章节-14

291 16 3
                                    


Featured Song:
Aahon by JMKO

Habang naglalakad si Fei at naka tanaw sa palasyo ay may bigla siyang nabangga na isang babae.

"Tumingin ka nga sa dinaraanan mo!"galit na sigaw sa kanya ng isang tagapagsilbing dalaga at base sa uniporme nito ay isa itong personal na tagapagsilbi

"Ningxin ano ba,hindi niya sinasadya kaya tama na"suway ng isang babae at tinulungan si Fei

Pronounciation:
Ningxin-Ningshin

Nagbigay galang si Fei bago iniangat ang kanyang paningin at nakita ang isang magandang babae sa kanyang harapan na sa tingin niya ay ka edad lamang niya.

Agad naman yumuko ang personal na tagapagsilbi ng Inang Emperatris sa babaeng kaharap ni Fei.

"Pasensya na po Konsorte Yang,bago pa lamang po dito si Binibining Fei kaya hindi niya po alam ang mga patakaran dito"

"Ayos lang"ngumiti ang dalaga na tinukoy niyang Konsorte Yang kay Fei kaya naman nginitian din ito pabalik ni Fei

"Sana sa susunod ay wala nang ganitong mga insidente ang mangyari pa,magiingat ka sa susunod"

"Opo,pasensya na po"

Umalis na ang konsorte kasama ang kanyang tagapagsilbi kaya naman napatingin si Fei sa tagapagsilbi ng Inang Emperatris.

"Sino ang konsorte na iyon?"takang tanong nito habang pinagmamasdan ang babae na naglalakad papalayo

"Siya si Konsorte Yang o si Binibing Jia"

Gulat na napatingin si Fei sa kanyang sagot dahil sa hindi niya inaasahan ito.Ngunit bakit...hindi kaya ay..siya ang sinisinta ni Yuan?tanong ni Fei sa kanyang sarili

Ngunit isa siyang konsorte,at kung ganun nga ay isang malaking kalapastangan ang kanilang pagsasama ni Yuan!,sambit ni Fei sa kanyang sarili

"Siya ang pinaka paboritong konsorte ng emperador dahil magkababata silang dalawa kaya naman ginawa siya nitong ikalawang ranggo"

Habang nakasunod si Fei sa paglalakad ay para bang litong lito siya sa mga nangyayari.Kung siya nga talaga ang Jia na nabanggit ni Yuan ay bakit isa pang konsorte?malalagay sa kapahamakan ang kanyang buhay dahil dito.

"Ito na ang magiging bago mong silid mula ngayon,binibini"nakangiting sambit ng tagapagsilbi at iginaya siya sa loob

Namangha si Fei sa ganda at laki ng silid.Kumbaga ay isa ng palabag ng bahay ay lawak ng silid na ito at pagkaganda-ganda din ng mga dekorasyon at mahahalata mong mahal ang mga ito at sadyang nakapaimportante.

"Magpahinga ka muna at bukas na bukas din ay maaga akong pupunta dito kasama ang personal mong tagapagsilbi at aayusan ka namin upang ipakilala sa emperador at sa iba pang konsorte"

"Salamat"tipid na ngumiti si Fei

Naiwan lamang siyang magisa sa loob ng silid na iyon kasama ang dalawa pang mga tagapagsilbi na nasa gilid.Nilibot niya ang silid at napaupo sa kama na magarbo.

"Ate,kung nakikita mo man ako ngayon.Ito na ang simula ng plano kong paghahanap sa taong pumatay sayo.Sisiguraduhin kong pagbabayaran ko siya at hindi ko hahayaang makatakas siya sa mga kasalanan niya"

Napahiga na lamang si Fei habang yakap-yakap ang isang unan at napaluha na lamang habang iniisip ang kanyang kapatid.

Kinaumagahan ay nakaramdam na lamang siya ng mahinang boses na gumising sa kanya.

"Fei.."

"Psst Fei?"

Gulat na napabangon si Fei noong nakita niya si Mingyu at agad itong niyakap habang umiiyak.Niyakap din naman si ng kaibigan pabalik dahil sa pagkasabik dala ng hindi sila nagkita ng matagal.

