Chapter 25:

1.4K 73 2
                                    

Thrizelʼs POV

Patuloy lamang ako sa pakikinig ng mga tinuturo ng aking mga subject teachers na pumapasok sa silid na 'to. Nagising na rin 'yong lalaking kulay asul ang buhok at nakikita ko sa gilid ng aking mga mata ang kaniyang pagtitig sa akin na para bang sinusuri ang aking bawat kilos, maging ang paglabi ko ay tinitingnan din nito.

Anong problema ng lalaking ito? Saktong pagtingin niya sa akin, tiningnan ko rin siya ng walang gana. Bumakas sa mukha nito ang takot pero mabilis niya itong natago sa pamamagitan ng pagngisi.

Hindi ko na lamang siya pinansin at tumingin nalang sa pintuan upang makita kung sino ang susunod na papasok na guro sa amin. Hindi ‘gaya sa school namin ang breaktime rito, kanina ay tanghali na ngunit sa amin ay maaga.

Napatingin ako kay Amira noong bigla siyang bumuntong hininga na para bang sobrang lalim ng pinanghuhugutan nito. Napansin niya siguro ang pagtingin ko kaya binigyan ako nito ng pekeng ngiti.

Napalabi ulit ako bago magsalita. “Hindi kaya may lumabas na sipon sa lalim ng buntong hininga mo?” Sabay tumawa ng kaunti para naman gumaan ang atmospera sa aming dalawa pero ngumiti lang ito. Umiling sa‘kin kaya napailing na lang din ako. Wala akong magawa.

Mamaya ay may pumasok na guro, mukhang ito ang sunod na asignatura namin. Nagleleksiyon ito pero ako ay parang naging lutang. Hindi ko alam pero nawawala ako sa pag-iisip. Huminga ako nang malalim para makatampulan. Sinusubukang intindihin ang sinasabi ng aming guro pero hindi ko magawa. Likas na talaga ito sa akin, kahit anong tampulan ko ay nawawala talaga ako.

Naramdaman ko na naman na may tumitingin sa akin. Akala ko ay iyong lalaking kulay asul ang buhok pero hindi, ang katabi pala nito. Tinitigan ko ang kaniyang mga mata. May kaparehas siya kung tumitig, maihahantulad ko ito kay Link na para bang inaalam sa bawat kilos ko.

Napansin siguro ako nito kaya binigyan niya lamang ako ng isang matamis na ngiti. Hindi ko maitatanggi na gwapo siya pero hindi siya ang tipo kaya tiningnan ko nalang at binalik ang atensyon sa harap.

Dalawang guro pa ang kailangan pumasok sa aming silid bago magbreak time. Ang tagal, parang sobrang bagal ng oras. Pakiramdaman ko ang tagal tagal ko nang nakaupo sa upuan ko. Tinignan ko kung ayos lang ba si Amira, mukha namang ayos kaya kumuha nalang ako ng notebook at gumuhit ng kung ano-ano. Ganito lang naman ginagawa ko kapag buryo ang klase.

Nakailang guhit na ako. Nagulat nalang ako sa aking ginuguhit gayon. Dalawang bata na masayang naglalaro at mukhang mahalaga sa kanila ang isaʼt isa. Isang batang babae at batang lalaki, hindi ko alam pero may kung anong kumirot sa puso ko habang tinitignan ang aking sariling guhit. Hindi ko naramdaman na napatulala ako roon, nabalik ako sa sarili nang pitikin ni Amira ang aking taynga dahilan para tingnan ko siya ng masama. Ngumuso siya sa harap, nakita ko ang guro naming nakatingin sa akin. Nagpaumanhin nalang ako rito.

Hindi ko alam kung bakit iyon ang naiguhit ng aking mga kamay. Hindi siya kagandahan pero mahahalata mo kung anong ginuhit ko. Sa sobra kong pag-iisip, hindi ko na alam ang aking ginagawa pero ano bang mayroon doon? Bakit parang apektado ang pagkatao ko?

Tinigilan ko na ang aking pag-iisip nang may guro na namang pumasok. Mukhang istrikto ang guro na ito. Tumahimik ang lahat hindi 'gaya ng mga nauna na asignatura. Nagagawa pa nilang mag-ingay pero ngayon ay hindi na.

Nagsimula na itong magsalita nang magsalita at kada-buka ng kaniyang bibig ay gan’on din ang pag-ikot ng kaniyang mga mata habang nakatingin sa ‘kin. Kaya nakipagtitigan din ako rito, hindi nagtagal ay binaling niya sa iba, mabuti naman.

Patuloy lamang ito sa pagtuturo, kami rin ay patuloy sa pakikinig sa kaniya. Tumunog ang bell hudyat na breaktime na. Tumingin muna ang guro namin na babae bago kaming payagan na magbreaktime.

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now