Chapter 41:

1K 65 1
                                    

Thrizelʼs POV

Bagsak balikat akong pumasok sa loob. Nasa pinto na ako nang may marinig akong tawanan. Mukhang nandito na sina Link at mommy niya. Huminga ako nang malalim para hindi mapahalatang pinagbagsakan ako ng langit.

Saktong pagpasok ko ay naagaw ko ang kanilang atensyon at ngayon ay nakatingin sila sa akin. Ngumiti ako at lumapit sa kanila.

“Oh, hello hija.”

“Hi, Tita.” Bati ko sa mommy ni Link. Ngumiti naman siya sa akin at niyakap ako. Niyakap ko naman ito pabalik.

Pinansin ko rin ang aking pinsan at kuya. Ngumiti silang dalawa sa akin. Nagpaalam na muna ako sa kanila dahil kakauwi ko lang.

“Tita, kuya at Link. Akyat na muna ako sa kwarto. Aayusin ko na muna ang binili namin ni Amira kanina.”

Naglakad ako paalis sa sala at umakyat na sa kwarto. Nang nakarating ay ibinababa ang mga pinamili namin. Sumalampak ako sa aking kama kahit hindi ko pa nalilinisan ang aking katawan.

Nakakapagod ang mga ginawa namin ni Amira pero mas dama ko ang lungkot dahil sa sinabi niya. Nakatulala ako sa kisame nang biglang may narinig akong katok sa pinto kaya napatingin ako roʼn.

“Thrizel, kakain na.” Boses ni Link.

“Sige, baba na ako.”

Tumayo na upang maghalft bath. Mabilis ako nakatapos, pababa na ako ng hagdan saktong pagpunta ko sa dinning ay kompleto na sila. Mukhang ako na lamang ang hinihintay.

“Oh, ito na pala si Thrizel. Maupo ka na hija. Let’s eat.” Sabi ni tita nang makita ako.

Ngumiti ako sa kaniya. Naupo ako kung saan malapit kay kuya. Nagsimula na kaming kumain. Tahimik lamang ako kapag tatanongin ay doon lang sasagot.

“I'm done." Magalang kong sabi sa kanila saka tumayo.

Napatingin sa akin si kuya. Nginitian ko nalang siya. Umalis na sa dinning area. 

Umakyat na ako sa kwarto. Hindi ko alam pero ayaw ko munang makipag-usap kahit kanino. Pumunta akong balkonahe. Abala sa pagtingin sa langit at pagdama sa malamig na simoy ng hangin nang may narinig akong katok galing sa pintuan kaya napatingin ako roʼn. Nagsalita.

Bakit?”

“Ah, Ma’am Thrizel. Tawag kayo ng tita niyo.” Sabi ng isang katulong namin sa labas kaya napabuntong hininga ako. Hindi naman sa ayaw ko bumaba, gusto ko lang mapag-isa.

“Sige, baba ako, sandali lang.” Sinimara ko ang pinto sa balkonahe at agad na bumaba para mapuntahan si tita.

Nang makalapit ako sa kaniya. Nagsalita agad ako. “Tita, you are calling me, yaya said.”

“Yes, I have something to ask.” Ani Tita. Hinanap ko sila kuya at Link, wala akong nakita. Mukhang nasa kwarto na nila.

"What it is po ba, tita?”

“Bakit noong nakita mo kami ni Link kanina sa mall, bigla kang nagtago?” Napakamot batok naman ako sa tinanong niya. Bakit nga ba ako nagtago? Nakita pala nila ako? Akala ko ay hindi.

“I didn't hide from you because Amira pulled me dahil may ipapatingin siya sa akin. Hindi ko na kayo nalapitan ni Link dahil pagtingin ko sa pwesto niyo, wala na kayo.” Oo, sige na. Ako na ang sinungaling. Ayoko lang magpaliwanag ng mahaba sa kaniya.

“Ganon ba? Osige, go to your room. You need a rest mukhang pagod ka kanina." Niyakap niya ako, niyakap ko rin siya pabalik.

Ngumiti ako sa kaniya at muling bumalik sa kwarto ko.  Muli akong sumalampak sa kama. Pinikit ang aking mga mata. Nagising ako nang may tumamang sikat ng araw sa aking mukha.

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now