Chapter 39:

1K 67 8
                                    

Thrizelʼs POV

Maaga akong nagising. Papasok pa ako sa paaralan. Tila tinatamad akong tumayo pero kailangan dahil ayokong makita ngayon si Thrale. Naiinis ako ng lalo sa kaniya.

Napabuntong hininga ako. "Hays." Umagang umaga siya na naman ang magiging problema ko.  Paano ba kasi hindi isipin ang lalaking ‘yon? Hays, kuya ko nga pala siya.

Pumunta na akong banyo para maligo. Nagsimula nang pumatak ang tubig galing sa shower. Sa bawat patak nito ay damang-dama ko.

Mabilis akong natapos kaya nagbihis na. Bumaba ako at naabutan ko si manang na naghahain ng mga pagkain. Pumunta ako sa kaniyang gawi.

Napatingin siya sa akin at nagsalita.
"Oh, Thrizel, hija. Ang aga mo naman gumising."

Tumango ako at bumati sa kaniya. "Good morning po."

Naupo na ako. Nakita kong paakyat si manang sa hagdan. Marahil ay gigisingin niya sila Thrale at Link. Hindi ko na ito pinansin at nagsimula nang kumain. Bahala sila riyan.

"Hi, good morning Thrizel. Ang aga mo naman yata." Napatingin ako sa nagsalita. Si Link, siya ang unang bumungad sa akin pero sa kaniyang likuran, nandoroon si Thrale.

Ngumiti ako sa kaniya bago bumati pabalik. “Morning.”

Nagsalita ang nasa likuran niya. "Morning."

"Same." Saka ako sumubo at tinuon ang atensyon sa pagkain.

Tahimik lang kaming kumakaing tatlo nang biglang nagsalita si Link. Mala-Elkhurt at Amira ito sa kadaldalan e. May mga oras na seryoso siya, mas guato ko pang ganoon siya umasta.

"Ang lamig. Grabe, gusto niyo buhusan ko kayo ng mainit?" Tanong niya sa amin ni Thrale kaya napatingin ako sa kaniya ng puno ng pagtataka. Kita ko namang natawa ito sa naging reaksyon ko. Walang naging reaksyon si Thrale. Pakialam ko ba sa kaniya?

"Wala, HAHAHAHAHA." Dagdag ni Link sa kaniyang sinabi. Napailing na lamang ako sa kaniya. Baliw na e. Alam ko namang kami ang tinutukoy niya ni Thrale.

"I'm done." Sabi ko at tumayo sa hapagkainan.

Naglakad ako paakyat ng hagdan para kunin ang gamit ko. Nang makuha ko na ito, saktong pagbaba ko ng hagdan ay ang paakyat naman si Thrale. Hindi ko siya pinansin pero nagtama ang mga balat namin. Ramdam kong para na naman akong napaso. Mawalak ang hagdan, alam kong sadya niya iyon. Ramdam ko ring sumulyap siya sa akin pero hindi ko na iyon binigdeal. Naglakad na ako ng tuloy-tuloy para makaalis na rito.

Naglakad na ako papuntang Circuim High School. Hindi ko na dinaanan pa si Amira. Marunong naman iyon pumasok mag-isa o baka nga magpahatid pa siya sa driver nila.

Mabilis naman akong nakarating. Wala pa gaanong studyante, talagang wala dahil maaga ako ng isang oras sa tamang pasok. Tumambay muna ako sa rooftop ng school. May mauupuan dito kaya inilagay ko ang aking bag doon at umupo. Malakas ang ihip ng hangin na tumatama sa aking balat.

"Oh, nandito ka." Salita na galing kay Dominic. Oo siya nga, kabisado ko na ang boses niya. Lagi nalang siyang sumusulpot.

"Masama?" Wala ako sa magandang kalagayan. Pakiramdam ko, dikit ka lang sa akin ay maiirita na ako. Maninigaw na.

"Hindi naman." Sagot niya sa aking tanong. Naupo siya sa aking tabi.

Hindi na ako nagsalita.

Kita ko sa aking peripheral vision na bumaling siya. "Umiiwas ka ba sa kuya mo? Hmm?” Lahat ba talaga ay gusto nitong malaman?

"Wala ka na ron." Tamad kong tugon dito.

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now