章节-41

207 6 0
                                    

Labing limang minutong naghintay ang lahat habang hinahalughog ng mga gwardiya ang palasyo ni Fei.

"Narito na sila"anunsyo ng yunuk ng emperador

Naglakad si Zian paharap kasama ang sampong gwardiya at inilabas ang isang maliit na bote ng lason at ibinigay ito kay Yuan.Nagulat ang lahat at nagbulungan habang si Fei ay biglang tumayo upang dipensahan ang kanyang sarili laban sa mga maling paratang.

"Naniniwala ka ba sa kanila?"biglang tanong ni Fei kaya naman gulat na napatingin sa kanya ang lahat dahil sa paraan ng pakikipagusap niya sa emperador

"Fei.."tawag ni Yuan

"Naniniwala ka ba sa kanila Yuan?"

"Kalapastangan!ano ang karapatan mong--"hindi na naituloy ni Jia ang kanyang sasabihin dahil biglang sumabat si Fei

"Sa tingin mo ba ay magagawa ko ito?ano sa tingin mo?yung mga panahong nagkasama tayo sa labas ng palasyo,sa tingin mo ba ay magagawa kong pumatay ng isang tao para lamang sa kapangyarihan at pwesto?"pagkatapos niyang sambitin ang huling salita at bumaling naman ang tingin niya kay Jia

"Ang isang maliit na bote ng lason ay hindi sapat na dahilan upang pagbintangan si Konsorte Ling,maaaring may mga taong nasa likod nito upang hilain siya pababa at sirain ang kanyang reputasyon"sabat ni Lanlan

"Ngunit nakita ko ito,at nakita mo rin ito Mingyu"bigla namang sabat din ng personal na tagapagsilbi ng namayapang emperatris

"Nasisiraan ka na ba ng mga mata?anong nakita ko?"kaagad na dipensa ni Mingyu at kulang nalang ay tumayo ito at sabunutan ito

Tumingin sa kanya ito habang mugto ang mga mata "Huwag ka nang magrason,alam kong kinakampihan mo si Konsorte Ling sapagkat kaibigan mo siya mula noong nasa labas palang kayo ng palasyo ngunit matitiis mo bang makitang umabot siya sa ganito?sa ganitong klaseng paraan para lamang makaangat sa pwesto?!"

"Papaano mo ito nagagawa sakin?"mahinahon ngunit punong puno ng pagkadismayado ang tanong na ito ni Fei sa kanya

"Dahil mali ako ng pinagkatiwalaan,akala ko ay mapagkakatiwalaan ka ng aking binibini ngunit ano ang iyong ginawa?trinaydor mo siya.."

Umiling si Fei at seryoso itong humarap pabalik kay Yuan upang tignan ang reaksyon nito noong mahuli niyang nakatingin rin siya ng diretso sa kanya at sinusuri ang kanyang ekspresyon at galaw.

"Hindi pa klaro ang mga ebidensya at mga saksi,kaya naman hindi pa pwedeng makulong sa--"hindi na naituloy ni Luhan ang kanyang sasabihin dahil sumabat kaagad si Jia na para bang ayaw niyang patuluyin si Luhan sa pagsasalita

"Ngunit ayon sa patakaran ay ikukulong ang sinumang suspek o mga hindi pa klaro ang kaso sa kulungan..kahit na sino pa ito"matapang niyang sabat

Matalim itong tumingin kay Luhan na para bang sinasabi nitong hindi siya magtatagumpay sa pagliligtas kay Fei habang si Luhan ay seryoso lamang siyang sinamaan ng tingin na para bang isa lamang itong babae sa kanto.

"Mawalang galang na ngunit..bakit mo ba ipinagtatanggol si Konsorte Ling,kamahalan?ano ang namamagitan sainyo?"biglaang tanong ni Jia na para bang naghuhuli ito at nagpakawala ng tipid na ngisi sa harapan ni Luhan

"Walang namamagitan samin"sabay na sambit ng dalawa kaya naman tumingin si Luhan kay Fei ngunit si Fei ay nanatiling nakatingin sa harapan

"Tama na."seryosong saway ni Yuan habang nakatingin sa sahig hanggang sa magpunta ang tingin nito sa pangunahing ministro ng seryoso "Dinggin niyo ang aking utos.Sa loob ng tatlong araw ay mamamalagi si Konsorte Ling sa loob ng kulungan kasama ang personal nitong tagapagsilbi ngunit hindi ko pinapayagan ang sinuman na mananakit sa aking konsorte"

"Fei.."mahinang sambit ni Lanlan noong hinawakan na ng mga gwardiya si Fei palabas ng korte kasama si Mingyu

Ngunit ngumiti na lamang si Fei sa kanya na para bang sinasabi nitong magiging ayos lamang siya.

Pagkarating sa loob ng kulungan ay biglang itinulak ang dalawa ng malakas papasok kaya naman nasubsob sila sa sahig.

"Aba't ikaw!"inis na daing ni Mingyu at pinilit ang sariling makatayo upang upakan ang gwardiya ngunit wala itong reaksyon at isinara na lamang ang selda

Umupo na din si Fei at pinagpagan ang sarili at napasandal na lamang sa pader habang diretso ang tingin sa kaharap nilang selda na may laman na isang matandang lalake na mukhang matagal na rito sa loob at nakatulog ito patalikod sa kanila kaya naman hindi nila makita ang itsura nito.

Kanina pa napapansin ni Fei na panay ang sulyap ni Fei at titig sa kanya ng kaibigan kaya naman binasag na niya ang katahimikang namumutawi sa pagitan nila.

"Pinagdududahan mo ako"sambit niya ngunit hindi padin ito tumitingin sa kaibigan

"Ano?"takang tanong ni Mingyu

"Sa tingin mo ba ay ako ang may gawa ng pagkamatay ng emperatris?"

"Hindi ba talaga ikaw?"tanong nito pabalik kaya naman napatingin na si Fei sa kanya

Ngumiti ito ng mapait "Hindi mo padin ako pinagkakatiwalaan."

Ngunit biglang tumaas ang kilay nito at inis na sumagot "Anong hindi pinagkakatiwalaan?nagtanong lamang ako Fei"

"Hindi e,kitang kita sa iyong mga mata na pinagdududahan mo ako.Dahil ba sa dalawang saksi at sa ebidensya?sabagay,matibay nga naman ito laban sakin.Ano pa bang magagawa ko.."

"Ano bang pinagsasabi mo Fei?pinagbibintangan mo ba ako?!"

"Hindi kita pinagbibintangan Mingyu"

"Ayon kasi ang pinapalabas mo e"

Ngunit hindi sumagot si Mingyu at umirap lamang ito at tumalikod mula sa gawi ni Fei at niyakap ang dalawa nitong tuhod at ipinatong ang kanyang ulo doon.

Habang si Fei ay isinandal ang kanyang ulo sa pader at inilabas ang ang panyong ibinigay ng emperatris sa kanya.

Ilang minuto ang lumipas noong bigla siyang nagtaka dahil may nakapa siyang parang isang bagay sa loob ng panyo...

#A_Flower_In_The_Palace
#precxxious

A Flower in the Palace (Ang Unang Serye)Where stories live. Discover now