Chapter 19:

1.4K 72 1
                                    

Thrizel’s POV

Nag-uusap kami ni Amira. Pansin ko ang pagtingin sa‘kin ng kuya niya pero hinayaan ko nalang iyon. Dabi ko nga sa sarili ko, aakto akong kapatid ko siya pero kapatid ko nga siya, e. Jusko, Thrizel. Maya-maya ay naramdaman ko na naman ang tingin sa akin ni kuya kaya muli akong tumingin. ‘Gaya ng ginawa ko kanina, hindi ko iyon pinansin.

Inagaw ni Amira ang atensyon ng lahat. “Hoy, hindi pa ba kayo nagugutom?”

“Gutom na.” Sagot naman ng kuya niya sabay hawak sa tiyan nito. Parehas talaga sila ng ugali.

“Tara, kumain na tayo, doon nalang tayo sa kwarto ni Thrizel tutal mahangin sa balkonahe niya.” Sumang-ayon ako sa sinabi ni Amira.

Tapos naman na magluto si Manang Perry kaya kinuha na namin ang niluto nito. Tinulungan kami ng mga lalaking i-akyat ito sa taas.  Tumulong na rin ako sa pagkuha ng pagkain namin. Paakyat na ako sa hagdan nang  tulungan ako ni Elkhurt sa aking mga dala.

Binigay ko naman iyon dahil medyo may kabigatan din naman. Nakapasok na ako sa kwarto, dumiretso sa balkonahe at nilapag sa mesa ang ibang pagkaing dala ko. Nagsimula na kaming kumain. Tahimik lang ang lahat, walang gustong bumasag no’n. Ang sarap din kasi sa pandinig ang mga dahong hinahangin.

Maya-maya ay natapos na kaming lahat, ako ang nagligpit mag-isa ngunit tinulungan ako ni Ryke.

“Tulungan na kita.” Ngumiti ito sa akin saka nagligpit na. Bumaba kaming dalawa para puntahan ang mga kasambahay na matulog na, sabihing huwag na kaming asikasuhin ni kuya.

"Itong mga plato, dito ko na lang ilalagay huh?" Tukoy ni Ryke sa sink, tumango naman ako.

“Sige, lagay mo na riyan, akyat ka na sa taas.”

“Sigurado ka? Tulungan na kita rito.”

“Hindi na, I can handle this saka mabilis lang naman 'to.” Huhugasan ko kasi ang pinggan. Ayaw ni mom na may nakatambak dito pati naman ako.

Tumango na lamang si Ryke bilang sagot sa aking sinabi. Nang makaakyat siya, sinimulan ko nang mahugas ng plato. Madali lang naman ito kaya mabilis akong natapos. Ewan ko ba kung bakit saan-saan napapadpad ang aking pag-iisip. Naalala ko kasi ang pag-aalaga ni kuya kay ate Anissa, kitang-kita ko iyon sa hapagkainan kanina pero sandali, ano na naman ba itong nararamdaman ko? Nakakasawa huh.

Amira’s POV

Nandito sa kwarto ni Thrizel. Nasa baba siya dahil dinala ang mga pinagkainan namin. Tumulong naman sa kaniya ang kaniyang manliligaw kaya hindi na ako tumulong. Maya-maya ay dumating si Ryke pero hindi niya kasama ang aking kaibigan. Nasaan ang babae na iyon?

“Nasaa—” Hindi ako nakatapos sa pagtatanong nang unahan ako ni Ryke sa kaniyang pagsagot.

“Nasa baba siya, she would wash the plates first." Sagot nito sabay upo sa tabi ni kuya. May mga snacks naman na naiwan dito kaya may kinakain sila.

“Okay, habang wala pa si Thrizel, mamili na tayo ng movie na papanoorin." Suggest ni ate Anissa kaya namili na kami. Nang makapili na, siya namang dating ni Thrizel. Ang natitirang p’westo nalang ay kay Thrale.

Kita ko ang kaniyang paglunok at nagdadalawang isip ba kung tatabi. Tumingin siya sa akin, nanghihingi ng tulong. Tumayo ako para sabihing dito siya sa aking p’westo ngunit naunahan ako ni Thrale sa pag-agaw ng atensyon ni Thrizel.

Thrizel’s POV

Natapos na ako sa paghuhugas ng plato. Tiningnan ko sa salamin kung halata bang umiyak ako. Minsan pa naman sa pag-iisip lang ng gano’n ay hindi ko na namamalayang tumutulo na ang aking luha. Nang matingnan kong ayos ang aking sarili, umakyat na ako sa taas. Kita ko namang nakahiga na silang lahat, malaki ang aking kama kaya kasya sila. Naghanap ako ng p’westo ngunit kay kuya nalang ang bakante. Sa kanan ay katabi niya si ate Anissa, ang katabi naman ni ate Anissa ay si Ryke.

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now