Chapter 82.

1K 61 16
                                    

Thrale’s POV

Nabuksan ko na ang pinto ng kwarto ni Thrizel. Sinira ko pa ang doorknob nito para makapasok. Sobrang kalat ng kaniyang kwarto, ang mga unan at comforter ay nasa sahig. Ang mga libro ay kalat na kalat sa study table. Kilala ko ang babaeng ‘yon, malinis iyon pagdating sa ganito. Hindi ko lang alam ngayon. Wala pa akong balita sa kaniya.

Tinawagan ko na lahat ng mga kaniyang kakilala, hindi nga raw nila alam. Lubha na akong nag-aalala. Sabihin ko kaya sa mga pulis na nawawala ang aking kapatid? No, hindi, kilala ako ng mga iyon dahil kay dad. Kung sasabihin ko, p’wedeng malaman ng aking mga magulang na naging pabaya akong kuya. Hinding-hindi ko gagawin ang bagay na ‘yon.

I walked over to her cabinet. I hope my sister has a diary in case I see what her problem is. May mga notebooks akong nakita pero tungkol lamang ito sa kaniyang pag-aaral. Sa pinakaibaba, may nakita akong identification. I read the name, Redelyn Gauniria. Hindi ako nagkakamali, ito ang girlfriend ni Phryx, ito yata ang dahilan kung bakit niya ginugulo ang aking kapatid. Dapat sinauli na ito ni Thrizel kay Phryx, hindi ko gusto ang lalaking ‘yon. Masyadong mabigat ang kamay.

I returned the identification to the cabinet and took a deep breath. I don’t know my reason why I came in here. No, I went in to find out where Thrizel went. Naalala ko ang kaniyang selpon na panay tunog noong tinatawagan ko. Agad kong nilibot ang aking mga mata para hanapin. Nakita ko itong nasa tabi ng vase. Kinuha ko.  Walang password ang kaya ko nakalkal. Pumunta akong message app, nagbabakasakaling may mensahe muna siya bago umalis. My face saddened when I saw all her messages deleted. Anong trip ng babaeng ‘yon?

“Thrizel, saan ka ba nagpupunta? Hindi ka tinuruan ng ganitong asal. Tsk.”

Nakita ko ang kaniyang app na photos. Pinindot ko iyon, nakita ko ang kaniyang litrato kaya tiningnan ko. Aaminin kong maganda talaga siya, malinis ang mukha at maganda ngumiti. Nagslide pa ako para makita ang iba. Kakaunti lamang ang kaniyang litrato, halatang bihira lang kumuha.

Napahinto ako nang may makita akong sketch. Isa ‘tong batang babae, hindi marunong gumuhit si Thrizel, sinong gumawa nito? Saka base sa litrato, malungkot ang bata, may luha pa ito sa mga mata. Saan naman galing ‘to? Pamilyar ang mukha, parang nakita ko na. Pero wala naman kaming batang nakikita ni Thrizel o baka naman kuha niya lang ito sa social media kaya nandito sa kaniyang photos.

Nawala ang aking atensyon nang makita kong pumasok si Arella. Nagsalita siya. “Kuya Thrale, kanina ka pa nandidito.”

Hindi ko pinansin ang kaniyang sinabi. Muli akong tumingin kay Arella dahil hawig niya ang nasa sketch na ‘to. Hawig na hawig niya talaga, mata, ilong at labi, parehong-pareho. Pansin kong nangunot ang noo ng aking pinsan kaya pinatay ko na ang selpon ni Thrizel.

Bumuntong hininga ako. “Tara na, may tiningnan lang ako.”  

Tumango lang siya sa akin. Ginaya ko na siya palabas ng kwarto ni Thrizel, sinarado ko ang pinto kahit sira ang doorknob nito. Habang pababa kami, biglang tumunog ang aking selpon kaya agad kong kinuha. Baka isa ito sa aking mga tinawagan, baka may balita na sila sa aking kapatid.

Nang tingnan ko ang caller, medyo nalungkot ako. Nalungkot dahil hindi ito tungkol sa aking kapatid. Medyo masaya dahil si Manang Perry ang tumawag. “Hello, manang, how are you po? Babalik ka na ba rito sa bahay?”

“Hijo!”

Tuwang-tuwa ang kaniyang boses. Halatang natutuwa dahil nakausap ako. Mag-iisang buwan na ring hindi ko nakakausap si Manang Perry. Si Thrizel o kaya si mom siguro ang lagi niyang tinatawagan para ipaalam kung anong nangyayari sa kaniya sa probinsya.

“Namiss ko ang boses mo. Kumusta naman kayong magkapatid? Paumanhin na, hindi pa kasi nagigising ang aking pamangkin. Kapag nagising siya, isasama ko nalang siguro siya sa akin tutal pumayag naman sila ma’am.”

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now