Chapter 54:

999 58 11
                                    

Thrizel's POV

Lumapit ako kay kay kuya dahil tinawag ako nito. Seryoso lang ang kaniyang mukha, hindi ko mawari kung anoman ang kaniyang dahilan. Nang makalapit ako, sa iba siya bumaling. Tiningnan ko rin ang kaniyang tinitingnan, ngayon ko lang napagtantong maraming lalaki ang nakatingin sa akin. Kung titingnan mo, mahahalata mo agad na magkakasama sila.

"Magpalit ka ng damit doon, masyadong maiksi iyan." Utos sa akin ni Thrale, maowtoridad.

Umangal agad ako sa kaniya. "Anong gusto mo? Magjacket ako at magpanjamas gano'n? Saka ayos na ito, ang pogi naman ng nasa gitn-"

"Thrizel!"

Dinilaan ko lang siya at bumalik na sa dagat. Napailing-iling naman ito, wala ng nagawa kun'di ang pumunta kay Ate Anissa. Bahala ka riyan. Nananahimik akong naliligo rito, tatawagin mo ako. Hindi ko na nga kayo pinapakialam ng girlfriend mo. Gusto kong mapag-isa, sa totoo lang.

Nakita ko namang papunta sa aking gawi si Link. Lumusob siya sa tubig at pumunta sa akin. Hindi ko siya pinansin, lumubog ako at lumangoy sa ilalim. Oo, marunong ako lumangoy, ang hindi ko lang maintindihan. Bakit takot na takot akong mahulog sa swimming pool noong birthday ni Gio? Hindi ko mahanap ang dahilan. May swimming pool kami sa likod ng bahay, hindi naman ako natatakot. Iyon ang pangyayari na gumugulo sa aking pagkatao.

"Look at them." Rinig kong sabi ni Link nang umahon ako.

Nangunot ang aking noo at sinundan ang kaniyang tingin. Nakatingin siya kila Ate Anissa at Thrale. Kahit sa malayo mo tingnan, mapapansin mo talagang masaya sila.

"Anong gagawin ko sa kanila?" Kumuha ako ng tubig sa dagat at hinilamos ito sa aking mukha. Hindi rin naman ako makadilat kapag sa ilalim, masakit sa mata.

"Look at them, Thrizel. Ang saya nila." Paulit ulit naman ito si Link, ano ba gusto niyang iparating? Pinapamukha niya ba talaga sa akin? My gosh.

"Oo, alam k-"

"Sa una lang iyan masaya." Nagulat ako nang humalakhak siya. Ang lakas ng trip, amp. "Kidding, baka sabihin, hindi ako nakasuporta." Tinitigan niya ako. "Kung magiging kayo ni Thrale, matatawa ako."

Nangunot ang aking noo sa kaniya. "Bakit?"

"Siyempre kapag naging kayo, ano nalang ipapangalan mo? Thrizel Wrent Wrent HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Napasimangot ako sa kaniyang pang-aasar. Kung anong kaseryosohan ni Link, malakas naman siya mang-asar. Nyenye.

"Bahala ka riyan."

Umahon na ako sa dagat, umupo ako sa bato at pinanood nalang siya. Tuloy pa rin ito sa pagtawa, halatang tuwang-tuwa sa kaniyang naisip. Napakaabnormal.

Sumigaw ako. "Pero what if ampon akooooo?" Dahil sa aking tanong, napatigil siya. Naging seryoso ang kaniyang mukha. Umahon din ito sa tubig at nilapitan ako.

"Seriously? Payag kang ampon ka para lang kay Thrale? Mag-isip isip ka nga, Thrizel." Nagtatanong lang naman ako, grabe ang kaniyang pagiging seryoso. "What if ampon ka nga, anong mararamdaman mo?"

Napatigilan ako sa kaniyang tanong, ano nga bang mararamdaman ko? Iisipin ko palang ay parang ayoko na. Hindi ako papayag na hindi ako tunay na anak nila mom. Pero what if lang naman iyon, malabong-malabo.

"Magkamukha nga kayo ni Thrale e." Umiling-iling si Link. Napabuntong hininga. "Huwag mong pilitin, Thrizel, kapag hindi p'wede. Hanggang doon nalang. Ang bata-bata mo pa." Akala mo matanda na rin siya, duh.

Nang makita kong mag-isa si Ate Anissa sa kanilang p'westo, pumunta ako roon. Nang makaupo, kumuha ako ng mansanas na nakalagay sa plato.

Hinarap ko si ate. "Si kuya po?"

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now