Chapter 32:

1.1K 70 4
                                    

Thrizel's POV

Maaga akong nagising dahil kailangan kong pumasok. Uminom ako ng tubig at bumaba na. Wala akong naabutang manang pero may pagkain sa lamesa. Umupo ako at nag-umpisa nang kumain. Sa malaking lamesa na 'to, solong-solo ko 'to mula kahapon pa.

Hindi na ako nakatiis. Kinuha ko ang aking telepono at tinawagan si mom. Sinagot niya naman agad. "Yes, baby?"

"Mom, balik ka na." Malungkot at may paglalambing sa aking boses. "Miss ko na kayo ni daddy, a-ako lang mag-isa rito. Wala na akong kasabay kumain."

"Sorry, baby. Mukhang matatagalan kami ng daddy mo. Where's Thrale?"

"Wala siya, kahapon pa."

"Si Link?" Sakto namang pagtanong ni mom. Siya namang pasok ni Link dito sa kusina. Kakagising niya lang din at mukhang kakain ito.

"He's here."

"Good, sumama ka nalang muna sa kaniya, baby. Marami pa akong dapat gawin. I love you. Have a nice day."

"I love you too, mom, I miss you." Pinatay ko na ang tawag at hinarap si Link. "Kain ka na. By the way, wala ka bang pasok?"

"Huh?" Nangunot ang kaniyang noo at naglagay ng pagkain sa plato. "Sabi ko 'di ba? I'll come here when my class is done?"

"So tapos na?"

"Yes." Pagmamayabang nito.

Gagi, sanaol. Sa amin ay isang buwan pa. Pa-college na si kuya kapag natapos na ito. Gagraduate na siya. Hays, hiwalay na kami ng paaralan. Wala nang magtatanggol sa akin. Kaya kakaunti lang ang nangbubuyo sa akin dahil sa kaniya. Buti nga kilala siya ng karamihan.

"Papasok ka na ba?" Natigil ako sa pag-iisip nang magtanong siya. Tumango ako bilang sagot. "Ihatid na kita."

"Alam mo ba kung saan ang school ko?" Tumayo ako nang matapos kumain. Pumunta na akong sink para magsepilyo.

"Of course, anong akala mo sa akin? Babae na taong bahay?"

"Okay, fine." Sagot ko nalang sa kaniya.

Nang matapos akong magsepilyo, umakyat akong kwarto para maligo. Ginawa ko na ang aking mga gawain hanggang sa matapos.

"Manang, alis na po ako." Paalam ko kay Manang Perry. Nakita ko itong inaayos ang mga halaman ni mom.

"Sige, hija, ingat ka."

"Opo." Bago ako umalis ay tumingin ako sa garahe namin, wala ang kotse ni kuya, isa lang ang ibig sabihin no'n, nanakaw ang kaniyang kots-joke, hindi pa siya nakakauwi.

Hindi ko na iyon pinansin, lumabas na ako kung saan naghihintay si Link. Pinagbuksan niya ako ng pinto at pinasakay, gano'n din ang kaniyang ginawa. Tahimik lang kami dalawa. Abala siya sa pagmamaneho pero nakuha naman nitong magsalita.

"Uhm." Binalingan niya ako at muling binalik ang tingin sa daan. "Hindi pa umuuwi si Thrale?"

"Hindi pa." Simple kong sagot.

"Dalawang araw na siyang wala. Hindi naman nagsabi sa akin 'yon kung saan siya pupunta."

Napabuntong hininga ako. "Gusto ko sanang i-text."

"Why didn't you?"

"Kasi, Link, kung ayaw niyang pag-aalahanin ang tao, siya ang kusang magtetext sa akin. Hanggang ngayon nga wala pa, o-"

"Oh, ba't galit?"

"I hate you." Pikon kong sagot dito.

Natawa naman ito sa naging reaksyon ko. Para talaga siyang si Elkhurt minsan, nang-aasar hanggang sa mapikon ka. May side naman siya na parang si Ryke at Dominic, sinusuri ang buong pagkatao mo. Hays.

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now