"Ipinadala ako ng Inang Emperatris dito upang maging personal mong tagapagsilbi,grabe Fei hindi ko inaakala na sobrang daming nangyari sayo.Isang linggo lamang akong nagbakasyon sa probinsiya ngunit...heto ka na at isa ka ng konsorte sa palasyo,anong nangyari at papaanong--?"

"Masyadong mahabang kwento,tsaka ko nalang ikwekwento sayo ang lahat kapag tama na ang panahon"

Napatango tango nalang ang kaibigan sa sinabi ng dalaga.Inalalayan niya itong bumangon at inayusan ito.

Dumating naman ang personal na tagapagsilbi ng Inang Emperatris at binihisan siya.Isa itong damit na pang konsorte,kulay rosas ito at sobrang ganda ng disenyo pati na din ang tela na may mga disenyong mga bulaklak.Namangha ang magkaibigan dahil dito at hindi aakalain ni Fei na mabibigayan siya ng pagkakataon na makapagsuot ng ganitong klaseng damit.Inayos din nila ang kanyang buhok at nilagyan siya ng kolorete sa kanyang mukha.

"Hindi na ako magtataka kung bakit pinili ka ng Inang Emperatris bilang isang konsorte,sadyang napakaganda"papuri sa kanya ng tagapagsilbi

"Oo nga Fei,tsaka ako ang bahala kung may mangaapi sayo dito"

Napatawa nalang ng mahina si Fei at napailing-iling sa sinabi ni Mingyu.

"Oras na para magpunta sa palasyo ng emperador,naghihintay na din doon ang emperatris at ang ikalawang ranggong konsorte"

Kinakabahan man si Fei ngunit kailangan niya itong malagpasan upang maipaghiganti ang kapatid.Ito na lamang ang tangi niyang inisip habang papasok sa loob ng palasyo ng emperador.

"Malugod na pagbati saiyo,kamahalan at mahal na emperatris"lumuhod ito at nagbigay galang

Unti-unting iniangat ni Fei ang kanyang paningin noong nagulat siya sa lalakeng nasa harapan niya.

"Y-yuan?"mahinang sambit ni Fei

Gulat na nakatitig si Fei sa lalakeng nasa harapan niya at ngayon niya lamang napagdugtong dugtong ang lahat.

Ang lalakeng tinitibok ng kanyang puso ay walang iba kundi ang kataas-taasan at makapangyarihang emperador ng bansang ito.

"Ikaw pala ang binibini na nakita ko kahapon,maligayang pagdating dito sa palasyo"nakangiting sambit ni Jia kay Fei at inalalayan itong tumayo

Para bang hindi maintindihan ni Fei ang nararamdaman niya ngayon.Masasaktan ba siya dahil konsorte pala niya ang babaeng kanyang sinisinta?o dahil nagsinungaling siya sa dalaga at itinago ang tunay nitong katauhan sa kanya.

Seryoso lamang nakatingin si Yuan sa dalagang nasa harapan niya.Nakatitig lamang siya dito hanggang sa tumayo ito.

"Dalhin niyo ang konsorte sa kanyang silid at dadalaw ako mamaya"utos nito kay Mingyu na ngayon ay personal ng tagapagsilbi ni Fei

Ngunit..ngunit para bang ibang tao na siya,ang boses niya,ang tindig niya,ang itsura niya at ang damit niya.Ibang iba na siya ngayon.Sambit ni Fei sa kanyang sarili.Masyadong seryoso at maowtoridad ang boses nito.

"Maaari ba akong magtanong,kamahalan?"humarap si Jia kay Yuan

"Magsalita ka"

"Magkakilala na ba kayong dalawa?"

Napatigil si Yuan dahil sa tanong ni Jia.Maging si Fei at nakatitig lamang sa binata at nagaabang kung anong isasagot nito.

"Hindi"

Bigla nalang nadurog ang puso ni Fei.Sa ikalawang pagkatataon dahil sa hindi niya inaasahang sagot ng binata.

Bakit Yuan?Bakit?

#A_Flower_In_The_Palace
#precxxious

A Flower in the Palace (Ang Unang Serye)Where stories live. Discover now