Sa panahon ng Dynastiya ng Xiang noong ikatlong siglo sa Tsina, ay sino ang magaakala na ang isang ordinaryong babae lamang na si Fei ay papasok sa palasyo bilang konsorte ng emperador ng isang makapangyarihang kaharian? paano siya paglalaruan at ba...
"Teyka sigurado ka ba?"tumatawang tanong ni Fei habang hawak ang Jade na palawit (pendant)
"Oo naman,tsaka napulot ko lang ito kanina kaya pwede natin itong magamit pang bayad sa mga nais nating bilhin"
"Nababaliw ka na" tumatawang sambit ng dalaga
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Naglakad sa gilig-gilid ang dalawa habang tumitingin sa mga paninda ng mga naka pwestong mga nagtitinda sa gilid-gilid.
"Teyka lang.."agad tumakbo si Yuan papunta sa isang tindahan at naiwan si Fei sa daanan
Pinanood niya ang binata na bumili ng isang...porselana(bracelet)
Hindi mawari ni Fei kung bakit bigla nalang tumalon ang kanyang puso sa saya,marahil ay iniisip niyang para sa kanya ang porselanang binili ng binata?Agad din niyang naalala ang asul na panyong binili niya noon at inilabas ito mula sa bulsa ng kanyang bistida at tinitigan habang nakangiti.
"Ibibigay ko nalang ito sa kanya mamaya"
Agad niya itong itinago noong nakita niyang papalapit na tumatabo ang binata habang nakangiti.
"Tara"pagyaya ng binata
Tumango nalang si Fei at naglakad kasabay ang binata ng mabagal habang pinagmamasdan ang mga tao sa sentro ngayong gabi.
"Nais kong dalhin mo ulit ako sa lugar kung saan mo ako dinala noong una tayong nagpakilala sa isa't isa"
"Sige"
Naisip ni Fei na baka doon din ang tamang tyempo at lugar kung saan niya ibibigay ang panyong kanyang nabili para sa senyor.
Ngunit ang tanong ay?...mahal na nga ba ni Fei ang binata?
Pagkarating nila sa gitna ng bundok ay umupo ang dalawa sa likod ng isang malaking puno.
Agad pumapakpak si Fei at nagsilabasan nga ang mga alitaptap.
"May kapangyarihan ka ba upang kontrolin ang mga alitaptap?"biro ng binata
"Sadyang sa pamamagitan lang talaga ng pagpalakpak sila nagpapakita"masayang sagot ng dalaga
"Maaari ba akong magtanong?"
"Sige,ano yun?"
"Nasaan ang mga magulangninyo ng iyong kapatid?"
Napatigil ng saglit si Fei at napangiti ng mapait.
"Ang totoo niyan ay hindi ko tunay na kapatid ang aking ate"nagulat ng kaunti ang binata sa sagot ni Fei pero nanatili lamang itong nakikinig "Hindi ko kilala kung sino ang mga magulang ni ate,ang lola lamang niya ang kilala ko na itinuring ko na din bilang tunay kong lola.Hindi ko din kilala kung sino ang mga tunay kong magulang,at hindi na din ako nagbalak na hanapin sila"