Chapter 23:

1.4K 75 3
                                    

Thrizelʼs POV

Limang minuto na lamang ay uwian at ito ako tulala. Hinihintay na tumunog ang bell. Mamaya ay bigla na itong tumunog, pinayagan na kami ng aming adviser na umalis ng silid. Nakita ko si Amira na wala na naman sa sarili kaya tinawag ko 'to.

“Amira, hintayin mo ako!” Bulaslas ko rito pero parang wala siyang narinig kayaʼt hinayaan ko na lamang siya.

Naglakad nalang ako ng tahimik hanggang sa nakalabas ako ng paaralan. May mga studyante pang nasa daan. Napaisip ako kung maglalakad ba ako o sasakay dahil wala akong kasama.

Pero mas pinili kong maglakad dahil nakasanayan ko naman ito. Abala ako sa pag a-alala kay Amira kung ayos lang ba siya nang biglang may pigura ng tao na humarang sa aking dinadaanan kaya tiningnan ko ito. Sino ba lagi ang nanghaharang sa akin sa daan? Walang iba kun’di si Brooks. Ano na naman bang kailangan ng lalaking' to? Lalagpasan ko na sana siya nang bigla itong magsalita.

“Kamusta na, Thrizel? Tagal na rin ng huli kitang nakita, namiss kita.” Sabi nito sa akin at halata pa rin sa boses niya ang pang-aasar.

Tumingin ako sa kaniya para irapan ito. “Ano na namang kailangan mo? Kung itatanong mo kung papayag akong maging referee ng away hindi agad ang sagot ko.”

“Wow, easy ka lang. Yayain sana kita na manood lang ng away, nood lang hindi ka magiging referee.” Kalmado niyang sabi pero bakas sa kaniyang mukha na umaasang oo ang magiging sagot ko. Napaisip naman ako sa kaniyang alok, hindi ko alam kung may ano sa lalaking ito. Basta ang alam ko, nasa tapat na ako ng kaniyang kotse.

“Para saan ang kotse?” Tanong ko.

“Sumakay ka na.”

Nakatingin lang ako rito dahilan para pumunta siya sa aking p’westo at pagbuksan ng pinto.

“Oh, sakay na, don't worry wala akong balak na masama sa ‘yo.” Dagdag pa niya marahil ay nahalata niya ang pag-aalangan kong sumakay. Sumakay na nga ako, dami pang sinasabi.

“Saan ba tayo pupunta?” Tanong ko rito habang nakatingin sa daan.

“Basta, maupo ka nalang diyan at kumalma.” Sa tingin niya ba kakalma ako sa bilis niyang magmaneho?

“Subukan mong bagalan ang pagmamaneho parang gusto mo nang magpakamatay, huwag mo akong idadamay.” Dahil sa sinabi ko ay kita ko ang kaniyang pagngisi. Halatang sinasadya niya.

“Edi ‘pag namatay ako, may kasama akong anghel.” Sagot niya sa akin sabay tawa. What the fck, nababaliw na ba 'to?

“Ayokong mamatay na may kasamang alagad ni santanas.” 

“Chill, walang mangyayaring masama sa ‘yo hanggang kasama mo ʼko.” Nagseryoso ito. Pinapakita sa aking hindi siya nagbibiro. Halata namang kaya ako nitong ipagtanggol kaya nanahimik nalang ako.

Maya-maya, napatingin ako sa paligid. Nasa kakahuyan kami, wala akong makitang ni-isang bahay. Dulo na yata ito ng daan, nasaan ba kasi kami? Bakit hindi ko man lang tinandaan ang daan?

“Nandito na tayo, hʼwag kana munang baba, ako muna.” Sabi nito sa akin saka siya bumaba ng sasakyan at may kausap itong lalaki.

Saglit lang naman ay umalis na rin ang lalaki. Pinagbuksan na rin ako ng pinto ni Brooks kaya lumabas na ako. Inalalayan niya akong maglakad, hindi na ako tumanggi dahil hindi ko naman kabisado ang lugar na ito.

Pumasok kami sa isang pinto at mukhang lumang-luma na ito. Pakiramdam ko sa likod kami dumaan ni Brooks. Pero pagpasok sa loob, mali ang aking akala. Maraming tao ang bumungad sa akin. Medyo nailang pa ako dahil lahat silaʼy nakatingin na para bang sinusuri ang aking buong pagkatao.

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now