Chapter 77:

1K 73 9
                                    

Link's POV

Nagmamadali akong pumasok, hinanap kung nasaan si Thrizel. Kitang-kita ko ang takot sa kaniya habang kaharap si Thrale. Agad kong nilapitan ito dahil halata sa kaniyang mukha na wala itong lakas para tumakbo. Mula sa kaniyang kapatid, binuhat ko siya at naglakad patungo sa hagdan paakyat sa kaniyang kwarto. Ano na namang ginagawa ni Thrale sa kaniyang kapatid?

Nakita kong minulat niya ang kaniyang mga mata. Nang makita niyang ako ang bumuhat sa kaniya, biglang kumalma ang mukha nito. Mabilis kaming nakarating sa kwarto, inalalayan ko siyang makaupo at agad na hinanap ang first aid. Nahanap ko naman agad, ginamot na ang kaniyang sugat sa braso. Hindi ito malaki pero malalim kaya panay agos ang dugo. Natapos ko itong gamutin, inalalayan ko siyang maisandal ang kaniyang likod sa head board ng kama.

Seryoso akong nagtanong na may halong pag-aalala. "Kumusta ang pakiramdam mo. Ayos ka na ba? Walang kwenta iyang kuya mo."

Tipid siyang ngumiti sa akin. "Yes, I'm okay." Kahit ako na ang kaniyang kasama ngayon, kita ko pa rin ang takot dito.

Thrale..

Napabuntong hininga na lamang ako sa kaniyang sagot. Alam kong hindi ito ayos. Ayaw niya lang akong mag-alala lalo na't masakit ang kaniyang hita.

"Link, baka may mga gagawin ka pa yata. I can handle myself now."

Napatingin naman ako kay Thrizel bago umiling sa kaniyang sinabi. Bnalik ko ulit ang tingin sa nilalaro ko, babantayan ko na lang si Thrizel. Lagi nalang may masamang nangyayari sa kaniya kapag wala ako sa kaniyang tabi.

"Link, patulong naman humiga, inaantok ako e."

Agad akong tumayo at tinulungan siya na makahiga. Inayos ko na rin ang kaniyang kama para komportable ito. Nakaramdam din ako ng antok kaya tumabi ako sa kaniya, sinigurado kong hindi ko mababangga ang kaniyang braso at hita.

Nagising ako, agad na hinanap si Thrizel. Akala ko ay wala na ito sa kama iyon pala ay nasa kabilang dulo lang. Ang sarap ng kaniyang tulog kaya umalis muna ako. Pumuntang kusina para kuhanan siya ng pagkain. Saktong pagbaba ko ng hagdan, nakita ko si Thrale na inalalayan niya si Ariella. Dapat kapatid niya iyan hindi iyang babae na iyan.

Kumuha na ako ng pagkain at tubig ni Thrizel. Hindi pa naman ako nagugutom. Paalis na sana ako nang pumasok si Thrale at tinawag ang aking pangalan

"Link, how is she?" Halata sa boses niya ang pag-aalala. Parang kanina lang ay grabe niya itong saktan. Boomerang ba 'to? Siraulo?

Seryoso ko siyang tiningnan. Galit ako sa kaniya. "Siyempre ayos na, ako nag-alaga e." Sa aking sagot, nangunot ang kaniyang noo. Oo, Thrale, niyayabangan kita. Nagsalita muli ako. "Kaya huwag kang umaktong nasasaktan kung ako ang mas gustong maging kuya ni Thrale. Hindi ako mag-aaksaya ng oras para ipaliwanag sa 'yo lahat ang kaniyang dahilan. Para sa akin, napakawalang kwenta mong kuya." Pagkatapos kong sumagot ay naglakad na ako. Iniwan ko siyang tulala roon.

Baka gising na iyon, mahihirapan siya sa pag-upo. Mabilis akong nakarating sa kaniyang kwarto. Tama nga ako, gising na ito. Nahihirapang makaupo kaya nilapag ko ang kaniyang pagkain sa study table. Tinulungan ko na siya para makaupo, nilagyan ko ng unan ang kaniyang likod para hindi siya mangalay.

"Nagugutom ka na ba? Kahit hindi ka gutom, kumain ka."

Natawa naman ito sa aking sinabi at tumango.

Inabot ko na sa kaniya ang pagkain. Nagsimula naman na ito, hindi ko naman halata na gutom siya , parang lang, joke. Binantayan ko na lang siya habang kumakain.

Napatingin ako sa aking selpin, low battery na pala ito. Mamaya na ako magchacharge, papatapusin ko munang kumain ang babaeng ito. Maya-maya ay natapos na sita. Agad kong inabot ang tubig, kinuha ang kaniyang pinagkainan niya at nagpaalam na ibaba lang ito.

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now