Chapter 83:

1.2K 63 9
                                    

Thrale's POV

Isang linggo na ang nakalipas. Ang huli kong balita ay Thrizel ay 'yong may naglagay ng sobre sa aming gate. Sa isang linggo ko siyang hinanap, hindi ako tumigil sa paghahanap sa kaniya kahit alam kong nasa maayos siyang kalagayan. Kung si Link ang kumuha sa aking kapatid, hindi ako papayag. Lalo na't naaalala ko ang sinabi sa akin ni Thrizel na sana ay si Link nalang ang kaniyang kuya. Nasaktan ako roon, iyon ang totoo.

Early in the morning I left. I had no choice but to ask that person. Of all Thrizel's acquaintances, he's the only one I don't ask even if he went last week. Hambong ang lalaking 'yon, hindi pagbababa ng pride ang aking ginagawa. Magtatanong lang naman ako sa kaniya at hindi hihingi ng tulong. Hindi ko kailangan ng tulong n'on kahit alam kong may maitutulong siya.

Nang makarating ako sa resto, bumaba na ako. Pumasok agad ako, hindi kalayuan, kitang-kita ko na agad si Dominic. Nakadekwatro itong umupo at nakahalukipkip, diretso ang kaniyang tingin sa akin. Humikab pa ito, pinaparating sa aking ang tagal kong dumating. Nang makaupo ako, tumawag siya ng waiter.

"The menu?" He asked the waiter. The waiter immediately handed over the menu. He looked at menu and suddenly faced me. "What do you want to eat, Thrale?"

Naghihintay siya sa akin ng sagot kaya humarap ako sa kaniya. "Kahit ano, I'll pay."

Ayokong siya ang magbabayad, ako ang nakipagkita kaya sa akin ang gastas. Ayokong magkautang na loob sa lalaking 'to.

Hindi katagalan, dumating din naman ang aming order. Nandito kami sa pinakasulok na p'westo, tahimik lang kaming kumakain. Nag-iisip ako kung paano ko uumpisahan ang pagtatanong. Lahat ng bagay ay may kahulugan kay Dominic.

Magsasalita na sana ako nang unahan ako nito. "Uhm, can I ask? About past." Wala akong maisip kung ano ang itatanong nito. Bukod sa hindi kami malapit sa isa’t isa, wala rin kaming nakaraan. Tungkol kanino ang gusto niyang malaman?

"Sure." Ilang segundo pa ako bago sumagot. Titig na titig ang mga mata niya sa akin.

"No'ng umamin sa 'yo si Thrizel, Amira's birthday. May nahalata ka bang kakaiba sa kaniya? After nang may mangyari sa pool." Bukod sa takot na takot siya at umiiyak. Wala na akong nahalata.

"Thrizel took sex drugs so if there was anything strange about her behavior, it was because of the drugs. Sa pagtatanong mong may nahalata akong kakaiba, wala." Seryoso lang ang aming mga mukha. Halata rin namang hindi palabiro at palatawa itong si Dominic. "Saka sabi mo bantay na bantay mo si Thrizel that time. Edi ikaw lang ang makakasagot kung anong kakaiba sa kaniya."

"Lahat naman tayo iniisip na may amnesia ang kapatid mo. Takot na takot sa pool ng iba pero kapag sa inyo, hindi naman. Did she have trauma in the pool? Nalunod ba siya no'ng bata siya, Thrale?"

"Hind-"

"E, ano 'yon? Hindi p'wedeng takot lang si Thrizel dahil marunong siyang lumangoy. Hindi p'wedeng natatakot siya ng walang dahilan. Hindi kaya..."

Nangunot ang aking noo. Binitawan ko ang mga kubyertos at humarap sa kaniya. "Ano?"

"Link said you didn't get along with Thrizel when she was a kid. When your mom came home from another country, you only saw Thrizel there. Kilala ko ang mommy mo, sa gan'ong edad ni Thrizel halatang alagang-alaga at hindi mapapabayaan. Imposibleng malunod siya sa pool para magkaroon ng trauma." Ang mga tingin ko sa kaniya ay nagtatanong kaya hindi pa ako nagsasalita, nagpatuloy siya. "Hindi kaya ibang pamilya ang nag-alaga kay Thrizel?"

Natahimik ako sa kaniyang sinabi. Buntis si mom nang pumuntang ibang bansa at ang dinadala niyang batang iyon ay si Thrizel. Hindi ko nakasama si Thrizel noong bata kami. Naging pabaya ba si mom kaya may trauma si Thrizel sa pool? Kung tama ang sinasabi ni Dominic na ibang bata ang aking kapatid, nasaan ang totoo? Ang daming pumapasok sa aking isip, paano kung hindi business ang inaasikaso ng aking mga magulang? Paano kung kapatid ang pinuntahan nila? Kung gan'on, saan galing si Thrizel? Sandali.

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now