章节-26

224 11 0
                                    


Featured Song;
Talk Love by K.Will

"Nandito po ang emperatis"anunsyo ng tagapagsilbi kaya naman sinalubong ito ni Fei

"Malugod na pagbati saiyo,kamahalan"

Masayang lumapit si Liye kay Fei at kaagad itong hinila sa silid nito upang ayusan kasama ang mga tagapagsilbi.

"Ito ang damit na iniregali saakin ng emperador noong unang araw ko dito sa palasyo bilang emperatris,dinala ko ito ngayon rito dahil nais ko itong ipahiram sayo ngayon"masayang sambit niya

"Kamahalan,sigurado po ba kayo?alam kong napakahalaga nito sayo kaya naman natatakot akong baka masira ko ito o madumihan.."

"Huwag kang magalala,ayos lang sakin iyon"

"Sigurado kayo kamahalan?"

"Magayos ka na at baka mahuli ka pa"nakangiti nitong itinalikod si Fei at inalalayang magbihis kasama ang mga tagapagsilbi ni Fei

Nakangiting nakaupo si Fei habang nakaharap sa salamin habang pinapanood ang emperatris na ayusin ang kanyang buhok.

"Kamahalan,ang galing niyo po palang magayos ng buhok"masayang papuri ni Mingyu habang pinapanood itong itirintas ang buhok ni Fei habang ang ilang bahagi nito ay nakalugay

Nakangiti niya naman itong sinagot habang nakatingin sa buhok ni Fei "Namana ko ito sa aking ina,madalas din niya akong ayusan noong nabubuhay pa siya"

"Ayan tapos na"masayang pinanood ni Liye at ni Mingyu at ng mga tagapagsilbi si Fei na tumayo

Sobrang ganda niya,kulay puti na mahaba ang kanyang bistida at nakatirintas ang ilang bahagi ng buhok nito.Para siyang isang prinsesa.

"Kamahalan,nandito si Konsorte Ling"anunsyo ni Zian noong nakita niyang papasok ito sa palasyo ni Yuan

Hindi sumagot si Yuan at nanatili pading nakaupo habang nagbabasa at hindi muna tinignan si Fei.

"Malugod na pagbati saiyo,kamahalan"pagbibigay galang nito

Tumayo na ito at iniligpit ang kanyang libro noong tumingin ito kay Fei.Bigla siyang napatulala na dahil nabighani ito sa sobrang ganda ng dalagang nasa kanyang harapan.

"Kamahalan?"

"Kamahalan?ayos ka lang ba?"tanong ulit ni Fei noong nagbalik na ito sa huwisyo

"Magpapalit lamang ako ng damit"kaagad na itong tumalikod a upang hindi mahalatang namumula ito

Pagkalabas niya ay nakapang damit ito na parang isang normal na senyor lamang na nanggaling sa isang mayamang pamilya kagaya nung isinuot niya noong mga panahong nasa labas pa sila ng palasyo ni Fei.Pagkalabas nila ng palasyo ay naglakad lamang sila sa mga taong nasa sentro na para bang mga normal na mamamayan lamang.Ang hindi nila alam ay nakakahalubilo na pala nila ang makapangyarihang emperador ng bansang ito.

"Nagustuhan ko ang ayos mo ngayon"pasimpleng papuri ni Yuan habang pinipilit na manatiling seryoso

"Salamat,kamahalan--ahh salamat,tinulungan ako ng emperatris na magayos at ipinahiram niya saakin ang bistidang ito"

Tumango na lamang si Yuan.Tahimik lamang ang dalawa habang naglalakad.

"Nais mo bang kumain muna?"suhestyon ni Fei

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Nais mo bang kumain muna?"suhestyon ni Fei

"Sige"

"May alam akong kainan"biglang nakaisip si Fei ng ideya kaya naman bigla niyang hinawakan ang kamay ni Yuan at hinila ito patakbo

Nagulat si Yuan dahil sa ginawa ni Fei pero napangiti na lamang ito dahil ngayon niya lang ulit ito naramdaman kasama ang dalaga.Tumigil sila sa harapan ng bahay-aliwan.

"Teyka,hindi ba't--"

"Tama ka"masayang sambit ni Fei at hinila ulit si Yuan papasok

Napatingin ang lahat sa dalawang kakapasok lamang noong bigla ding napatigil ang matandang senyora ng bahay aliwan at nalaglag ang hawak niyang baso noong makita nito si Fei na nakangiti sa kanya kasama ang isang lalake.

"Malugod na pagbati saiyo,Konsorte Ling"agad itong lumuhod at nagbigay galang kaya naman gulat na tumingin sa kanya ang lahat at nagsiluhod din at nagbigay ng galang

"Teyka!m-magsitayo kayo"

Ngunit hindi padin tumatayo ang mga ito kaya naman lumapit siya sa matandang senyora at inalalayan itong tumayo.Napatingin na lamang ang senyora sa dalaga dahil sa kabila ng kanyang mga ginawa dito ay nagagawa padin niyang mabait sa kanya.

"Ihanda niyo ang pinakamalawak at pinakamagandang kwarto para sa konsorte ng kamahalan,at sa kanyang.."tumingin ang senyora kay Yuan at tinitigan ito

"Ako ang kanyang imperyal na gwardiya"

Gulat na tumingin sa kanya si Fei habang nakakunot ang mga noo nito dahil sa pagpapakilala nito sa kanyang sarili.Inihatid sila ng senyora sa ikakawang palapag habang ang mga tao sa baba ay nakatingin padin kay Fei.

"Sadyang napakaganda nga niya sa personal"sambit ng isang kostumer

"Hindi ko aakalaing makikita ko ang konsorte ng emperador sa buong buhay ko"

"Ang puti niya at ang ganda ng kanyang kutis,anong sabon at kolorete kaya ang kanyang gamit?"sambit ng mga tao

Palihim na napangiti na lamang si Fei dahil sa mga papuri nila sa kanya.Habang si Yuan naman ay nakangiti din at naglakad kasabay ni Fei dahil sa mga narinig niya mula sa mga tao patungkol sa konsorte nito.

"Ihahanda ko na po ang inyong nga paboritong pagkain"sambit ng senyora

Nakangiting tumango sa kanya si Fei.May mga mananayaw at tugtog sa loob ng malawak na silid na iyon upang aliwin sila Fei at Yuan.

"Pagkatapos kumain ay may pupuntahan tayo"sambit ni Yuan

"Saan?"

"Isa muna itong sekreto"nakangising sagot ng binata

"Sige,sabi mo eh"napatango na lamang at nakangiting sambit ni Fei habang umiinom ng tubig

Ilang minuto ang hinintay ng dalawa bago dumating ang kanilang mga pagkain.Namangha si Fei sa dami ng mga naihandang pagkain sa hapag.Halos pitong tao na ang mapapakain nito.Tumingin si Fei kay Yuan na para bang hindi na ito bago sa kanya dahil syempre siya ang emperador ng bansang itoat nagsimula nang kumain kaya naman kumain na din si Fei.Pagkatapos kumain ay hindi na pinagbayad ng senyora sila Fei at pinagpilitan na huwag na kahit na pinipilit din ni Yuan na magbayad.

"Saan tayo pupunta?"tanong ni Fei habang masayang naglalakad

Pinagkrus ng binata ang mga braso nito at hindi sumagot,bagkus ay naunang ng naglakad habang nakangiti.

#A_Flower_In_The_Palace
#precxxious

A Flower in the Palace (Ang Unang Serye)Where stories live. Discover now