Chapter 49:

974 63 4
                                    

Thrizelʼs POV

Nakahiga na ako pero iniisip ko na naman ang pagtatalo namin ni Thrale kanina. Anong problema niya? Hindi ko na talaga siya maintindihan. Umaakto siya na parang boyfriend ko. Ayoko nang mag-overthink pero ang mga kinikilos niya’y kakaiba. Tsk.

“Argh.”

Napahilamos ako ng mukha dahil sa inis. Ang lakas niya pa rin umepekto sa akin. Lagi nalang ganito ang nangyayari. Kapag mag-isa ako, si Thrale ang naiisip ko. Iniisip ko! Palagi nalang. Paulit-ulit.

Napagpasyahan ko nang lumabas ng aking kwarto para uminom ng tubig. Imbis na wala akong iisipin at poproblemahin, iyan na naman.

Saktong pagbaba ko ng hagdan. Nakita ko si ate Anissa na nakaupo sa sofa, mukhang malalim ang iniisip. Hindi niya ako napansin, tiningnan ko na lamang siya at pumunta na sa kusina. Nagdala na rin ako ng tubig para kay ate mukha kasing kailangan niya. Naglakad ako ng palapit sa kaniya. amukhang malalim talaga ang iniisip nito dahil hindi niya ramdam ang paglapit ko.

“Ate.” Agaw pansin ko.

Nabaling naman sa akin ang atensyon niya. Agad itong ngumiti. “Oh, Thrizel, akala ko ay matutulog ka na?”

“Ah, matutulog na po sana kaso nauhaw ako kaya bumaba, saktong nakita. Ito, ate, mukhang kailangan mo.” Sagot ko rito at binigyan siya ng tubig.

“Salamat, Thrizel.”

“Hindi ka pa ba matutulog ate?” Halata sa mga mata niya na inaantok na siya pero pinipigilan niya lang ito.

“Hindi ako makatulog.” Simpleng sagot niya at ngumiti.

“May problema ba?” Tanong ko rito. Maga ang kaniyang mata kaya todo tanong ako. Bakit kaya siya umiyak?

“Ang kuya mo.” 

“Anong mayroon kay kuya, ate?”

“Wala, wala.”

Napabuntong hinginga ako at nanigurado. "Are you sure?"

“Oo naman.”

Niyakap ko siya dahil alam ko na kailangan niya ito kahit hindi niya sabihin. Anong ginawa ni kuya? Bakit si ate lang ang mag-isa rito?

“I'm always here, ate.”

“Salamat, Thrizel, mauna na akong matulog sa iyo.” Ang pagngiti niya ay peke, hindi ko na iyon pinansin pa dahil wala talaga siyang balak sabihin.

“Sabay na tayo.” Nakangiti kong sabi rito.

Tango na lamang ang naging sagot niya. Naglakad na kami at nakarating sa aming mga kwarto.

“Good night, ate.”

“Good night and sleep well, Thrizel.”

Nauna siyang pumasok sa kwarto niya. Pumasok na rin ako sa kwarto ko.

“Ano naman kayang problema ng mga iyon?” Tanong ko sa sarili ko kaya napatampal na lang ako sa aking noo dahil kinakausap ko na naman ang aking sarili.

Nakahiga ako ngayon sa kama. Gusto nang matulog pero hindi naman ako dinadalaw ng antok. Nakaramdam ako ng gutom, hindi pala ako kumain kanina. Ayokong matulog ng gutom kaya wala akong nagawa kun’di tumayo at naglakad na papuntang kusina.

Nandito naman ako. Dapat kumain na ako kanina.

“Ano kayang masarap kainin?” Tanong ko sa aking isip habang naghahanap ng pagkain sa refrigerator.

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now