Chapter 74:

1.1K 77 18
                                    

Thrizel’s POV

"Aray!" Sigaw ko nang madiinan ni Link ang aking sugat.

Ginagamot niya ito ngayon, akala ko ay hindi niya nakitang dumudugo ang paa ko kanina. Sinundan pala ako nito papunta sa aking kwarto. Ayokong si Thrale ang makakita, dahil ang aking akala ay gagamotin niya, baka tumaliwas at hayaan lang ako nito. Baka roon bumuhos ang aking luha, ayoko ng umiyak sa kaniyang harapan. Ayoko ng makita niya ang mga luha kong bumabagsak na siya ang dahilan.

"Wala talagang kwenta ang kuya mo."

Hindi ako tiningnan ni Link nang sabihin niya iyon. Masama ang loob niya kay Thrale base sa tono ng pananalita nito. Kung maintindihin lang ako ‘gaya ni Ate Anissa, baka maayos kami ni kuya ngayon. Pero hindi, ayaw mawala ng mali kong nararamdaman. Kahit anong gawin ko, umiwas man o pigilan ‘to, hindi ako nananalo. Nananalo ang mali kaysa sa mga naiisip kong tamang gawin.

"Bakit mo ba kasi sinabihan ng gano’n si Arella? Malay mo siya ang pinsan natin, ‘di ba? Kahit ako nainis sa sinabi mo no’ng gabing ‘yon." Mahina kong sabi rito. Sa ngayon, nilalagyan niya na ng band aid ang aking sugat.

Tumayo ito at niligpit ang first aid kit. Nilagay niya sa taas ng aking kabinet bago sumagot. "Patay na ang pinsan ko." Kaswal niyang sagot. "Wala tayong ebidensya na siya talaga si Arella, hindi sapat ang peklat sa pisngi. Wala nga siyang maalala, hindi natin alam kung ano talagang nangyari sa kaniya."

Natahimik nalang ako, may punto naman kasi si Link. Wala kaming patunay kung siya talaga si Arella. Pero malakas ang kutob kong siya, magaan ang loob ko sa kaniya. Alam kong hindi maling babae ang nahanap ni Thrale.

"Magpahinga ka muna, mamaya ka na bumaba. Kapag bababa ka, tanggalin mo ang band aid mo para hindi makita ni Thrale na nagkasugat ka." Paalala nito na tinanguhan ko lang. Agad naman siyang lumabas ng kwarto.

Nang matahimik, pumasok agad sa aking isip si Amira. Ilang araw ko na siyang hindi natatawagan, hindi rin tumatawag ang babaeng ‘yon, baka abala iyon sa kanila. Nang tawagan ko, agad na tumunog. Bumungad ang mukha niyang nakangiti sa screen ko nang sagutin niya ito.

"Hello." May problema ba ‘to?

"Matamlay ka?"

"Hmm, no, I’m not. Actually patawag na sana ako sa ‘yo, naunahan mo lang." Ngumiti siya ng kaunti sa akin. Ano bang iniisip ng babaeng ‘to? Mukhang may problema rin siya.

Napahinga ako nabg malalim. "Spill." Seryoso kong sabi.

Natigilan siya at nangunot ang noo. Iniisip kung anong sinasabi ko. "Spill, what?"

"Just spill your problem, I’m here now."

Tinitigan ako nito sa mga mata, nakipagtitigan din ako sa kaniya. Maya-maya ay bigla itong naluha, nakapatong ang laptop niya sa mesa kaya kita ko siyang yumuko at doon humagulgol ng iyak. Sabi na nga ba, mabigat ang pakiramdam nito.

"Anong problema?" Malungkot kong pagtatanong. Gusto ko siyang puntahan sa kanila para yakapin. Siya lang ang mag-isa sa kwarto, gusto ko siyang samahan. "Amira? Anong nangyari?"

"T-Thrizeeeel." Basag ang kaniyang boses. Halata rin ang pagkapaos niya. "K-Kahit saan kami pumunta, magulo ang pamilya namin." Ramdam kong masakit na ang aking lalamunan. Nahahawa ako sa pag-iyak ng aking kaibigan. Ramdam na ramdam ko ang kaniyang paghihirap.

"Anong nangyari?"

Nagpunas siya ng mukha bago muli humarap sa camera. Pula na ang mga mata nito, may mga luha pa rin. "D-Dad came here and he wanted to break up with mom. Akala ko ay maayos pa, hindi na pala." Nalungkot ako sa kaniyang kwento. Mukha ngang umaasa pa siyang maayos ang kanilang pamilya.

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now