Chapter 9:

3.6K 117 4
                                    

Thrizel’s POV

Tiningnan ko si Amira sa mga mata na kaya ko na ito. Nagets naman niya pero habang paalis ay bakas pa rin sa kinikilos niya ang kinikilig.

Hays.

Pumasok na ako sa cafeteria. Marami-rami ang tao kaya hindi ko agad nakita si Ryke. Pinuntahan ko siya, nandoon siya malapit-lapit sa gitna. Walang pasintabi akong umupo sa kaniyang harapan.

"Nandiyan ka na pala." Puna niya sa akin at inabutan ng pagkain. Mukhang umorder na.

Ngumiti ako. "Ano bang pag-uusapan natin?"

Uminom muna ito ng tubig at tumingin sa aking mga mata ng diretso. "Nasaan ang kuya mo?"

"Hindi ko siya kasama, ewan ko ro'n."

"Buti naman, bawal niya kasing malaman." Tumingin muna siya sa aming paligid kung may naririnig ba o wala. "Thrizel, huwag kang magagalit kapag sinabi ko.

Kinabahan ako roon pero tuloy pa rin sa pagkain. Mga ilang segundo ako bago sumagot. "Yeah."

"S-Si Kristina Altejano."

"Anong mayro'n sa kaniya?"

Thrale’s POV

Napangiti ako nang matapos ko na ang aking ginuguhit. Nagpapag na ako at nilikgpit ang aking mga gamit. Nagulat ako nang may biglang yumakap sa akin patalikod. Tiningnan ko ito at si Anissa. Hmm? Nga pala.

"Tapos na ako," sabi ko sa kaniya at humarap.

"Ano bang ginuhit mo?"

"Wala 'yon." Dahil magseselos siya kapag nalaman niya. Iisipin niya kung sino iyon, ayoko namang malaman ang tungkol kay Arella.

Napangiti ako nang halikan ako nito sa labi. Ginantihan ko iyon dahil bibihira lang ang tao rito, wala namang makakakita. Lumalim ang aming halikan hanggang sa...

"Thrizel."

Halos manlaki ang aking mgabmata, mabilis akong bumitaw sa aming paghahalikan. Pinilig ko ang aking ulo at napasabunot sa sariling buhok. Ano ‘yon? Binanggit ko pangalan ng aking kapatid?

"Thrale, bakit?" Takang tanong ni Anissa.

Hindi ako sumagot, sunod-sunod ang aking mura sa isipan ko. Napapasipa rin ako sa bato. Fuck! Si Anissa ang kahalikan ko pero bakit si Thrizel ang nasa aking isipan? Ang mas matindi pa ay nabanggit ko ang pangalan niya. Buti na lang ay hindi narinig ng aking nobya.

"Why did you stop?" Tanong niya at hinawakan ako sa aking mga pisngi. Tinitigan ako nito sa mga mata. "May problema ba?"

Umiwas ako sa kaniyang titig at umiba ng direksyon. "Nothing."

"E, anong—"

"Tara, hatid na kita sa room niyo." Putol ko sa kaniyang sasabihin. Tumango naman ito bilang sagot kahit alam niyang nawala ako sa mood.

Habang naglalakad kami ay hindi mawala sa aking isip kung bakit ko nabanggit ang pangalan ng aking kapatid habang kahalikan ko si Anissa? Bakit siya ang nasa isip ko? Gulong-gulo ako dahil ngayon lang iyon nangyari.

"You kissed me," biglang sabi ko. "Wala pang tayo pero bakit mo ginawa 'yon?"

"Mahal na mahal kita, Thrale." Sabi niya gamit ang malungkot na boses. "Alam mo namang may sakit si mom, 'di ba? Siguro sa susunod, magiging tayo rin."

Ngumiti ako sa kaniya ng matamis. "Naiintindihan naman kita, maghihintay ako kahit gaano pa katagal, Anissa. Basta sa akin ka lang at ikaw lang ang mapapang-asawa ko, wala ng iba."

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now