Chapter 64:

1K 67 8
                                    

Thrale’s POV

Mariin akong napapikit. Bumuntong hininga ako na napahilamos ng mukha. Ilang beses ko ba siyang hahanapin? Ilang beses ba akong tatawag sa aking mga kaibigan para makakuha ng information about her? Fck. Ito ang kinaka-abalahan ko ngayon. Gusto kong mahanap si Arella. Alam kong buhay siya, kitang-kita ng aking dalawang mata. Hindi iyon gawa-gawa ng aking isip, ilusyon o ano. Nakita ko talaga siya lalo na no’ng gabi na nasa bar ako. I want to see her now.

"May nakita ka na bang konektado sa kaniya?" Tanong ko kay Gio na nakatutok din sa kaniyang laptop. Yes, nagpapatulong ako kay Gio, kami lang dalawa ang nakakaalam nito.

"Do you know her face?" Harap nito sa akin, naghihintay ng magiging sagot ko.

"Y-Yeah." Nag-isip ako. Inaalala kung anong mukha ni Arella ngayon nang makita ko siya. "She has a scar on her right cheek, kagagawan iyon ng kaniyang tatay."

Tumango-tango si Gio. "Ang hirap kasing hanapin kapag ang tao ay nagtatago."

"Huh?"

"May mga konektado sa kaniyang account pero lahat iyon ay private, hindi ko man lang mai-message." Napabuntong hininga siya at muling bumaling sa akin. "Doon sa bar, may cctv camera sa labas pero hindi nahagip ang sinasabi mong Arella. Ulo niya lang ang nakita roon. Masyado siyang mailap." Tinabingi niya ang kaniyang ulo ng bahagya at kunot noo akong tiningnan. "Saka sandali, who's Arella? Bakit mo pala hinahanap ang babaeng iyon? Ngayon ko lang narinig ang pangalan na ‘yan mula sa ‘yo."

Wala akong sinasabihan tungkol kay Arella sa kahit kanino. Na-ikwento ko lang ito kila Thrizel at Anissa, silang dalawa lang ang nasabihan ko kaya ganoon nalang magtaka si Gio. Napailing-iling pa ito at parang may naisip.

"Don't tell me..."

"What?"

"Babae mo ba ‘yo—"

"Of course not, hindi ko magagawang lokohin si Anissa."

"Seriously?" Tinanggal nito ang tingin niya sa akin. Nag-iba ang timpla ng kaniyang kalagayan, para bang may hindi siya magandang narinig sa aking sinabi.

"What’s wrong?"

Seryoso itong nagsalita. "Thrizel kissed you in the restroom. Wondering? Mukha lang akong inosente sa oras na ‘yon, ako lang yata ang nakahalata. Thrizel's lipstick is red while Anissa's is pink. At that time, I saw some lipstick under your lips. It's red so I looked at Thrizel. Her lipstick was also damaged on her lips. Siyempre puno ng tanong ang aking isip kaya nanahimik nalang ako. Nakakalimutan mo yata, Thrale, na magaling akong maghanap ng ebidensya." Napailing-iling siya. "Wala ka bang aaminin sa akin? Anong nangyayari sa inyong magkapatid?"

Sasabihin ko ba sa kaniya? May tiwala ako kay Gio pero nagdadalawang isip ako. Sasabihin niya ba kay Anissa ang nalalaman niya? Ayokong malaman iyon ng aking girlfriend. Pangloloko ba ang aking ginagawa? I love Anissa so much. Ayoko siyang masaktan.

Muling nagsalita si Gio. "By the way, remember no’ng pinagbintangan si Thrizel na siya ang pumatay kay Ms. Altejano? Of course, alam ko, I'm the SSG President. Hindi ko talaga inaasahan na may something sa inyo ng kapatid mo. Wala akong nahalata, wala akong napansin, wala akong naramdaman. Kulang yata ang skills ko. Haha." Napalabi siya. "Thrizel o Thrale? Mas halata ka kaysa sa kapatid mo, Thrale. Ryke told me, napansin niya lang. Alam mo naman iyon, parang ako. Do you know what I mean? I know you very well."

Napangisi ako at napailing-iling. "What do you mean?"

"Are you in love with your siste—"

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now