Chapter 59:

982 64 6
                                    

Thrizelʼs POV

Tahimik akong nakaupo sa sofa. Wala si Thrale dito, kasama siya ni ate Anissa. Ilang araw na rin simula nang mangyari ang pag-uusap nila ni Link. Ganoon pa rin naman kami ni Link sa isa't isa. Walang nagbago sa aming pakikitungo. May dapat bang baguhin? Wala. Nabuburyo ako dahil si Link ay nasa kwarto niya habang ako rito ay nasa sala  Manonood lamang.

“Ma’am, meryenda na po kayo.” Nakita ko ang isang maid namin na may dalang pagkain.

Tumango ako sa kaniya. “Sige po.”

Simula noong sagutan nila Thrale at Link. Hindi sila gaanong nagpapansinan. Ang pagtatrato ni Thrale sa akin ay walang nagbago. Pero dahil sa katangahan ko, hindi maayos ang dalawang magpinsan. Hays.

“Hindi kaya matunaw ang meryenda mo niyan?

Natuod ako sa aking pagkakaupo. Hindi ako nagkakamali, kilala ko ang boses na ito. Kaya no’ng humarap ako, agad ko siyang niyakap.

“Amiraaaaaaaaaaa!”

Yinakap niya naman ako pabalik. My god, miss ko ang kaniyang presensya. Lahat ay namiss ko sa kaniya. Buti nalang nandito siya

“Thrizelllllllll!”

Natawa kami, kahit magkayakap na kasi kami. Sinigaw niya pa ang aking pangalan. Nandito na ang kaibigan ko. Nandito na ang isa kong kakampi sa lahat. Nandito na si Amira.

Bumitaw ako ng pagkakayakap sa kaniya at nagtanong. “Kailan ka pa nakauwi?”

“Kanina lang, katatapos ko lang magbihis at kumain. Gusto kasi agad kitang puntahan.”
Napatango nalang ako sa kaniya. “Kumusta ang buhay, Thrizel? Namiss kita, sobra.” Halata sa boses niyang naghihintay na magkwento ako. Napabuntong hininga ako. Pumasok na naman kasi sa isip ko ang mga pangyayari dito.

“Buhay pa rin.”

Naglakad ako pabalik sa mesa. Kinuha ang pagkaing hinatid sa akin ng maid.

“Manang!" Napatingin naman ako kay Amira dahil sumigaw siya. "Akyatan niyo po kami ng pagkain ni Thrizel sa kwarto niya, salamat po.” Sabi na nga ba.

Hindi katagalan. Agad niya akong hinatak paakyat sa aking kwarto. Iniupo ako nito sa kama at humarap sa akin. “Oh, Thrizel, ano na?” At talagang ata pa siya, ah?

“Ahm, paano ko ba sisimulan?” Problemado kong tanong kaya napatampal nalang ito ng noo.

“Simulan mo sa simula.”

“Nakwento ko na sa iyo na sila nila Thrale at ate Anissa na ‘di ba?”

“Oo, so kumusta ka nga?”

“Ayos lang.”

“Psh, nwndito na ako. Hʼwag kang mag-alala, hanggang nandito ako, kakampihan kita. Pasensya huh? Babalik kasi kami ni mom sa States.” Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Kaya mahal na mahal ko ang kaibigan ko, kahit baliw at madaldal minsan.

Nagsalita ako. “Si Dominic at Link pala ay magkaibigan. Nagkasagutan sila Link at Thrale, noong nakaraang gabi.”

Naputol ang susunod kong sasabihin nang biglang may kumatok sa pinto. Binuksan ito ni Amira. Ang hinihingi niyang meryenda. Kinuha niya ito at sinarado muli.

“Alam mo ba na nagkagusto silang limang magkakaibigan sa isang babae lang?" Napatigil si Amira sa pagkain, titig na titig ito sa akin. Kahit naman kasi ako ay magugulat e. Nagpatuloy ako sa pagsasalita. “Si Ate Anissa ang babae.”

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now