunit inanunsyo ng gwardiya na nasa labas ang personal na tagapagsilbi ng emperatris.

"Papasukin mo siya"utos ni Fei kay Mingyu

Lumabas sila sa silid nito at sinalubong ito na nagbigay ng galang kay Fei.

"Bakit ka naparito?may problema ba?anong nangyari sa emperatris?"sunod sunod na tanong ni Fei

"Wala po,ngunit nais po kayong makausap ng emperatris ngayon"

"Teyka ngayon?a-anong oras na ah..pero sige teyka lang at maghahanda ako"pumanhik na ito sa kanyang silid at nagayos

Malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa kanila habang naglalakad sila sa kahabaan ng pasilyo ng palasyo ng emperatris.Halos wala na ring mga yunuk at tagapagsilbi ang makikita at lahat ay mga gwardiya na nakapwesto sa kanila-kanilang mga estasyon upang magbantay ngayong gabi.

Pagpasok nila sa palasyo ni Liye ay naabutan nila itong nagsusulat sa kanyang mesa.

"Nandito na po si Konsorte Ling,kamahalan"

"Malugod na pagbati saiyo,kamahalan"pagbati ni Fei at Mingyu

Natapos na sa pagsusulat si Liye at itinupi ang papel sa ayos bago ito iniabot sa kanyang personal na tagapagsilbi.

"Ibigay mo ito sa aking ama mamayang alas-sais ng umaga"kinuha niya ito at isinilid sa bulsa ng kanyang bistida

"Lumabas muna kayong lahat,nais kong mapag-isa kasama si Fei"

Sumunod ang lahat sa utos ni Liye at dahan-dahang tumayo kaya naman kaagad siyang inalalayan ni Fei upang hindi ito matumba dahil mahina pa ito.

"Kamahalan,dapat ay nagpapahinga na kayo ngayon,bakit gising pa kayo?"

"Hindi kasi ako makatulog"mahina at mahinhin na sagot nito

Dahan-dahan niyang inalalayang makaupo ang emperatris sa upuan sa balkonahe ng palasyo nito tsaka naman umupo si Fei sa kanyang tabi at pinagmasdan ang kay gandang tanawin ng gabi.

"Bakit bihis ka bihis ka ngayon kamahalan,may p-problema ba?"takang tanong nito at biglang nagalala na baka may nangyari

Umiling si Liye at ngumiti ng tipid "Dahil ngayon na ang huling araw na mararanasan ko ito"

#A_Flower_In_The_Palace
#precxxious

A Flower in the Palace (Ang Unang Serye)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora